Kadramahan 3

448 61 154
                                    

071518
Chapter three
#Wendy

❝❞

***

MAPAPAMURA ka nalang talaga ng pakshet malutong tuwing nakikita mo ang taong mahal mo na masaya sa ibang tao. Katulad ng nararamdaman ni Wendy ngayon nang makita nya si Joy na nakaakbay kay Yeri at mukhang masaya pa sa ginagawa nya.

Napabuga naman si Wendy sa hangin, naiirita sya sa nakikita nya. Nagseselos sya. Naiinis sya. Ano bang meron si Yeri na wala si Wendy? At bakit patay na patay si Joy sa maknae nila?

Pareho naman silang may mata, ilong, tenga at bibig. Mabait naman sya. Mas mabait pa nga sya kay Yeri, eh. Pero bakit? Bakit hindi sya mapansin ni Sooyoung?

"Hoy, tulala ka na naman, pasukan ng langaw ang bibig mo!" Natatawang sabi ni Irene nang makaupo ito sa tabi nya. Kasama nito si Yongsun na tahimik lang at nagcecellphone. Mukhang nilalandi na naman ang jowa nya na si Moonbyul.

"Bakit hindi nya ako kayang mahalin?" Mahinang saad ni Wendy at yumuko ng kaunti. Hindi nya alam pero nasasaktan talaga sya. Kung ipagpapatuloy pa nya ang pagtitig, baka magkaroon na sya ng best masokista award.

"Masyado daw malaki ang noo mo." Parang ewan na sabi ni Irene kaya naman sinamaan nya ito ng tingin.

Bwisit talaga ang gurang na to. Sa isip isip nya.

"Honestly, hindi ko din alam ang sagot since ganyan din ang tanong ko sa sarili ko." Makahulugang sabi ni Irene at umiwas ng tingin.

Kumunot ang noo ni Wanda, "Bakit naman?" Parang tangang tanong nito. Umiling nalang si Irene at nginitian sya.

Sa totoo lang, maganda naman talaga si Joohyun. Lalo na pag ngumingiti ito ng ganyan sa kanya. Hindi man nya alam kung bakit sweet ito sa kanya, hindi nalang nya binibigyan ng pansin.

Kasi si Joy lang naman ang gusto nya. Na kay Joy lang ang atensyon nya.

"Wendy! Tara dito, laro tayo!" Nakangiting saad ni Momo sa di kalayuan, kasama nya si Dahyun, Jennie, Yerin at Wheein. Mukhang maglalaro sila ng volleyball.

"Kayo nalang." Walang ganang sabi ni Wendy at sumandal. Bumuntong hininga sya at natingin na naman kay Joy na todo pacute kay Yeri.

Napairap sya. Ang panget ng tanawin.

"Sumama ka na 'don, hindi yung sinasaktan mo sarili mo." Napatingin sya kay Irene nang magsalita ito, nakita nya na malungkot ang mga mata nito kaya napakunot ang noo nya. Sudden change of mood, eh?

"Bakit?"

"Nasasaktan din kasi ako." Madrama ngunit mahinang usal nito. Lalong kumunot ang noo ni Wendy nang hindi nya maintindihan ang sinasabi nito.

Ano daw? Minumura nya ba ako?

"Ano?" Nagtatakang tanong ni Wanda. Umiling naman ulit si Irene at tumayo na.

"Pupuntahan ko lang kako si Seulgi." Mahinang sabi nito at wala sa sarili na umalis.

Nakakunot ang noo ni Wendy at napakamot nalang sya sa ulo nya. Medyo weird ngayon si Irene.

"Minsan kasi, sa sobrang pagkabaliw mo sa isang tao, hindi ka aware na may nasasaktan ka na pala." Nagulat si Wendy nang biglang magsalita si Yongsun sa tabi nya.

Napatingin sya dito at nakita nyang tinago nito ang cellphone sa bulsa nya sabay tingin sa kanya ng seryoso, "Wag mo kasi paikutin ang mundo mo sa isang tao. Bandang huli kasi, ikaw at ikaw din ang mahihilo."

***

Isa pa 'to, nung May 23 pa 'tapos, hehe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

#Dramarama ¦ 레드벨벳Where stories live. Discover now