Chapter 03

13.3K 309 8
                                    


LANCE'S POV

*SA BAR

"Pare, napaka tagal naman ni Brantly at Chloe..." reklamo kong sabi kay chandler.

"Bakit hindi mo sila tawagan at saakin ka nag tatanong eh, parehas naman tayong nandito, alam mo namang hindi ko alam kung nasaan sila eh. Saka, kahit si Brantly lang ang tawagan mo. Yung tomboy nayun, kahit wag na, nakakairita lang yun kasama!"

"Bakit kaba ganun kay Chloe? Mabait naman yung tao at wala naman syang ginagawa sayo ah? Hirap na hirap tuloy si chloe na pakisamahan ka."

"Kung hirap syang pakisamahan ako, umalis sya sa grupo natin! Nakakaasar siya! Saka nakakasira lang yun sa grupo natin Lance, hindi mo ba napapansin? Grabe! kapag talaga next year hindi pa sya umaalis sa grupo natin, mag papa transfer na ako sa ibang school, sa ibang highschool nalang ako mag f-fourth year," nakataas kilay na sabi ni chandler. Hay, grabe sya, ayaw na ayaw nya talaga kay Chloe.

"Oh, sya-sya, bahala ka chandler kung saan ka masaya. Sige, wait lang at tatawagan ko lang si brantly."

Lumabas muna ako sandali ng bar, maingay kasi sa loob eh. Baka hindi kami mag ka intindihan sa phone ni Brantly.

Mayamaya pa ay sumagot na sya.

"Oh, Lance? Nandyan naba kayo sa bar?" Tanong agad niya sa kabilang linya.

"Oo kaya! Kanina pa kami nandito. Nasaan ka naba?"

"Kakauwi ko lang e, nag date kasi kami ni Margaux. Tae, pare may goodnews ako sayo!" Masayang sambit ni Brantly.

"Anong goodnews naman yan pare?"

"Pare, sinagot na ako ni Margaux. Kami na pare!" Sigaw niya.

"Talaga? Wow! Oh, pare dapat i-treat mo kami ngayon. I-celebrate natin yan, pumunta kana dito ah?"

"Oo, sige ba, sige sagot ko kayo ang lahat ngayon sa bar. Sige na pare, paalis na ako dito." Agad namang pinatay ni brantly yung phone.

"Si Brantly na at si Margaux na?!"

Nagulat nalang ako na nasa likod ko pala si Chloe. Nandito narin pala siya.

"Oo, sila na daw. Actually, sagot nga daw niya tayo ngayon dito sa bar eh."

"Ah talaga? Mabuti naman kung ganun."

"Oh, bakit parang hindi ka masaya at saka bakit biglang nalungkot yang mukha mo. Teka, Chloe, may sakit kaba?" Sabay hipo ko sa noo niya. Tinignan ko kung mainit siya pero hindi naman.

"Anong hindi masaya? Tae, masaya nga ako at may GF na si Boss Brantly at saka kaya hindi maipinta yung mukha ko ay dahil uuwi na bukas sina Mommy at Daddy, galing sa New york."

"Oh, bakit naman Chloe? Hindi kaba masaya na uuwi na ang mommy at daddy mo?"

"Eh, kasi Lance, pag alis nila noon, babae pa ako, pero ngayong uuwi na sila, Tomboy na ako! Ano kaya magiging reaksyon nila kapag nakita ako? Natatakot ako."

"Hala! Ganun ba? Naku, patay ka nga Chloe! Hayaan mo kapag pinalayas ka, tawagan mo ako, saakin ka nalang muna tumira, tutal mag isa lang ako lagi sa bahay dahil wala din ang mga Mommy at Daddy ko, nasa ibang bansa din at dahil nag iisang anak lang ako, ayun boring na boring ako mag isa sa bahay."

The Ugly Lesbian Turns To A Beautiful Hot Sexy Girl (Available On Dreame)Where stories live. Discover now