CHAPTER 4

1.8K 80 0
                                    

#EvenTheNightsAreBetter

CHAPTER 4

Magkatabing nakahiga sa king size bed sila Rohem at Tattered. Iisa lang kasi ang kama sa inokupa nilang hotel room na available ngayong gabi kaya kailangan nilang magtabi. Malaki naman ang kama kaya ok lang. Sa kabilang hotel room naman namalagi sila Theo, Uno at Harold. Ewan nga ba niya kung bakit siya napapayag na silang dalawa lamang dito ni Tattered.

Hindi na kasi nila kayang umuwi sa kanya-kanyang bahay dahil sa sobrang kalasingan kaya napagpasyahan nilang mag-hotel na lang muna ngayon. Malapit lamang ito sa bar na pinuntahan nila.

Nakatagilid ng higa si Rohem habang nakatingin ang namumungay na nitong mga mata kay Tattered na tulog na tulog na. Rinig nga niya ang mahinang hilik nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ito lalo na ang mukha nito. Hindi rin naman kasi siya makatulog lalo na at may katabi siya sa kama, sanay kasi siyang mag-isa lang na nakahiga sa kama.

Sa totoo lang, nung una niya itong makita kanina, may naramdaman siyang kakaiba na hindi niya maipaliwanag sa ngayon dahil bago iyon sa kanya. Hindi naman na bago sa kanya ang humanga sa kakisigan at kagwapuhan ng ibang lalaki pero iba 'yung naramdaman niya pagdating kay Tattered.

Gwapo nga talaga ito. Hindi ganun kalapad ang noo, makapal ang itim na itim na kulay na kilay. Halatang chinito ang mga mata kahit na nakapikit. May katangusan ang ilong at ang labi, natural na mamula-mula at may kanipisan. Mukhang bagong ahit rin ang facial hair nito dahil manipis. Napakakinis pa ng mukha nito, pantay sa kulay ng balat nito sa katawan na mestiso ang kulay ng balat sa mukha nito.

Tipid siyang napangiti. Kung titingnan niya si Tattered, mistula itong isang prinsipe dahil sa perpektong mukha nito.

Napabuntong-hininga siya. Lasing na talaga siya, kung ano-anong iniisip niya, pati ang lasing ay nagagawa niyang pagpantasyahan.

Bumaba ang tingin ni Rohem. Hubog sa suot na t-shirt ni Tattered ang magandang pangangatawan nito. Sa bawat paghinga nito, taas-baba ang maumbok nitong dibdib. Bumabakat rin ang magkabilang utong nito. Namumutok rin ang braso nito sa sleeves ng suot nitong shirt dahil malaki at ma—muscle iyon. Bakat rin sa damit nito ang abs na meron ito sa bandang tiyan.

Nakaramdam ng pag-iinit si Rohem. Bukod sa init na dala ng alak na nainom niya, dumagdag pa si Tattered sa init kahit na may aircon naman ang hotel room. Sa totoo lang, isang malaking tukso si Tattered para sa kanya.

Bumaba pa ang tingin niya. Sa pagbabang iyon ng kanyang tingin, nakita niya ang umbok na meron ito. Sweat pants pa ang suot kaya naman hindi maikakailang bubukol talaga ang meron doon. Halatang may ipagmamalaki.

Kaagad na umayos nang higa si Rohem. Tumitig na lamang ang mga namumungay niyang mata sa kisame. Kailangan na niyang iiwas ang tingin bago pa may magawa siyang hindi dapat. Hindi siya 'yung klase ng tao na kinukuha ang pagkakataon kung meron man lalo na at wala namang pahintulot. Hindi siya 'yung klase ng tao na nagte-take advantage.

Sa pagkakatitig ni Rohem sa kisame, siya namang pagdilat ng mga namumungay na mata ni Tattered. Tinitigan niya si Rohem. Hindi talaga siya tulog kundi nagpapanggap lamang. Ang totoo kasi, katulad ng una, hindi rin siya makatulog dahil sa may katabi.

