1

1.9K 43 0
                                    

MABILIS NA binuksan ni Leya ang black pentel para guhitan ng makapal na bigote ang natutulog na si Vince at nang matapos siya sa kanyang ginawa ay natawa siya nang mahina saka ito kinuhanan ng picture gamit ang kanyang cell phone. Iu-upload niya 'yon mamaya sa instagram at itag-tag ito, tiyak magagalit na naman ito sa kanya pero usual mapapatawad din naman siya agad, well, siya lang naman ang nag-iisang best friend nito at hindi nito makakayang magalit sa kanya ng matagal!

Ipinalibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kuwarto ng binata—napaka-manly ng interior design ng kuwarto nito dagdag pa ang mabangong amoy panlalaki. Red and blue are his favorite colors and he has a lot of dog figurines, paintings and stuffed toys. He just so love dogs but ever since he lost his beloved dog 'Cinamon'—his eight years old german shepherd dog, he didn't want to take care of dogs anymore. Masyado kasi itong mapagmahal sa hayop na katulad niya dahil may isang din siyang alagang matabang pusang lalaki sa bahay.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa lalaking nasa harapan niya na noon ay mahimbing pa ring natutulog, may pagkatulog-mantika kasi ito kaya madalas niyang pinagti-tripan kapag maaga siyang dumadalaw sa bahay nito. Actually, may sarili itong condo ngunit mas trip nitong umuuwi sa bahay ng parents nito, bukod sa gusto nitong nakikipagkulitan sa younger brother nitong si Kier, magkapitbahay lang din sila at anytime ay maaari silang magpunta sa bahay nang may bahay para makikain—na kinaugalian na nilang dalawa.

They're best of friends since third year high school at dahil dakilang magkapit-bahay sila, sa dalas ba naman nilang magkikita ay hindi na nakakapagtaka kung naging mag-best friends sila. Transferee student siya noon galing sa ibang lugar, actually sa loob ng nakalipas na labing-dalawang taon ay nakaka-tatlong lipatan na sila ng bahay, ngayon lang sila nagtagal ng sampung taon sa Star village kung saan sila nakatira. Ahente dati ng mga gamot ang papa niya hanggang sa na-promote at naging manager ng isang malaking pharmaceutical firm at nasa clothing business naman ang mama niya at nagkatuluyan ang mga ito dahil high school classmates ang mga ito.

Ang daddy naman ni Vince ay isang Engineer sa Dubai for more than a decade now at every two years ito kung umuwi ng bansa. Ang mommy naman nito ay isang University teacher and Kier is already in third year college taking up Architecture in one of the best Universities in the country. Six years ang age gap nilang magkapatid, Vince is twenty five na kaedad niya pero nauna lang ito sa kanya ng anim na buwan and Kier is nineteen years old.

Solo siyang anak at medyo boring ang buhay niya kaya madalas ay nasa mga Aragon siya para manggulo sa buhay ng mga ito. Naiinggit nga siya sa best friend niya dahil may kapatid ito palibhasa siya ay dapat ay magkaka-younger sister din eight years ago, kaso nagka-still birth ang mama niya at eversince ay hindi na uli nagbuntis. Nagkasya na lamang siya kay Superman—her chubby cat—na maging kapatid, may katamaran ang pusa ngunit madalas makulit.

Ang epic talaga ng Vince na 'to, he's still wearing his white Uniform from last night's duty. Marahil tinamad na ito magpalit at pagkadating nito sa kuwarto nito ay knockdown na agad, siguro ay masyado itong napagod. Isa itong Nurse sa Saint Lukes hospital ng apat na taon.

Siya naman ay isang registered Pharmacist sa isang government hospital kaso ay nag-resign siya at kasakulukuyang nag-apply abroad at umaasang baka palarin ngunit habang wala pa siyang nahahanap na trabaho ay nagpa-partime muna siya as writer sa Precious Corporation.

Eversince high school ay mahilig na siyang magsulat-sulat ng story at may pagka-bookworm din siya; mas gusto pa nga niyang bumili na lang ng libro kaysa mga bagong damit at sapatos. Gustong-gusto niyang magbasa ng mgaromantic-comedy-science fiction genre at halos isang taon din siyang sumubok sa pagsusulat sa naturang publication ngunit epic fail dahil madalas nakukulangan ang mga editors niya ng romance sa mga nasusulat niya, palibhasa ay NBSB siya at nagbabase lang siya sa mga napapanood niya sa K-dramas at movies.

#VinceandLeyaForever (COMPLETED)Where stories live. Discover now