.01

86 12 4
                                    

"Who you po?" Nang marinig ni Renzo ang katagang 'yan galing kay Angela, ay para bang biglang gumuho ang kanyang mundo.

"H-Huh? Angela? Nagbibiro ka ba?" Biglang nanlumo si Renzo saka naman siya agad na nilayuan ni Angela.

"Hindi ako nagbibiro. Teka, sino ka ba? At bakit mo ako kilala?" Takang tanong ni Angela kay Renzo.

Napa-upo naman si Renzo saka niya naramdaman ang mga luhang umaagos na mula sa kanyang mata.

"Mom, Dad? Sino siya?" Takang tanong ni Angela sa mga magulang niya at tinuro si Renzo na naka-upo sa sahig.

"Maybe your friend?"

"Erhm. Mom, I wanna go home." At kumapit si Angela sa kanyang ina na parang bata.

"Okay sweetie."

Lumapit naman sa kanila si Tiana saka nag mano sa mga magulang ni Angela ngunit nandoon pa rin ang pagtataka sa mukha ni Angela noong nag mano si Tiana sa kanyang magulang.

"Mom, you know her?" Nagtatakang tanong ni Angela. Na kahit si Tiana ay nagulat sa inasal ng kanyang kaibigan.

Sa isip nito, kaya pala umiiyak si Renzo?

"You don't know me?"

"Nope!" Sagot naman agad ni Angela.

Nag simula nang magtaka ang kanyang kaibigan. Sa isip isip nito, "Huh? Ba't niya ako nakalimutan? Akala ko ba anemic lang siya? Nabugok ba ang ulo niya noong nandoon siya sa America?"

"Well, iha. We need to go home already. Pagod na si Angela at nakakasama ito sa kanya. I hope you understand." Sabi ng ama ni Angela kay Tiana na ikinatango niya.

Tumingin naman sa gawi ni Renzo ang ama ni Angela saka ito tinuro. "Also, bring your friend with you. Halatang nawala sa sarili eh." At umalis na sila bago pa makapag salita si Tiana.

"Halika na, Renzo." Aniya sa lalaki at sabay na silang lumisan.

Ngunit hindi pa rin maalis sa isip ni Tiana kung bakit ang weird ng inaasal ng bestfriend niya.

Who you?! | s. wd • t. mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon