Paano na? Chp. 17

158 6 2
                                    

Catalina Pov

Sakay kami ng isang kotse ni lucas ngayon di ko alam kung pano na kami, di ko alam kung san kami patungo. Kung ano plano nya kung pano na?

"Mahal ko pano na tayo? Tanong ko sa kanya

"Hindi ko alam bahala na"
T

ahimik nyang sagot sakin

Hindi nako nag salita at hinayaan ko na lang sya mag isip


Mag dadalawang oras na kaming nasa byahe. Nararamdaman kong malalim ang iniisip nya. Inabot ko ang kamay nya at hinawakan. Tinignan nya ko at hinalikan ang kamay ko.

"Kaya natin to"
Mahina nyang sabi sakin

"Pangako hindi kita iiwan. Hinding hindi kita iiwan kahit masakit na, kahit pagod na yung puso ko.  Hinding hindi kita iiwan hanggat hindi mo kusang hinihiling sakin"
Sabi ko sa kanya 

Tahimik lang syang nag drive.
Antahimik ng kapaligiran. Sumilip ako sa bintana ng kotse kitang kita ko ang inosenteng buwan na tila'y sinasabi sa akin na mag tiwala lang ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng walang lucas sa sasakyan. Napaka lalim na ng gabi. Andito kami sa tapat ng 7-11

Nakita ko si lucas na palabas na sya may dalang makakain at pumasok na sya sa kotse.

"fuck!"
Sigaw nya ng pumasok sya sa kotse

"May problema ba mahal ko?"
Tanong ko sa kanya

"Pinutol lahat ni mom ang atm at credit card ko. Si kuya nathan tinanggalan ng koneksyon sakin pati si gab at ella" sagot nya sakin

"Dont worry mahal ko. May ipon naman ako nasa bank account ko"
Ngiti kong sabi sa kanya

"Pati yung bank account mo bnlock ni mom. Lahat ng documents mo naiwan mo sa mansion mahal ko, kaya pati sayo wala na. Pati yung condo mo wala na. Pati mga condo ko wala na din"
Sagot nya sakin

Oo nga pala naiwan ko nga pala lahat ng documents ko dahil kinuha ito sakin ni kuya nathan nuon.

"Don't worry mahal ko may 50k pa ko dito na cash, Kaya natin to"
Ngiti nya sakin

Ngiting alam kung pinapalakas nya lang ang loob ko. 

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Lucas mag kano binayad mo dito?"
Sabi ko sa kanya

50k na lang ang pera namin pero kumuha sya ng apartment sa subdivision na may second floor. Sure ako na mahal ang bayad nya dito. Hay nako hindi marunong mag tipid

"25,000 per month 1 month advance mahal ko"
Sagot nya sakin

"Mahal ko alam mo naman na 50k na lang pera natin pero kumuha kapa ng ganto ka mahal na bahay"
Sabi ko sa kanya

"Hayaan mo na mahal ko.  Ayaw ko kase na alisin kung ano yung naka sanayan mo sakin. Gusto kong ibigay sayo ang lahat"
Sagot nya sa akin

"Pano na tayo nyan 50k lang ang pera natin pano na tayo makakain bukas? "
Tanong ko sa kanya

"Dont worry mahal ko. May cash pakong 50,000 na nakuha ko sa bag sa kotse ko. Naalala ko may bag pala sa kotse ko"
Sagot nya sakin

Ngumiti na lang ako ng plastik sa kanya at hinawakan nya ang kamay ko. Dinala nya ko sa taas at inikot namin ang bahay.

May dalawang kwarto dito sa inuupahan namin maganda nadin sa 25,000 to kase may gamit na din

Pumasok na kami sa kwarto namin. Pasado alas 3 na ng umaga.

Nakatayo ako sa tapat ng cabinet at nilalagay na yung mga gamit namin dito.  Nang may naramdaman ako na bumilot na kamay sa tyan ko. 

Si Lucas na naka yakap sakin

"Mahal ko wag mokong iiwan"
"Mahal ko mahal na mahal kita"
Sabi nya sa akin

Hindi ako nag salita at dinama ko na lang ang yakap nya nang bigla ko naramdaman ang katawan nya na sobrang lamig.  Parang yelo, hindi ito normal , dahil dati ang katawan nya malamig lang ngayon tila parang bangkay na punong puno ng yelo. Hindi ko maintindihan bakit sya nag kakaganito

"Mahal ko? Bakit ganyan ang katawan mo? Anlamig sobrang lamig?"
Tanong ko sa kanya

"Normal yan mahal ko. Ang ibig sabihin nyan isa sa mga Kapatid ko iniisip ako inaalala ako" Sabi nya sakin

"Mag kakadugtong ang puso, at laman namin mag kakapatid kaya normal ito mahal ko kase may problema sila" habol nyang sagot sakin

Inalis nya na ang pag kakayakap nya sa akin at nakita kong humiga na sya sa higaan.  Simula kanina ay hindi pa sya natutulog alam kong pambira sya na di marunong mapagod pero alam ko na gusto nya mag pahinga. Habang ako pinag papatuloy kong ilagay yung mga damit namin sa cabinet

Nag ligpit ako ng mga gamit namin, inayos ang lahat lahat na parang hindi na kami aalis sa bahay na ito.

Alas 5 na ng umaga ng matapos ako sa mga ginawa ko nakapag luto na din ako ng umagahan namin dalawa.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ko.  Para syang anghel na natutulog. Napaka gandang tignan. Natutunaw ang puso ko

*Toot*
*Toot*
*Toot*

Nakita ko ang phone nya nasa tabi ng kama namin at may text ng text dito. 

Cassy

Lucas anong kalokohan to?  Bakit ka umalis? Bakit mo iniwan si mom? You chose that girl kesa sa mom mo. Nangako ka lucas! Nangako ka! 

•unknown number

Lucas, kuya nathan to. Kamusta kayo ni catalina? Dalian mo Lucas. Bumalik ka ipag patuloy natin ang bagong plano. Tawagan moko agad kapag nabasa mo ito

•mom

Lucas mamili ka habang binibigyan kita ng pag kakataon. Alam mo ang kaya kong gawin...

Bagong Plano???
Nangako ka??
Ano ang kaya nyang gawin?? 

Hindi ko maintindihan ang nababasa ko dito.

Tinignan ko si lucas habang natutulog.

Lucas paano na tayo? Hindi ko na alam ang nangyayare satin. Mag titiwala na lang ako sayo.  Alam kong hindi mo ako papabayaan.

Tumabi ako sa tabi nya at nahiga akong niyakap sya at natulog na din ako

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
8am

Pungay ang matang aabutin sana si Lucas para yakapin pero wala sya sa aking tabi. 

Bumangon nako at niligpit ang higaan. Siguro nasa baba na sya at nag aalmusal na

Nag lakad nako palabas sa aming kwarto ng binuksan ko ang pinto nadinig ko si lucas na may kausap sa phone nya

"oo cassy babalik ako.......... Hantayin moko........ Oo tutupadin ko ang pangako ko sayo.." sabi nya sa kausap nya sa phone

Babalik sya?
Kasama pa ba ko sa pag balik nya?
Ano pa bang hindi ko alam sayo lucas.

____________________________________________

Hi guys im back.  Asahan nyo na yung update ko lagi.  Basta pa vote haaaaaaa. Thank youuuuuuu

-Author 

My vampire king (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon