Simula

20 2 0
                                    

"Theine!Stop walking!"

Bigla akong nanlamig ng marinig ko yung boses niya sa likuran ko.Ayaw ko ng lumingon kasi ayaw ko ng masktan.

Ayaw kong lumingon kasi tama na.

Ayaw kong lumingon kasi alam ko na.

Ayaw kong lumingon kasi ang sakit...ang sakit na.

Tama na yung mga nakita ko.

Tama na yung mga narinig ko.

Baka kasi hindi na kayanin ng puso ko.

Ayaw ko ng pakinggan kasi baka maniwala na naman ako sa mga kasinungalingan.

Ayaw kong lumingon kasi baka ako pa ung magmakaawa na bawiin niya yung mga sinabi niya.

Na bawiin niya na hindi niya ako totoong minahal.

Na bawiin niya na isa lang akong babaeng mukhang tanga na patay na patay sa kanya.

Kasi ang sakit sakit na...sa puso ko.

Ang bigat parang pasan ko yung buong mundo.

Nasa sa taong pinagkatiwalaan ko ng husto siya rin pala sisira ng mundo ko.

"Theine!Look at me please,look at me."Tama bang naririnig ko yung pag susumao sa boses niya.

Hindi,tama na gusto ko ng gumising kasi ang sakit sakit na.

Kahit ngayon lang,gusto ko siyang makita. Kahit isang sulyap lang. Hindi ako magsasalita kasi napakabigat ubg dibdib ko.

Baka humagolgol lang ako sa harapan niya at ako na naman ang mag mukhang kawawa.

"Please."

Hinarap ko siya. At mas lalo lang akong napaluha.

"Bakit?"

'Yon lang nasabi ko at humagulgul nako.

Hindi ko na kaya kasi ang sakit sakit na.

"Please—No!Bakit Niel?Ni kahit kapiranggot man lang hindi mo ako minahal?Kahit maliit lang kasi hindi ko matanggap na binigay ko yung lahat pero wala pa rin ha?"

Pwede bang matapos na to kasi nagiging totoo na.

Yung sakit.

Yung pakiramdam na iniwan ka ulit.

"Bakit ako yung sinisisi mo?Ikaw pumayag ka din dito!"

Nanlamig ako sa sinabi niya.

Oo nga naman.

Ako na naman.

Ako na naman yung mali.

Ako na naman yung may kasalanan.

"Oo,ako na diba!Ako na lahat!Ako na lahat!Sa akin na may problema!

Ayoko na kasi totoo na 'to.

"Kaya nga iniwan mo ako diba?Kasi ako yung may problema!Sawa kana. Kahit anong gawin ko ayaw mo na.Kasi sa akin lahat.Ako lagi nagkakamali."

"Bakit?Tao lang naman ako diba?Nasasaktan din ako."

"Niel nasasaktan din ako.....nasaktan mo na ako...ilang beses na...nakaya ko lahat. Pero itong huli ayaw ko na kasi tama na."

"Tama na kasi ang sakit sakit na. Naiintindihan mo ako?Tama na!Kasi ang sakit malaman na may mahal kang iba habang nasa tabi kita palagi minamahal ka!"

At hudyat yon para tumakbo ako palayo sa kanya.

"No!You misunderstand it!Dammit!"

Hindi!Narinig ko yun ng buo.Buong-buo.

Punong-puno na ng luha buong mukha ko habang tumatakbo.Gusto ko ng lumayo.

"Puta Theine!"

Hindi ko na pansin na may papalapit na truck sakin. Pero huli na para maka-iwas. Alam ko nalang ang sakit pa rin ng puso ko.

"Hoy gumising kana!"

Nagising ako sa malakas na boses.Si Herine ayan na naman siya.

"Hoy ano!Malalate na tayo anong oras na!"

Ayan na naman ung boses niya.

"Ayon na naman ba ulit?"

Naalala ko na naman yung panaginip ko kanina. Hanggang ngayon kasi masakit pa rin.
Pero siguro mawawala din 'to.

Oo mawawala rin 'to.

"Tumayo ka na diyan,diba may interview ka pa?Emote-emote ka pa jan e dula-dulaan lang naman yung laging napapanaginipan mo."Mapang-asar na sabi niya.

"Gago!Panira ka talaga kahit kailan tsaka nakalimutan ko na siya."Pabulong na sabi ko.

Pero nasasaktan ka parin Theine?Napakatanga mo lang.

"Narinig ko yun,ano kaba normal lang yan yong hindi mo siya makalimutan ikaw ba naman makatikim ng gano—hayop ka oo na."

Pinutol ko na baka ikwento niya na naman buong-buo at umabot na ng pasko.

Tumayo na ako mula sa kama,halos limang taon na din pagkatapos naming magtapos sa kolehiyo.Maayos na sana yung trabaho ko dati kong hindi lang manyak yung may-ari.

Isipin ko lang ulit tumatayo na balahibo ko.

"Bilisan mo,sabay na tayo.Balita ko ipapasa na yung kompanya sa anak ng may-ari."

Iyon na lamang yung narinig ko habang pumapasok sa banyo.

Si Herine matagal na sa kompanya nila.Hindi kasi kami parehas ng pinag-aplayan kaya magkahiwalay kami.Pero nung nagkaroon ng hiring para sa architect hindi na ako nag dalawang-isip pa kasi kailangan ko na talaga ng trabaho.

Humarap ako sa halamin at tinignang mabuti kung presentable ba akong tignan.

Three inches above the knee floral skirt.White long sleeve and skin tone blazer and a white high heels.Well okay na 'to.

Napatingala ako sa taas ng gusali na nasa harapan namin well it looks expensive.

"Hoy tara na."Napatingin ako bigla kay Herine at bigla nalang akong hinila.

Binati kami ng dalawang guard na nagbabantay sa entrance.

At nung napatingin ako sa harapan ko.May naka-engrave na malaking VILLARIEL sa likod ng mismong lobby.

Villariel?Hindi baka ka apelyedo lang.

Nabigla kami nung tumahimik bigla. Nakatingin sa mismong entrance.Napatingin din kami at nabigla ako sa nakita.

Kinurot ko ng malakas si Herine na nasa tabi ko rin at nakatulala.

"Bakit hindi mo sinabi?Gaga ka talaga kahit kailan!"Matigas na pabulong kong sinabi.

"Ha?Ano kasi...uhm ano kasi diba."Pautal-utal niyang sinabi.

"Umayos ka nga!Nakakainis ka talaga kahit kailan!"

Kung alam ko lang na siya na pala yung bagong may-ari hindi nako pumayag na makarating dito. Tinignan ko ng masama si Herine sa mata niya at siya naman nakatingin sa harapan at...nanlalaki yung mata?

"Ehem"

Napatingin ako bigla sa harapan nang may umubo.At bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Niel"

Tanga ka talaga Theine!Bakit mo binaggit yung pangalan niya!

"Theine"

Napatingin ulit ako sa kanya nang binanggit niya yung pangalan ko.Bigla nalang ako napako sa kinatatayuan ko.Bigla na lang sumikip yung dibdib ko.

Ang hirap huminga.

Napahawak nalang ako kay Herine,nanginginig na ako.

"Puta Theine!Where is your damn enhaler?!"

The Glacial of AmsterdamWhere stories live. Discover now