Kabanata 1

17 3 0
                                    

Nang Makarating ako sa Tan Yan Kee Garden ay nakita ko si Mitch na busy sa kanyang cellphone kaya naman tumabi nalang ako sa kanya pero nagulat sya pag harap nya at nahawak pa sa kanyang dibdib.

"Why your so tagal ba ha? Nakakainis ka puro couple yung nandito nagmumukha tuloy akong third wheel sa mga nandito buti nalang umalis na sila!" bulyaw sa akin ni Mitch.

"May nakabungguan kasi ako habang tumatakbo ako papunta rito"sagot ko naman sa kanya.

"Lalake o Babae?"

"Lalake sya"sagot ko ulit sa kanyang tanong.

"Gwapo ba?"at humalakhak siya sa kanyang tanong At tumingin sakin na para bang sinusuri ang aking buong itsura kaya naman namula bigla ang aking mukha dahil sa kanyang ginagawa.

"Sakto lang naman kaya tigilan mo nga yang pag tingin mo sakin ng ganyan na parang magnanakaw ako". Sagot ko sa kanya kaya napabuntong hininga siya.

"nagtatanong lang naman diba malay mo kilala ko yung nakabungguan mo at siya pala ang prince charming ko". At tuwang tuwa pa siya sa mga pinagsasabi nya.

"tingin ko hindi mo naman yun kilala dahil ako ay hindi ko din sya kilala pero parang College student na sya." Sagot ko sa kanya para magtigil ang pagpapantasya niya sa lalakeng yun.

"Saka Mitch Masungit sya pinagsabihan nya pa nga ako kaya wag kanang magdaydream dyan dahil panget sya okay?."

"Fine i will stop na sayong sayo na yang lalake na nakabungguan mo!"

kaya naman napangiti ako at niyaya na siya na pumunta na kami sa aming building at tumango naman sya.

Nang makarating na kami sa building ng Senior high Department, ay puro reklamo lang ni mitch ang naririnig ko at wala nakong maintindihan sa mga sinasabi nya tungkol sa mga haters nya dahil "sobrang ganda nya" at kung ano ano pa.

"Just don't mind them nalang tutal sabi mo naman ay maganda ka".

"i can't help it they stressing kasi you know me naman".
At maarteng niyang pinaypayan ang kanyang sarili at umirap irap pa sya.

"Bat di mo pala kasama si Sunny kanina"? Tanong ko sa kanya. Si sunny ay pinsan ni mitch sa side ng kanya mommy na nakatira ngayon sa bahay nila para na silang magkapatid at laging magkasama sila ang mga close friends ko.

"i don't know and i don't care", Mataray na sagot nya sakin. At nauna na siyang umakyat sakin sa hagdanan at inaliw kanyang Sarili gamit ang phone nya.

Hinabol ko naman sya at muling tinanong ko nag-ayaw ba sila ni sunny iling lamang ang kanyang sinagot sakin. Kaya si Sunny nalang ang tatanungin ko pag nakarating kami sa classroom namin.

Pag ka dating namin sa classroom ay hindi pa naman ganun kadami ang mga tao dahil maaga pa naman, kaya naglakad na kami papunta sa aming upuan na nakapwesto sa dulo dahil four rows itong seating arrangement namin sa classroom.

At nakita ko si Sunny na nakaupo na doon at nag babasa ng librong hiniram nya sakin nung nakaraan at may suot na earphones.

Kaya ng makaupo nako sa tabi nya at hindi nya ako napansin ganun din si mitch na naglagay na ng earphones at hindi nako kinausap.

"Psst Sunny". Tawag ko sa kanya At kinalabit sya at tinanggal ang isang earphones sa tenga nya kaya nilingon naman nya ako.

"Yes?"at ngumiti sya sakin

"Nag away ba kayo ni Mitch?" Tanong ko sa kanya.

Sumagot naman sya agad at sinabi na nagkaroon lang sila ng misunderstanding kanina sa bahay at sinabi na sya dsw ang bahala para magka-ayos.

Kaya naman nagbasa naman ako ng librong dala ko na "Holding up the Universe" ni jennifer niven.

Habang nagbabasa ako ay unti unting dumarami ang mga tao sa classroom kaya tinignan ko ang phone para malaman kung anong oras naba saktong 8am na at konting oras nalang ay malapit magsimula ang klase namin kaya naman pala nagmamadali na pumasok ang iba lalo't major subject ang una.

Napatingin nalang ako sa bintana na malapit sa pwesto namin ni Sunny at napabuntong hininga at muling naisip ang lalakeng nakabungguan ko kanina.

Dahil hindi maalis sa isip ko lalo na nung napatingin ako sa mga mata nya na para bang pati kaluluwa ko ay nakikita nya. Nag ring na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

At sakto dumating nadin ang teacher namin sa Calculus.

If Only I Could Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon