Chapter 01

16.6K 283 2
                                    


CHLOE'S POV

Bandang 6:30am ng tumunog ang aking alarm clock.

"Anubayan Chloe! Manong ngang patayin mo na yang alarm clock mo! Grabe, nakakabulabog ka! Natutulog pa yung tao eh!" pasigaw na sabi ni Celine. Magkasama kasi kaming natutulog sa iisang kwarto, pero may tig isa kaming kama. Malaki naman yung space ng kwarto namin kaya keri na kaming dalawa dito.

"I'm Sorry girl! Sige na, matulog ka nalang ulet," malambing kong sabi sa kanya.

Nagtataka ba kayo kung bakit maaga akong gumigising araw araw? Matagal kasi akong gumayak dahil nga sa madaming ka-ek-ekan ako sa buhay, dahil nga buhay tomboy na si miss Chloe.

Pagkaligo ko ay tuloy gayak narin ako. Agad agad ko namang nilagay yung parang benda sa mga breast ko para itoy maging flat. Tuloy suot narin ako ng sando at saka polo na panlalaki. Medyo pinakintab ko narin yung aking black shoes na may patulis sa dulo, yung bang usong sapatos ngayon na pang lalaki. Sinuot ko narin ang aking black na pantalon at saka ko sinuot ang aking black shoes.

And last...syempre medyo nag aapply ako ng gel para talagang boy na boy ang awra ko.

Medyo pacute-cute pa nga ako sa harap ng salamin, yung tipong ngiti na pang lalaki.

"Ay nako, ayan na naman po ang dakilang tomboy na utusan sa school. Grabe ka Chloe este Mr. Joey pala. Bakit ba pinag aaksayahan mo ng panahon yang Brantly nayun eh, babaero naman. Hmp! hindi kaya ginayuma ka niya? Tsk! Tsk!" nakakagulat naman itong si Celine gising na pala. Anyway, 7 o clock na pala, 'yan kasi ang oras nang gising ni Celine. Hindi sya masyadong matagal gumayak dahil kahit hindi sya mag ayo ay maganda parin siya.

"Celine, tigilan mo ako, umagang umaga nagsersermon kana naman!" pasigaw kong sabi kanya.

"Joke lang naman Girl! Ikaw naman, hindi ka na nasanay saakin. Syempre, yung mga sermon ko sayo ay pabiro lang naman. Oh, sya makaligo na nga't baka ma-late pa ako," nakangiting sabi ni Celine saakin.

"Mauna na ako Celine. Alam mo namang hindi tayo pwedeng mag sabay papuntang school at baka mamaya eh, mag pagkamalan pa nilang girlfriend kita," sabi kong nakangisi kay Celine

"Bakit chossy ka paba? Hmp! Sorry ka, Chloe madaming lalaking nag kakandarapa saakin kaya wag mo akong inaano ano diyan!" pasigaw na sabi ni Celine. Mukha atang nainis saakin.

*SA SCHOOL

Naglalakad na ako papasok nang school namin ng biglang may umakbay saakin at hinimas himas yung ulo ko. Nagulo tuloy yung buhok kong kay tagal tagal kong inayos.

"Goodmorning, Chloe!"

Ay naku, sino paba. Isa lang naman ang tumatawag saakin ng pangalan na Chloe dito sa school.

"Ano ba, Lance! Sabi ng 'wag mong ginugulo ang aking buhok. Kainis naman oh! Kay tagal tagal ko itong inayos eh," galit kong sabi kay lance

The Ugly Lesbian Turns To A Beautiful Hot Sexy Girl (Available On Dreame)Where stories live. Discover now