Letter 2

2 0 0
                                    

Ma alam mo nakakainis ka na naman dahil kanina dahil lang sa panghihingi ko sayo ng kaunting donasyon nagalit ka na sa akin okay lang sana kung di ka nagbigay at wala ka ng sinabi kaso ma andami mong sinabing masasakit na salita.

Ma ganun po ba talaga ang galit niyo sa akin.  Mama di ko kasalanan kung bakit nung bata kayo ay ate niyo ang laging kasama ni lola. 

Di ko po kasalanan kubg nung bata kayo lagi kayon iniiwan ni lola sa lola niyo.  Di ko kasalanan kung kung ning bata kayo di niyo natikman ang kasaganaan. 

Pasensya ma kung bunso kayo at wala pa kayong maitulong kay lola kaya iniiwan niya kayo.

Pero ma pati ba naman sa anak niyo gaganti kayo.

Kaya ba mas mahal mo yung anak mong bunso kasi galit ka sa mga panganay.
Ma magkaiba naman po tayo ng sitwasyon.

Ma naiintindihan ko po kung nagkakaganyan kayo kasi di niyo natupad pangarap niyo kasi inuna ang panganay mong kapatid. 

Pero ma ganito na lang ba talaga? 

Wala na ba talaga tayong pag asa mag kaayos.

Mama nangungulila po ako sa pagmamahal niyo.  Namamatay na ko sa inggit sa mga kakilala kong close na close yung mga nanay . Naiingit ako sa kanila kasi malaya silang mag sabi ng i love you's nila.

Ma alam mo ba nung minsan akong nagscroll sa newsfeed ko nakita ko ang post ng friend ko sa Facebook  na schoolmate ko . Ang ssweet nilang mag nanay. 

Sa sobrang sweet nga nung nanay ginawa niyang profile picture  yung  picture ng anak niya.  Tapos habang nag rereply  siya sa mga nag cocomment , mababakasan mo talaga ang sweetness pati kung gaano ka proud sa anak niya.

Tapos sa kababasa ko ng comment sa picture may nahagip yung mata ko. 

Comment ng isang lalaki sabi
Carlo :'Ang ganda talaga ni M****'
Tapos nireplyan ng

Nanay:'Anak kaano ano mo si Carlo?  Manliligaw mo ba? 😂😂'

M****: 'Maa!  😭 hindi po😭 ma nakakahiya tsaka di po kami talo😅. Hehe diba par? Carlo'

Carlo: 'Nako tita hindi po.  Kilos lalaki nga po anak niyo eh.  Nanapak pa'

M****: 'Uy par sorry ah.  😅 mama kasi eh😔😒😔'

Nanay: 'Alam mo nak di naman masama magboyfriend eh basta kung saan ka sasaya support lang si mama di kita huhusgahan '

Nanay: 'Alam ko namang alam mo ang limitasyon mo eh.  Anak kaya kita😊'

M****:'aww!  😇 Kaya lab kita eh.  😘 mwah'

Nanay: ' Wabyu too😘❤'

M****:'hahaha😂'

At eto pa naalala mo ma yung araw na pinagalitan mo ko?  Kasi sabi mo dalawang orad na kong nakatutok sa cellphone.  Nagbabasa kasi ako ng pinost ng isang fame na babae.

Haha Patungkol sa nangbabash sa kanya.  Binabash siya dahil bata pa lang nag popost na ng pictures na nakabra lang.

Tapos alam mo ma pinagtanggol siya ng mama niya.

Ginawan nila ng paraan ang mga bashers.

Di ko sure pero muntik ng magkaabutan sa presinto.

Pero ako naalala ko nung grade two ako may nakasabunutan ako babaeng mas matanda sakin.  Eh napuruhan ko . Kaya sinugod tayo sa bahay ng nanay niya.

Alam mo ma.  Masakit sa part ko kapag naaalala ko nung pinalo mo ko hanger na manipis tapos bakal pa.  Napahiya ako nun ma pero di ka pa tapos mamahiya.  Sinabunutan mo ko sa harap nila at sinigawan para lang ipaalam na dinidisiplina moko.

Pero ma alam mo ba ang rason?  Hindi diba ? O sige ngayon malalaman mo na po.

Pinabili po kasi ako bigas at mantika ni tita.  Pagkabili ko po nadaanan ko si Jenny (nakasabunutan ko.  Wala ng arte arte ilantad yang babaeng yan)  Tapos di ko alam kung sinadya niya or what kasi binangga ba naman yung balikat ko.

Di man lang siya kumibo basta na lang siya bumili ng bibilhin din niya.

Pero ang nakakainis dun nung ang binangga na niya yung hawak ko.  Eh ang laki laki ng daan.  Tapos talagang dumaan siya sa harap ko pwede namang sa likod.

Di ko sana papatulan kaso nahulog yung dala ko.  At worst nabasag pa ang bote ng mantika at kumalat ang isang kilo ng bigas eh plastic labo lang ang lagayan nun di pa nakadoble.

Kaya ang ginawa ko.  Tinulak ko siya habang nakatalikod siya. Di masyadong malakas sakto lang para makuha ang atensyon niya.  Tapos tinanong ko problema niya.

Ay ewan ko pero mabilis ang pangyayari na nahawakan niya ang buhok ko.  Pero ma kung nakikilala mo ko.  Di po ako nagpatalo.  Ang bobo niya manabunot sa dulo ng buhok siya kumakapit samantalang ako yung isang kamay nakakapit sa anit yung isa nakakotong oo kotong ayoko kasi manapak ahaha.   Kahit papano kasi nagpipigil ako.

Pero sa tagal ng ginagawa namin dahil na rin siguro walang umaawat.  Eh napa upo siya habang nakatayo ako . Naupuan niya ang ilang bubog kaya sumigaw siya at tumigil sa aming ginagawa.

Imagine siya yung umiyak eh ako naagrabyado.  Galing best actress.

Tapos nang maka uwi ako sa bahay bukod sa napagalitan pa ko dahil wala akong dalang kahit ano eh.  Napagalitan ako kasi mukha daw akong dugyot.

Ma maya maya lang nun biglang may kumalampag sa gate natin habang nagsisigaw yung nanay ni jenny.  Eskandalosa.

Sabi niya wala raw akong karapatang saktan yung anak niya.

Di nga daw pinapadapuan ng lamok.  Yung anak niya tapos ako ganun ganun lang.

Pero ma nanlaki mata ko.  Di mo pa ko pinagpapaliwanag hinataw mo na agad ako ng hanger.  Ma ansakit po nun.  Maliit lang po kasi akong bata noon.  Mas maliit po ako kay Jenny.

Tapos lalo po akong nasaktan nung sinabi mong napakawalang hiya ko.  Pinilit mo pa nga akong magsorry sa kanila kahit di mo pa naman alam na siya ang nanguna.  Dinuroduro mo pa ko.

Basta di ko alam kung kelan yon natapos ma.  Basta na lang ang naaalala ko nun kinalat mo ang damit ko at pinatulog mo ko sa sahig.  Nag away pa nga kayo ni papa. 

Ma sorry nga po pala ah.  Kasi ng dahil sakin nag away kayo ni papa.

Ma di ko naman po kailangan ng payagan mo ko mag boyfriend eh o di kaya konsintehin mo ko sa pagpopost ng malalaswa.

Basta ba ma iparamdam mo sakin na susuportahan mo ko.
Poprotektahan mo ko.
Papakinggan mo muna side ko.
Di mo ko ipapahiya.
Di mo isisigae pag kakamali ko.

Kasi ma nahihiya po ako.  May nararamdaman din naman po kasi ako ma.  Di naman po ako manhid. 

Ma minsan tuloy naiisip ko kung bakit di mo pwedeng gawin yung mga bagay na ginagawa ng ibang nanay. Bakit kailangan ko pang magdusa ng ganun.  Bakit iba rin ang trato mo samin ng kapatid ko sakin mataray ka.  Sakanya napakalambing mo. 

Pero ma alam kong tunay mo kong anak eh ako nga ang dahilan ng pagpapakasal niyo ni papa eh.

Pero bakit ?

May kulang po ba sakin?

Di  niyo po ba ko deserve?

May nagawa po ba ako? 

O unfair lang talaga kayo?

Sana naman po masabi niyo ang dahilan ma.  Nahihirapan na po ko eh.  Daig pa po nito ang sakit ng hindi pagpansin sakin ni crush.  Daig pa po nito ang pagbaba ko sa top 2. Daig pa po nito ang masabihang pandak.  Daig pa po kapag nasunog yung bahay ko sa step no at piko.  Kasi ma iba impact mo sakin eh.  Mahal kita pero parang di mo ko mahal.

Awts daig pa ang lovelife . Eto ata ang one sided love.

              Self-proclaim/ed Goddess
Burger

Daughter's  Burden (One Shot Story) [Editing]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें