Chapter 1

11 0 0
                                    

(Kennedy's POV)

"TUT! TUT! TUT! TUT! GOOD MORNING MASTER! WAKE UP! IT'S ALREADY 6:10 IN THE MORNING"

"TUT! TUT! TUT! TUT! GOOD MORNING MASTER! WAKE UP! IT'S---" bigla kong pinindot yung stop button.

"Haayy!" At napabangon ako.

"Good morning Arthur! Baba ka na. Kumakain na kapatid mo sa baba" napatingin ako kay yaya na binubuksan yung bintana ng kwarto ko. Napapikit ulit ako

"Bat ang aga akong ginising ng alarm clock ko po? Ano bang meron ngayon?" I ask. At napakamot sa buhok ko.

"Nako! Makakalimutin na alaga ko. First day of school niyo ngayon ng kapatid mo sa bago niyong pasukan" napamulat ako ng mata.

"Holly shi--oh! Sorry. Baba na ako" sabi ko at lumabas na ng kwarto ko. Pagkababa ko nakita ko si Andrea kumakain na kasama nila mom and dad.

"Eeww! Kuya! Maghilamos ka na nga muna. May mga laway at muta ka pa eh" tinignan ko naman siya ng masama.

"It's none of your business" sabi ko. At umupo na. Kumuha ako ng hotdog at kinain

"Kennedy maghilamos ka na nga muna. Give respect to us. Pano na kung meron dito yung mga katrabaho ko. Ano nalang maiisip nila. Na ibang klaseng anak ang magmamana ng kompanya ko" napatigil ako sa pag nguya.

"Dad sinabi ko bang ako magmamana sa kompanya mo? Ibigay mo nalang kay andrea" tumayo na ako

"Nawalan na ako ng gana mom. Maliligo na ako" sabi ko. Bago pa man ako maka-alis narinig ko si mom na pinagalitan si Dad.

"Masanay ka na sa dad mo" napatingin ako kay yaya at napangiti.

"Opo" sabi ko at umakyat na ako para maligo

School

"Kuya, samahan mo muna ako papuntang room" napatingin ako sa kapatid ko.

"C'mon" sabi ko at inakbayan siya.

Bawat lalaki na nakakasalubong namin panay tingin sa kapatid ko. Kaya bigla kong tinakpan yung mukha niya gamit kamay ko

"Kuya naman eh!" Sabi niya. Hinila ko siya sa tabi ko at inakbayan ulit.

"Tinitignan ka ng mga lalaki eh. Syempre pro-protektahan ko baby sister ko nuh" napangiti naman siya at niyakap ako.

"That's my brother. I love you kuya" sabi niya. Napatigil naman ako sa isang room

"Here we are. Behave. I love you too" at hinalikan ko siya sa noo. Hinintay ko muna siyang pumasok sa kaniyang room bago ako pumunta sa room ko.

Bigla akong napatigil sa paglalakad ng maramdaman kong may umakbay saken.

"Dude! Musta na?" Napatingin ako sa kaniya.

"Andrew! Okay lang naman ikaw?" Bati ko.

"Eto habulin parin ng mga babae pare" napatawa naman ako.

"Dika parin nagbabago" sabi ko. Sabay na kaming pumasok sa aming room dahil pareho pala kami ng strand na kinuha. STEM.

"Bat dito mo pala naisipang mag-aral par!" Tanong niya ng naka-upo na kami.

"Nirecommend samen ni dad. Kasi kaibigan niya daw may-ari neto" sabi ko. Nilabas ko yung phone ko at naglaro ng criminal case.

Natulog naman si andrew. May kumausap sa aking mga babae pero diko pinansin.

"Oohh! 22 students of my class" napatingin kaming lahat sa nagsalita

"I wasn't surprise. Btw I'm Enrique Alejandro i will be your adviser so be nice to me okay?" Napa-oo naman kami

I'm with the Ghost Where stories live. Discover now