Hatred1

Dear Mama,

Di ko alam kung kailan nagsimula. Di ko alam kung paanong may nabuong galit dito sa puso ko. Pero para sa ikatatahimik ng loob ko pipilitin kong alalahanin.

Ito ba' y nagsimula noong ako ay kinagalitan mo dahil di ako naging mabuting ate? Dahil napabayaan ko ang aking kapatid? At ng dahil doon ay hinataw mo ako ng pamalo na sing laki ng iyong braso.

O nagsimula ito noong hindi ko natapos ang aking gawain kung kaya't di ako pinatulog ng mga bibig mong naninigaw at pumapatay sa pamamagitan ng masasakit at nakapanliliit na salita.

O di kaya'y nagsimula noong nabasag ko ang plato sa pag aakalang ako ay nagdadabog kung kaya't ang mumunti kong ulo ay iyong pinukpok.

O di kaya nang sa akin ay ibinintang na ako ay may kinupit na salapi sa iyong pitakang wala naman talagang laman at ako ay iyo pa talagang ginising upang tanungin na sa dinami dami ng tao sa loob ng bahay ay ako pa talaga ang pinagbintangan.

O kaya nagsimula noong bigla mo na lamang pinaliparan ng iyong palad na da unang pagkakataon ay dumapo sa matatabang pisngi na nang dinapuan ay namanhid at namula ng sing pula gaya ng kamatis sa kadahilanan 'mong' di kita ginagalang.

Pero parang hindi naman iyon ang dahilan. Marahil ay may mas malalim . Hindi ko mawari pero sigi ipagpatuloy natin ang pag aalala.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtulog ng ako'y iyong gisingin at sa pag mulat ng mata nanggagalaiti mong mukha ang sa aki'y tumambad. Galit ka? Pero bakit? Ano ba ang nagawa? Ako'y natutulog lamang rito at walang ginagawa. Kitang kita ko ang pagpula at paglaki ng iyong mga mata habang sinasabing NASAAN ANG PERA KO? Na lalong nagpainit sa iyong ulo nang sinabi kong Di ko po alam. Kababakasan ng matinding galit ang iyong mukha.

"Bilang ko ang laman ng wallet ko. Wala akong ibang pinagkakagastusan kagabi. Maliban sa pag bili ko ng damit . Pero alam ko at bilang ko dahil may sukli. 150 lang ang damit limang daan ang pera ko kaya imposibleng wala iyon sa wallet ko. At alam kong ikaw lang ang kukuha noon. Alangan naman na sila Tita mo yun eh maagang natulog ang mga iyon. Hindi rin ang mga kapatid mong naglalaro lang at lalong hindi rin ang pinsan mong si Cadyz na pinsan mo kilala ko ang batang iyan mabait yan tinulungan pa nga ako niyan kaya alam kong ikaw ang kumuha . Hala! Sigi! Ibigay mo na ang pera ko. Hindi kita sasaktan kung ibibigay mo lang. "
Sa mga nasabi mo ay tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang pumatak. Tila nag uunahan sa pag baba. Hindi ako umiiyak dahil ang lahat ng iyong naturing ay pawang katotohanan umiiyak ako dahil sa pinagbibintangan mo ako sa salang di ko kasalanan. Sa salang wala akong kamalay malay.

" Gaano ka kasiguradong ako nga kumuha ng perang sinasabi mo? Porket ba wala sila sa listahan mo ng kinaiinisan mo hindi mo na sila tatanungin? Why are you so unfair? You didn't even ask them if they stole your money . You didn't even bother to ask your fave niece. God knows that I'm innocent. At ako lang ba ang tao dito sa pamamahay na to? Bat ako lang ang binubulabog mo? "

Alam kong bastos pakinggan pero sumabog na ako. Umabot na ako sa aking limitasyon. Hindi ko na nga namalayan na nag eenglish na ko at di narin ako nag popo pero tila yata di mo ko naintindahan at nagpatuloy lang tayo sa pagbabangayan hanggang sa sumapit ang oras ng iyong pa alis sa bahay.

Alam mo ma? Ang sarap mong sigawan nung oras na yon. Ang sarap mong sampalin sa kawalan mo ng talino upang magpasya. Di ka makatarungan. Dahil matapos mo akong pagbintangan sa salang di ko kasalanan ay di ka man lang humingi ng tawad dahil sa iyong pagbalik nasa saiyo naman pala ang pera. Sabi ng kapatid ko ay nasa bulsa lang pala ng cardigan mo. At nang tayo ay magtamaan ng mata inutusan mo lang ako ng parang walang nangyari ng umagang iyon .

Minsan nga napapaisip ako kung anak mo ba talaga ako o galing ako sa ibang tao. Haha para na kong baliw ma. Habang tinatype ko to iyak tawa ako. Naiiyak ako mama kasi po diko alam kung saan Ako nagkulang.

Sinusunod ko ang utos niyo.
Wala kang maririnig saking reklamo.
Inaalagaan kong mabuti ang mga kapatid ko.
Pinagsisilbihan kita tulad ng ginagawa ng isang mabuting anak.
Sinusunod ko ang kagustuhan mong wag mag boboyfriend.
Ako ang sumasalo ng mga kamalian mo tulad ng pag gastos ng budget natin sa walang kapararakan.
Hindi na ko humihingi ng pambaon dahil nahihiya ako.
Nakakahiya man ay ako ang humaharap sa mga pinagkakautangan mo.

Pero ma hangang kelan ganito.
Hanggang kelan tayong hindi mag sasabay kumain sa hapag.
Hanggang kelan tayong di magtatagpo sa maliit na bahay.
Hanggang kelan ako iiyak sa gabi dahil sinisisi ko ang sarili ko kung bakit di mo ako magustuhan.

Mama kelan ka kaya makakapunta sa recognition namin para sabitan ako ng medalya.
Hanggang kelan ako magrerenta ng kapitbahay para may umakyat kasama ko.

Mama darating din kaya ang araw na makikita mo ang masamang ugali ni ate Cadyz? Hanggang kelan mo siya kakampihan?

Mama masasabi mo pa kayang mahal kita anak. Mama nangungulila ako sa pagmamahal mo .

At ma gusto ko po palang malaman mo na nagdurusa ako ngayon. Dahil sa kursong ikaw ang may gusto. Ma masaya ako kasi kahit papano nakita ko ang masayang kislap ng mga mata mo ng malaman mong Nursing ang kinuha ko. Pero ma alam mo naman na Electrical Engineer ang pangarap ko. Pero kahit kailan di ako nag inarte.

Ma Happy Mothers Day nga po pala. Di po kita mabati eh. Nahihiya at natatakot po kasi ako. Nahihiya ako kasi baka ignorin mo lang ang pagbati ko. Natatakot naman dahil baka tumawa ka. Ma naiinggit po ako sa mga kaklase kong nagpopost sa Facebook kung gaano nila kamahal ang mama nila at mas lalong naiinggit nang makita ang heart react at pasasalamat na comment ng mga nanay nila.

Ma natatakot akong magpost dahil baka di mo lang pansinin. Dahil baka iremove tag mo lang. Ma alam mo po bang si lola lang ang nabati ko. Alam mo po bang malakas ang loob kong batiin ang nanay ng mga friends ko pero pag dating sayo naduduwag ako. Naduduwag akong baka tanggihan mo ko gaya ng pagtanggi mo sa paanyaya kong umattend ka sa pageant na sinalihan ko.

Mama mahal kita di ko lang masabi kasi baka di ko marinig ang mahal din kita. Hindi po kasi ako yung tipo ng tao na pumapayag ng umaamin ng nararamdaman pero hindi minamahal pabalik. Mas prefer ko ang sigurado . Sigurista po kasi ako.

Mama sorry po talaga ah.
Pero ma siguro pag nabasa mo to may ipagmamalaki na ko. Hindi na ko yung sinasabi mong babaeng kaladkarin. Kasi may ipagmamalaki na ko. Ma sana pag nabasa mo to tanggap mo na ako.

Ma mahal kita sana alam mo lang.

Ma sana ma alagaan mo sarili mo.

Ma happy momshie day.

                              Attention Seeker
                              Burger

Daughter's  Burden (One Shot Story) [Editing]Where stories live. Discover now