.29

5 0 0
                                    

"Renzo?" tanong sa akin ni Mommy.

Pinikit ko ang mga mata ko at inalala lahat nang nangyari.

Why did I lose my memory?

"Renzo, Mom!" Ginulo ko ang buhok ko. "What hospital is this?"

"Peninsula–" Agad akong napatayo at tinanggal ang kung anong nakakabit sa akin at agad na tumakbo palabas.

"Angela!" Rinig kong sigaw ni Mommy.

Umikot ikot ako sa buong ward pero wala akong makitang pangalan ni Renzo.

"Fuck!" bulong ko sa sarili ko.

Kinapa ko ang damit ko at narealize na wala 'yong phone ko sa akin.

"Damn."

Pumadyak padyak ako nang maalala kong pwede akong mag tanong sa front desk.

"May admitted ba rito na Renzo Tuan ang pangalan?!" nagmamadali kong sabi ro'n sa babae.

Nagulat naman siya sa biglang pag sulpot ko.

"U-Uh, sino po sila?"

"I'M HIS GIRLFRIEND FOR FUCK'S SAKE!" sigaw ko.

Mukhang natakot naman siya at agad na tinignan ang records.

Buti 'di niya pinuna na naka hospital gown din ako. 'Di ko nga napansin na naka-paa lang ako eh.

"Nasa third floor. Room 306."

Pagkarinig ko ay agad kong pinunta ang floor. 'Di ko na napasalamatan ang babae.

Pag taas ko sa third floor, agad kong hinanap ang room number niya. Agad ko naman nakita at binuksan ang pinto.

"Renzo!" Nakita ko siyang nakaupo sa kama niya. Mag-isa lang siya.

Kumunot naman ang noo niya.

"Who you?"

Who you?! | s. wd • t. mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon