FNTP : SEVEN

3.5K 90 0
                                    

___

Nagising ako dahil sa ramdam kong may nakahawak sa kamay ko

Lumingon ako sa gilid and then I saw Liana holding my hand.

"Hey Liana" ginigising ko siya

"Hmm" she moaned.

"Hey" ani ko ulit.

Nagmulat siya ng mata, "Ohh gising ka na pala! How are you feeling?"

"I'm okay.... And uhmm can I go home?" Agad kong tanong dahil hindi ko na nais pang manatili rito

"Oo but the nurse said you have to wait for your brother"

Tumango nalang ako. Medyo naramdaman ko parin ang hapdi sa pisngi ko. Parang bumakat na yata ang kamay ni Jane sa balat ko.

Hinawakan ko ang aking pisngi at naramdamang may cream na nakalagay doon. Binaba ko ang kamay at tinignan si Liana na mukhang nag aalala parin.

Mayamaya bumukas ang pinto at niluwa nito si kuya

Napatingin si kuya kay Liana kaya napalunok siya, si Liana naman namumula na at nakayukong tumayo at lumayo ng kaunti sa kama.

Lumapit sa'kin si kuya.

"Sis, how are you feeling now?" nag aalalang tanong niya

Ngumiti ako ng tipid para mabawasan ang tensyon, "I'm okay, this may be my first time but It's kinda bearable. I guess?" Alam na kaya niya ang nangyari?

"They'll pay for this" igting pangang saad niya. Umiling ako. "Let them be, Kuya. They don't deserve our time." Saad ko.

I looked to him and to Liana na hindi na nagsalita pa.

Bigla naman akong may naalala.

"Kuya" sabay sign ko na ilapit ang tenga niya sa'kin.

"Ibigay mo na kay Liana," bulong ko.

"Tsk, shut up, she'll hear you" inis na sabi niya. Napansin ko rin ang pagsulyap niya kay Liana at pamula ng tenga niya.

Natawa naman ako.

Hay loverboy.

Lumingon ako kay Liana. Kung ayaw niya ibigay edi si Liana papakuhain ko. Hihi.

Sa totoo lang, nagiging komportable na ako kay Liana. She's a gem. She's so genuine and I appreciate her so much. Sana lang marami pang katulad niya sa mundo, para naman may iba rin na makarabas ng bait na tulad ng kaniya.

I don't want to hinder their lovey time so I made my move.

"Pstt Liana kuya told me if you're free later?" nagulat sila pareho pero kumindat ako kay kuya at nag mouthing na makisabay nalang siya 

"A-ahh o-oo si-sige. I'm free naman m-mamaya" utal niyang sabi na nagpahagikgik sa akin.

Humarap ako kay kuya at nagthumbs up. Seryoso lang siyang tumingin na para bang hindi natuwa sa ginawa ko.

Halatang inis ito dahil pinangunahan ko siya. Sus, gusto niya rin naman eh!

"You coming home with me?" Tanong ni kuya, umiling ako.

I'll use my car. "I was slapped, not disabled," I sarcastically answered. "Thankyou for coming."

"Okay, una na ako, ingat ka sa pag uwe little sis," sabay wave niya ng kamay habang palabas ng clinic. Nung dumaan siya kay Liana ay nakita kong nagtanguan sila at ngitian.

Lumingon ako kay Liana na grabe na ang pamumula.

Wala na si kuya pero wala parin siyang imik.

"Uyy wala na, grabe ka mamula jaan ah," pang aasar na sabi ko.

"Ehhh! nahihiya kasi ako sa kuya mo," sus, nako talaga nagkahiyaan pa.

"Basta date daw kayo, akin na cp mo lagay ko number ni kuya" binigay niya sakin cellphone niya at nilagay ko doon number ni kuya.

Bagal kase nila, ako na gagawa ng way.

"Anjan na," sabay bigay ko nang cellphone niya.

Napangiti siya nung mabasa ang name ni kuya na nilagay ko doon

'mybabe'

I smiled, at sabay kaming tumawa.

Pumasok ang nurse at lumapit sakin.

"Miss, the reason why you lost your consciousness is because you're in shock and anxious. Miss Lee told me you've been slapped. And that might be the reason," Nahihiya na tumango ako. Geez, I lost conscious because of a slap? A SHAME!

"And this is your medicine, this is just for a week. drink it before you come at school. You can go now," dagdag pa niya.

Nagpasalamat kami ni Liana at lumabas na kami sa Clinic.

Nasa parking lot na kami at nagpaalam na ako kay Liana,"Sobrang thankyou for watching me. I appreciate it."

"No worries! Just help me with your Kuya. Kidding! Take care and see you in school again!"

I waved goodbye at agad na akong pumasok sa kotse at pinaandar ito patungong bahay

____










REVISED!

From Nerdy To Pretty(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now