CHAPTER 2

2.5K 94 1
                                    

#EvenTheNightsAreBetter

CHAPTER 2

Bihis na bihis si Rohem. Plain na navy blue longsleeve ang suot nito pang-itaas at skinny jeans at sneakers naman bilang pambaba. Mamahaling brand ang suot nito kaya naman hindi maikakaila ng makakakita sa kanya na galing siya sa isang mayamang pamilya. Magaling rin siyang magdala ng damit dahil sa bukod sa kagwapuhang taglay, makinis ang mestisong balat, makisig rin ang kanyang katawan at higit sa lahat, pang-modelo ang kanyang tangkad na umaabot sa 5'11.

"Saan ka na naman pupunta?"

Napahinto sa paglalakad palabas ng mansyon si Rohem. Napatingin siya sa nagsalita. Ang Kuya Sandblast niya na nakatayo malapit sa bukana ng kusina kung saan ito galing. Nakahalukipkip ang magkabilang braso habang nakatingin sa kanya.

"Kuya... Magsuot ka naman ng maayos-ayos na damit... nasa labas ka kaya ng kwarto mo." Sabi ni Rohem na hindi sinagot ang tanong ng kuya niya. Paano naman kasi, nakasando lamang ito at boxer short. Hubog tuloy ang magandang pangangatawan nito at hindi maikakailang bukol ba bukol ang tinatago nitong pag-aari na nasa loob ng boxer. Halatang may ipagmamalaki. "Kaya ka pinagnanasaan ng mga babaeng kasambahay natin e." dugtong pa na sabi ni Rohem. Aminado naman kasi na magandang lalaki si Sandblast. Halos magkahawig sila ni Rohem pero kung titingnan, mas brusko ang itsura ni Sandblast habang si Rohem naman ay parang bata. Maamo ang mukha. Mas matangkad rin ang kuya niya na umaabot na ng 6'1. Lahi kasi sila ng matatangkad.

"Huwag mong pansinin ang kasuotan ko... Sagutin mo ang tanong ko... Saan ka na naman pupunta? Gabing-gabi na a." sabi at tanong ni Sandblast.

Napangiti si Rohem. Sa totoo lang, may pagka-isip bata ito at iyon ang pinoproblema ni Sandblast dito.

"Gigimik kuya... Ito naman parang walang alam." Sabi ni Rohem.

"Gigimik ka na naman? Halos gabi-gabi na lang 'yan a." sabi ni Sanblast. Kuya na kuya ang dating sa nakababatang kapatid na pasaway.

"Kuya naman... Alam mo naman na ito na lang ang libangan ko di ba? Pagbigyan mo na ako..."

"Bakit kasi hindi ka na lang pumasok sa company natin? Ikaw ang mamahala sa isa sa mga kumpanyang meron tayo para naman may pagkaabalahan ka at mapakinabangan mo na rin ang natapos mo sa pag-aaral." Sabi kaagad ni Sandblast. Business administration ang tinapos ni Rohem. Parehas sila ng tinapos dahil iyon ang kailangan nila dahil sila ang mamahala ng mga kumpanyang meron sila.

Napakamot naman ng ulo si Rohem.

"Kuya... Alam mo naman na wala akong hilig sa negosyo... Saka isa pa... Kaya mo na 'yan." Sabi ni Rohem.

Napabuntong-hininga si Sandblast. Ramdam na niyang nauubusan na siya ng pasensya para sa kapatid pero hinahabaan niya pa rin para hindi siya magalit dito. Hangga't maaari kasi, ayaw niyang magalit dito baka mas lalo pa itong maging pasaway.

"Rohem... You're already 25... be responsible enough." Sabi ni Sandblast. Dalawang taon ang tanda niya sa nakababatang kapatid. "Hindi ka na bumabata kaya naman iayon mo rin sa edad mo ngayon 'yung mga ginagawa mo." Sabi pa nito.

"Kuya naman..." sabi ni Rohem. Napabuntong-hininga. "Hayaan mo muna ako ok... Sige ganito na lang... Pag-iisipan ko ang offer mo sa akin... Ihahanda ko lang ang sarili ko pero sa ngayon... hindi ko pa kasi gustong mamahala ng isang kumpanya... ayokong ma-stock sa isang lugar... Gusto ko munang mag-enjoy ok." Sabi pa nito.

"Rohem Alexis Del Mundo... Huwag mo akong hintaying magalit pa sayo a... Sa totoo lang, nahihirapan na ako sa pagiging pasaway mo." Sabi ni Sandblast. Bakas na ang inis sa boses. Siya na kasi ang tumayong ina, ama at kapatid kay Rohem sa loob ng sampung taon. Maaga kasi silang nawalan ng mga magulang dahil sa aksidenteng kinasangkutan ng mga ito. Silang dalawa na lamang ang pamilya ngayon kaya nga hindi rin siya masyadong mahigpit kay Rohem at sunod rin ito sa layaw dahil ayaw niyang pati ito ay mawala. Pwede kasing magrebelde ito oras na paghigpitan niya ito.

EVEN THE NIGHTS ARE BETTER COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang