Foreword

18.3K 288 27
                                    

So there's a guy whom you liked so much. You couldn't stop yourself, but fancy him. He was handsome and all. He was well endowed in the looks deparment, and not only that, he had the money to boot, too. A good catch, certainly! Ang guwapo na, ang yaman pa. Oh ha!

And who wouldn't wish to be his girl? Not you, of course! Ilang beses mo nang hiniling na sana ay magkamilagro at maging boyfriend mo ang guwapong damuhong ito. That you were his legit girl and the apple of his picky eyes. Na ikaw ang ka-holding hands niya palagi at hindi ang kung sinumang ibang malanding babae sa tabi-tabi. Na ikaw ang kahalikan niya at ka ahem!

Iyon ang mga pangarap mo sa buhay na gustong-gusto mong matupad. Pero masakit ang reyalidad. Dahil walang tinatawag na milagro sa totoong buhay. Dahil ang pangarap mo na taimtim mong minimithi ay mukhang mananatiling pangarap na lamang. Unless siguro kung hopeless ka na at mag-resort ka sa tinatawag nating kulam. Haha! Siguro kapag ipinakulam mo siya at kapag namimilipit na siya sa sakit, baka maisip ka niya at humingi ng tulong sa iyo. O 'di ba, sa wakas, mapapansin ka na rin ng lalaking pinakaiirog mo. At magiging hero ka pa sa buhay niya. Bongga! Pero dahil brutal naman ito, at ayaw mong madaplisan ang guwapo niyang pagmumukha, siyempre, hindi mo gagawin ang option na ito... Dahil may iba pa namang option diyan... hehehe...

Back to reality. So okay, you're wishing that you're the girl of this gorgeous guy. Dahil head over heels na ewan ka sa kaguwapuhan niya, sa kakisigan niya, at sa lahat-lahat na sa kanya. Kaya wala ka nang ginawa kundi ang pangarapin na sana ay maging boyfriend mo siya. Tapos nagising ka na lamang isang araw na kayo na! That he was your beloved boyfriend, and you were his mi amore! Ang saya-saya mo na! Dahil sa wakas, nagkatotoo na rin ang matagal mo nang ninanais na mangyari. But then, you banged yourself accidentally against the wall. At bam! Ayun, naputol ang panaginip mo. Panaginip lang pala ang lahat! Hahaha!

Masaklap ang ganitong pangyayari, hindi ba? Nakaka-hurt ng heart. May gusto ka pero hindi ka naman gusto. You were walking around his orbit, but he doesn't seem to see you. O 'di naman kaya, nakikita ka naman niya, pero waley ka epek sa kanya. Seenzoned lang ang peg mo, te!

Sa kabila ng dilemma mong ito, may pag-asa pa nga ba na makuha mo ang atensiyon ng lalaking gusto mo? Much more, make him fall in love with you? Huwag kang mag-alala dahil oo, may pag-asa pa! Iyon eh kung willing kang gawin ang nakamamatay na stunts na ito. All in the name of love!

But here's the catch: Hindi ka naman kagandahan at isang ordinaryong babae lamang. Pero dahil mataas ang pangarap mo at pihikan ang taste mo, isang guwapong kalahi ni Adan ang gusto mong matikman, ahem, mapaibig pala. Hahaha! 

So what do you have to do? Hindi mo na kailangan ng magic sarap. Si Ai-ai at Kris lang ang nangangailangan niyon. Isa pa, bad for the health yun at ang daming MSG. lol! Dapat yung healthy ang peg at higit sa lahat, affordable! So what do you need then? Lakas lang ng loob teh at tibay ng dibdib. In short, humanda ka nang maging makapal ang fez!

The Hopeless Romantic Series 1: How To Make A Guy Fall For You?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora