Kabanata 1

7 0 0
                                    


"Theine! Hayop ka talaga napakasama mo. Gagantihan kita! " Sabi ni Herin habang tumatakbo.

Hindi ko mapigilan ang tawa ko at patuloy na tumatakbo. Breaktime namin kaya andito kami sa field. Paano ba naman kasi masyadong madaming tao sa cafeteria. Halos lahat ng nandoon ay puro babae dahil may inaabangan sila.Hindi namin nakayanan ang ingay kaya umalis kami.Halos ganoon naman lagi ang nangyayare. Di ko alam kung pumasok sila para mag-aral o magpapansin sa kanila.

"Bakit ba? Hindi naman masama yun ha! Tinulungan lang kita!" Ganting sigaw ko dahil masyado na akong malayo sa kanya.

Talaga naman walang masama doon sa ginawa ko, paano ba naman kasi matagal na niyang gusto si Brix. At matagal na siyang nagsasayang ng love letter doon kasi bawat gawa niya tinatapon niya lang kasi nahihiya daw siya. Eh kanina nainis nako kaya kinuha ko ng palihim sa kanya at hinulog ko 'yon sa locker ni Brix.Diko talaga maintindihan ' tong si Herin,matagal na niyang gusto iyon kaya kapag may nalaman itong may bagong girlfriend si Brix ayon todo iyak ang gaga. Kala mo naging sila, baliw talaga.

"Tumigil kana! Nakakainis ka talaga kahit kailan! Tumigil kana pagod nako" Hinihingal na sambit nito.

"Para naman level 1 kana!Eh hindi ka pa ata nun kilala!"

"Kilala nako nun! Panira ka lang talaga."

Natatawa nalang ako sa itsura niya.Dahil pagod narin ako. Napagdesisyonan kong bumalik na sa pwesto namin para magpahinga.Tatakbo sana ako nang may nabangga ako.

Huh?Ang tigas.
Pader?
Ay hindi.

"Aray." Mahinang daing ko.

Nauna ang pwet sa paghulog ko pero ang sakit pa rin. Tanga ba 'tong taong ' to ang laki-laki ng field di pa ako nakita.

"Tss"

Puta ang suplado.

Hinamas himas ko yung pwet ko baka mawala ung sakit. Grabe talaga sa liit ko ba namang 'to at sa laki niya sino ang mas kawawa ede ako.

"Stand up"Napatingin ako sa kanya.At nagulat ako sa nakita.Bakit ngayon ko lang ito nakita?Mula sa mapanganib na mga mata.Maputing kutis. Makapal na kilay at sa mapupulang labi puta ang gwapo.

Grabe nasa langit naba ako?

"Hoy Theine!Hayop ka talaga"

Nagising ako sa pagkatulala nang biglang dumating si Herin. Napakurap-kurap ako.

"Anong ginagawa mo dito bakit nakatulala ka?"nagtatakang sabi niya pa.

"Ha?"

Napatingin ako sa harapan ko upang hanapin yung lalaki ngunit wala na pala siya.

"Hoy!Para kang nakakita ng multo."

Oo,nakakita ako ng napakagwapong multo.

"May kilala ka bang gwapo?"parang tanga kong tanong.

"Oo hayop ka 'yan lang pala iniisip mo. Oo madami ano reto kita?"Masigla niyang sabi

Napahilamos nalang ako ng mukha. Madami palang gwapo dito baka nakalimutan ko ng sa isang internasyonal na paaralan kami nag-aaral.

"Wala wala,tska tigilan mo nga ako sa pareto-reto mo alam mo namang isa lang nasa puso ko."

Totoo naman kasi wala akong oras sa buhay pag-ibig na 'yan.Diko alam pero naniniwala kasi ako mararamdaman mo 'yon. Pag nagtama lang nang paningin niyo mararamdaman mo yung kiliti sa tiyan. Gusto ko ganun. Kaya kapag may sinasabi si Herine na may irereto siya ay tumatanggi ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Glacial of AmsterdamWhere stories live. Discover now