Simula

31 4 0
                                    


Nakatayo ako sa harap ng malaking Salamin dito aking kwarto at sinusuklayan ang aking itim na itim at mahabang tuwid na buhok na bagay na bagay sa aking balat na mala papel ang kaputian ,matangos din ang aking ilong at may pagka pinkish naman ang labi ko habang ang mga mata ko ay bilugan at itim na itim ang kulay pero maamo tignan mahaba din ang aking pilik mata  na bagay naman sa itim na itim at makapal na kilay napangiti ako ng makita ang aking sarili.

Tapos nako maligo at magbihis hindi rin naman ako mahilig maglagay ng makeups sa aking mukha pagpumapasok sa school minsan lang pag may event. At naihanda ko na din ang aking mga gamit ko kagabi kaya lumabas nakong ng aking kwarto. Para saluhan sila Mommy, Daddy at Zoey ang aking nakababatang kapatid na kasabay ko din pumasok UE o University of the East.

Habang pababa ako ng hagdanan ay naririnig ko ang tawanan nila ng aking kapatid na mukhang may kwinikwento sya kay Mommy at syempre bilang ate maninira ako ng araw nya, i giggle at my own thoughts. Ng nasa tapat na ako ng kusina kung saan nandun ang dining area ay nakita ko ni mommy na naghahanda na ng breakfast namin at napatingin sya sa gawi ko ay ngumiti sya sakin at sinabi na maupo nako, habang papalapit ako nako ay nakasimangot na bigla si zoey ay umirap naman sakin 13yr old palang sya pero mas maldita at maarte pa sakin.

" Goodmorning Mommy and Zoey panget!" at humalik sa kanyang pisngi at naupo ako sa tabi ni zoey na nakasimangot na at nangsumbong kay Mommy dahil sa aking pang aasar kaya naman natawa ako at napailing .

"MOMMY si ateee Ads oh !"

"ADRIELLE RAIN PEREZ !" Ayan na tinawag nako sa fullname ko kaya titigil nako.

"Ok fine Mom i will stop na " at humarap ako kay Zoey at nagsorry pero hindi naman ako pinansin .

"What's happening here?" Sabi naman ng bagong dating na si Daddy habang abala padin sa pag aayos ng neck tie. Tumayo ako sa aking upuan at yumakap kay Daddy at napatawa sya dahil mukhang gets na nya ang nangyayare . Ito ang usual routine every morning dito sa bahay iirapan ako ni Zoey at sasawayin ako ni mommy at tatawa si daddy at magsisismula na kami magbreakfast at magsasabi ng gagawin namin ngayong araw nato.

"Ads" tawag ni Daddy sakin ng makaupo na kaming lahat at tapos ng magdasal.

" Yes Dad?"

"What's your plans today"? Si Zoey kasi nagpapaalam gustong mag mall after ng class nya.

" Nothing Dad i would like to accompany her? If its okay Half day lang din naman po kami ngayon" sagot ko kay daddy.

"Of course its okay Ads i appreciate it."
sabi naman ni Daddy na natuwa sa suggestion ko, Habang si Zoey naman ay matalim na titig sakin at mukhang sasabog na sa inis kaya naman i just smile to her sweetly to annoy her more.

At napairap nalang sya at nagsimulan na sya kumain habang sila Mommy at Daddy ay may pinag uusapan . Pag katapos naming mag breakfast ay hinatid na kami sa School ni Daddy dahil wala ang driver namin kaya sya ang naghahatid samin dahil pinag day off nila si Manang Selya at Manong Rey.

Habang nasa byahe ay kaming ay tinanong kami ni Daddy kung gusto ba namin na dumaan muna sa convenience store. At agad agad pumayag si zoey ganun din naman ako dahil may gusto rin naman ako bilhin.

Nang nasa Convenience store na kami ay naunang bumaba sakin si Zoey na mukhang nagmamadali at sabay naman kami ni Daddy na naglakad papunta doon, Nang makapasok kami ay nakita ko agad si Zoey na akala mo ay Namalengke sa dami ng binili at napailing nalang kami ni Daddy dahil ganyan talaga sya katakaw di lang halata kaya naman namili narin ako ng sa akin pero konti lang habang hinahanap ko yung ko favorite drink ko at sumabay nadin kay zoey na magbayad sa counter nung nakita ko na. At bumalik na kami sa Sasakyan dahil "6:49am" at 7:20 ang start ng klase ni Zoey samantalang "8:10am"pa naman ang akin. Nang malapit na kami sa Gate ng School ko ay biglang nag vibrate ang phone ko kaya naman tinignan ko kung sino ang nagtext
" ads where naba you ha? Your so tagal naman I'm so lonely na here sa Garden punta lang you here if your there na byee" natawa nalang ako sa text ni Mitch sakin ang conyo nya talaga.

"Yung kapatid mo nauna na sayo" si Daddy.

"Thank you Daddy " at humalik sa kanyang pisngi at lumabas nako ng sasakyan para pumasok na sa entrance at tinap ang ID ko sa beep card. Tumakbo nako papunta sa Tan Yan Kee Garden para puntahan si mitch kaso habang tumatakbo ako ay may nabangga ako.

Buti nalang hindi ako natumba dahil nahawakan nya ang aking balikat. Kaya naman inangat ko ang aking mga mata para makita kung sino ang taong nakabungguan ko ng makita ko kung sino ito ay parang tumigil ang oras na para bang kami dalawa lang ang gumagalaw sa mga oras na iyon. Ang mga mata nya na kulay tsokolate pero walang emosyon. Seryoso ang itsura niya, hindi ngumingiti. Pero masasabi mo na na gwapo talaga sya pero pero ubod ng suplado sa itsura nya palang na nakapag patulala sakin.

" Sa susunod Miss mag ingat ka at hindi ito playground para tumakbo ka."

"Huh?" At binitawan na nya ako at naglakad papalayo.

"Wait Mister Uy !"sigaw ko pero hindi na sya muling lumingon pa.

If Only I Could Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon