Chapter 1: We were asked to pay a visit

27 5 0
                                    

SECRET'S P.O.V.

"Mga beshieeee! Tignan niyo oh may fafa dun. Sarap siguro niya."  Sabay turo pa niya sa lalaki with matching sparkling eyes and lip bite. Uhh hindi naman siya malandi no?  Si Craige Servilla yan,  tropa kong malanding bading.

"Magtigil ka Craige, tanga eh kung pipili sating dalawa yan, siyempre ako. Eh mas maton ka pa diyan." At yan si Ayanna Magbati.

Bale  tatlo kaming magto tropa. Andito kami ngayon sa isang restaurant dahil lunch na namin sa trabaho at dito nila nabingwit yung pinagtatalunan nilang walang kwentang lalaki, nasa kabilang table lang.

"Ulol ka na ba? Magugustuhan ka ba niyan eh para kang lata, maingay lalo na walang laman." Hayss war na to.

"Asa ka naman  bobo alangan sa iyo, eh para kang suka ang asim mo. Tsaka babae ko."

"Oh talaga? Babae ka nga laspag ka naman."

"At least di juts, kita ko kaya yan nung naliligo ka." O_O tarantado

"Ayanna..." namumutla na siya, halla totoo ba? Nakatira kami sa iisang unit.

"Ang buhok bes di ka ba marunong mag-ahit? Puta HAHAHA!" Umalingawngaw na yung tawa niya, pinagtitinginan na kami.

"Manahimik ka, baka nakakalimutan mo may gubat din diyan sa kili-kili mo."

"Eh ano nama-"

"Manahimik na kayo, pinagtitinginan na tayo. Sarap lang din i machine gun ng mga bunganga niyo eh no?" sabi ko kaya Nagkatinginan sila tapos inilibot din yung tingin sa paligid. Bigla na lang tumayo si Craige tapos hinila din patayo si Ayanna na nakaupo kanina sa tabi ko. Bago pa sila maglakad...

"Secret, sorry alam kong ayaw mo ng atensiyon at nagugutom ka na, kaya iwan ka na lang namin." Tapos bumeso sila sakin at tuluyang lumabas. Bumalik na sa kanya kanyang ginagawa yung mga tao.

'Yan din yung maganda sa kanila, maintindihin. Ok lang din na mag-isa ako dito kasi di na bago yung ganitong eksena samin. Nung huli nga sa sinehan naman mga loko.

Ipinagpatuloy ko na kumain, hindi talaga maasahan sa pag order ng pagkain yung dalawang yun. Mga hindi to nakakabusog tsk tsk.

Habang kumakain ako, may umupo sa harap ko.

"Oh Craige bat bumalik ka--" Takte di pala si Craige to, yung lalaki kaninang pinagtatalunan nila! May nilapag siya sa mesa na papel. Kinuha ko naman.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Pay a visit." Sagot lang niya tapos tumayo na at naglakad paalis.

Ano daw? Pay a visit? Binasa ko naman sa nilapag niyang  papel.

"St. Michael Cathedral Church
Services:
Wednesday-Bible Study(5:00pm-7:00pm)
Friday- Prayer Meeting(6:00pm-8:00pm)
Sunday- Mass(8:00am-9:00am & 5:00pm-6:00pm)"
0927*******-Grey Hedalgo

Yan yung nakasu-- teka...pinapapunta niya ba kami dun kasi inaakala niyang masyado na kaming makasalanan? Pota. Saka bat may paganyan?

Ibinulsa ko na lang yung papel at tinapos ko na yung kinakain ko. Lumabas na din ako at nadatnan ko yung dalawang bugok sa isang bench.

"Secret, nagseselos ako bat nilapitan ka ni fafa?" Hinayupak ka Craige.

"Oo nga bes ano sabi?" Sabat ni Ayanna. Di ko sila sinagot at naglakad na papunta sa parking lot.

He's A Priest (ONGOING)Where stories live. Discover now