20

1.9K 60 3
                                    


AFTER TWO DAYS na pananatili sa hospital at twenty four seven na pagbabantay ni Vince kay Leya ay nakauwi din sila sa condo. Okay na si Leya at ang baby sa sinapupunan niya at sila bilang mag-asawa dahil nagkaaminan na sila sa mga totoong nararamdaman nila. At syempre pa ay hindi siya nakapagpigil sa sarili na isiwalat ang lahat ng maganda at nakakakilig na balitang 'yon sa mommies nila ni Vince at masayang-masaya ang mga ito.

The next few days ay pinag-bedrest pa rin siya at hindi pa daw siya maaaring ma-stress sa pagsusulat o pag-aaral niya ng Pharmacy book, kaya naglalaro lang siya sa tablet no'n nang pumasok si Vince sa kuwarto nila kaya mabilis siyang napaupo sa kama at ngumiti ito, nakita niyang may dala itong basket of fruits and a bouquet of assorted roses. Mahilig kasi siya sa mga assorted na bulaklak na nakalagay sa iisang bouquet kaya napangiti siya. Mabilis nitong inabot sa kanya ang bouquet at inilapag ang basket of fruits sa bedside table. Kaya pala nagpaalam ito sa kanyang may pupuntahan pero may pa-surpresa pala ito sa kanya. Hindi niya napigilang mapangiti at kiligin.

"Thanks!" nakangiting sabi niya.

"You're welcome, my queen." Nakangiting sabi nito, saka siya nito hinalikan sa noo. "Sandali meron pa akong surpresa para sa 'yo." Anito, saka ito saglit na lumabas sa kuwarto at pagbalik nito ay may tangan na itong medium size box na nakabalot ng red na may ribbon pa.

Nagulat na lang siya nang mabilis itong lumuhod sa harapan niya at the very moment ay nagsipasok na rin sa loob ng room nila ang unexpected visitors nila; ang kanilang pamilya. At si Kier na noon ay may hawak na phone at nakatapat sa kanila ni Vince, hindi niya alam kung ivini-video ba sila nito pero hindi na niya napagtuunan nang pansin ang nakangiting pamilya niya nang bigkasin ni Vince ang mahiwagang mga salitang no'n ay pinapangarap lang niyang marinig sa lalaking kaharap niya.

"I found the reason of my smile from the day I met you, you are the only one I wanted to find, to tell that I need you all my life, and you're the only person I'll see, forever. In my eyes, in my words and in everything I do. Let's spend the rest of our lives together because I want to grow old with you and you alone. Leya Ann Valleza Santiago, will you let me be the reason of your smile? Are you willing to be Mrs. Vince Aragon for the second time around?" nakangiting tanong nito, saka nito mabilis na binuksan ang box at iniumang sa harapan niya.

Nanginginig ang mga kalamnan niyang napatayo mula sa kamang kinauupuan niya, dahil sa labis na saya, kilig at tuwang nararamdaman niya ay hindi na niya napigilan ang sariling mapangiti at mapaiyak. Kung alam lang ni Vince na hindi pa man siya tinatanong nito at willing na willing na talaga siya. Sinugod niya ito ng yakap saka ito hinalikan sa noo at ito naman ay niyakap din siya at hinalikan sa mga labi.

"My queen, you didn't answer my question yet." Nakangiting sabi ni Vince sa kanya, narinig din niyang nagtawanan ang mommies nila, ang papa niya at si Kier.

Umayos siya ng tayo saka tumango-tango. "I will marry you, Vince, again and again and to tell you, masayang-masaya din si baby ngayon sa tiyan ko." Nakangiting sabi niya. dahil parang may naramdaman siyang gumalaw sa tiyan niya na ipinaramdam pa niya sa asawa na ikinatuwa nito nang labis. "And this rolled paper is?" aniya, sa papel na nasa loob ng box.

"Read it!" nakangiting sabi nito.

Hanggang sa tuluyan niyang mabasa ang nakasulat sa papel. Isa 'yong rights na nagsasabing pagmamay-ari na niya ngayon ang Universe's drugstore at pirma na lang niya ang kailangan dahil naiayos na lahat ni Vince.

Napaiyak siya at muling napayakap sa asawa. Muli namang nagsigawan dahil sa kaligayahan ang kanyang mga magulang. Ayon din sa mommy Marlyn nila ay uuwi ng bansa ang daddy Boy nila mula sa Dubai para sa engrandeng wedding na magaganap sa susunod na buwan.

Hindi na rin niya kailangang ma-stress sa pag-aayos dahil nakaplano na din ang lahat dahil sa mga wedding planners na kinuha ni Vince para umayos ng lahat-lahat. Lubos-lubos na ang kasiyahang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon.

Naganap ang masaya, nakakakilig, nakakatuwa at engrandeng kasalan nina Vince at Leya and unexpectedly ay niregaluhan sila ng pamilya nila ng honeymoon trip going to Boracay, hindi kasi siya puwendeng mag-biyahe sa ibang bansa dahil buntis siya ngunit babawi sila pagkapanganak niya.

The following months ay nag-shopping na sila ng unisex clothes para sa magiging baby nina Vince at Leya at excited na ang lahat lalo na si Vince dahil halos bilhin na nito ang lahat ng mga damit, hindi rin sila nakakalimot sa monthly check up niya sa ob-gyne at pag-take ng vitamins and milk na para sa mga buntis. Kasabay din 'yon ay ang success ng drugstore na pagmamay-ari niya.

Hanggang sa dumating ang pinakahihintay nilang sandali. Ang kanyang panganganak. Mabuti na lang at nasa bahay sila ng mga magulang nila that time nang maghilab ang kanyang tiyan at manganganak na. Namutla na naman nang husto ang mukha ni Vince na animo'y hihimatyin dahil sa labis na kaba at excitement, gayunpaman, ay nilabanan nito ang nararamdaman para maidala siya agad sa hospital. After six hours of labor ay tuluyan na ngang lumabas ang isang bouncing and super cute baby boy na pinangalanan nilang Levin Aragon na isinunod sa kanilang mga pangalan. Wala na silang pagsidlan ni Vince dahil sa labis na kaligayan. At makaraan ang ilang araw ay umuwi na din sila kasama si baby.

"Ang taba ko na at baka maging losyang..." aniya, nang tumingin siya sa salamin sa loob ng kuwarto nila.

Mula sa likuran niya ay niyakap siya ni Vince at hinalikan sa kanyang ulo. "Kahit maging balyena o elepante ka pa, ikaw pa rin ang pinaka-maganda sa akin. You're my one and only queen." Nakangiting sabi nito.

Humarap naman siya dito saka ito niyakap nang mahigpit. "I love you, Vince."

"I love you too, Leya, and also Levin." Nakangiting sabi nito. Sabay silang bumaling sa super cute na baby nilang noon ay mahimbing na natutulog sa crib nito. Napangiti silang dalawa habang yakap pa rin ang isa't isa. "Vince and Leya, forever."

"Forever and ever." Nakangiting sagot niya.

At sa nagtapos na Miss Uniervse 2017, naiuwi ni Maxine Rafael ang korona bilang third runner up. Masayang-masaya din sila para sa kaibigan nila.

WAKAS

#VinceandLeyaForever (COMPLETED)Where stories live. Discover now