Ramdam niya kanina na habang nakapikit siya ay tinititigan siya nito. Hindi niya maintindihan pero may dulot na saya siyang nararamdaman. Alam niyang humahanga ito sa kanyang itsura kaya napapatitig pero ang hindi niya maintindihan, sa rami ng taong humahanga rin naman sa kagwapuhan niya, bakit kay Rohem ay nakakaramdam siya ng mga ganito?

Sa unang kita pa lamang niya kay Rohem, aminado siyang nagwapuhan siya dito. Ang amo kasi ng mukha pero lalaking-lalaki. Malaya niya ngayong napagmamasdan ang may kaliitan nitong mukha na ubod ng kinis.

Makapal ang magkabilang itim na kilay. Gaya niya, may pagka-chinito rin ng mga mata nito. Matangos ang ilong. Medyo makapal ang natural na mapulang labi. Walang bigote o balbas pero hindi naging kabawasan iyon para masabi niyang isang magandang lalaki si Rohem.

Tipid siyang napangiti. Umayos siya ng higa. Tumitig sa kisame.

"Hindi ka ba makatulog?" tanong ni Tattered na ikinagulat naman ni Rohem kaya kaagad siyang napatingin dito. Bigla siyang kinabahan, gising si Tattered? Alam kaya nito na tinitigan niya ito kanina?

"Gising ka?" kinakabahang tanong ni Rohem.

"Naalimupangatan lang." pagsisinungaling na sabi ni Tattered. "Ikaw, mukhang hindi ka pa nakakatulog a." sabi pa nito.

Napabuntong-hininga si Rohem. Umiwas ito nang tingin.

"Hindi kasi ako sanay na may katabi sa kama kaya hindi ako makatulog." Sabi nito.

"Gusto mo ba na sa sofa na lamang ako mahiga para makatulog ka na?" tanong ni Tattered na kaagad namang ikinailing ni Rohem.

"A... Hindi... Ok lang... Makakatulog din ako kaagad." Sabi ni Rohem.

"Ang dami nating nainom pero hindi ka kaagad makatulog." Sabi ni Tattered.

"Sanay na rin kasi ako sa alak kaya bukod sa pagkalasing, wala na itong nagiging epekto sa akin." Sabi ni Rohem.

Napatango si Tattered.

"Oo nga pala... Pasensya ka na sa mga kaibigan ko a... Lalo na kay Harold... Minsan talaga loko-loko 'yun lalo na kapag nalalasing." Ang sabi ni Rohem.

"Ok lang." matipid na sagot ni Tattered.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

Gumalaw si Tattered sa kinahihigaan dahil sa nangalay siya. Hindi sinasadya, nagkadikit ang kanilang mga braso pati na rin ang kanilang mga kamay. May naramdaman sila, kuryenteng hindi nila malaman kung saan nanggaling.

Nagkatinginan sila. Maya-maya ay nagkatitigan. Kapwa may sinasabi ang kanilang mga mata pero hindi niya maintindihan kung ano.

Napatingin si Tattered sa labi ni Rohem. Sa totoo lang, kaninang tiningnan niya ito, naramdaman niyang gusto niyang halikan iyon. Matagal na rin nung huling makahalik siya ng isang labi ng lalaki, high school pa siya nun.

Si Rohem naman ay hindi naalis ang tingin sa mga mata ni Tattered. Dumadagundong sa kaba ang dibdib niya.

Hanggang sa maramdaman na lamang ni Rohem na hinawakan ni Tattered ang kaliwa niyang kamay. Bahagya iyong pinisil.

Nagkasalubong muli ang kanilang mga tingin. Titig na titig sa mga mata ng isa't-isa.

Hindi nagtagal, bahagyang bumangon si Tattered at nilapit ang mukha kay Rohem. Nanlaki ang mga mata ng huli. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha dahil sa sobrang lapit, nagkakadikit na nga ang tungki ng kanilang mga ilong.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Rohem sa sunod na ginawa ni Tattered...

Hinalikan nito ang labi niya...

At sa paghalik na iyon, nagbaga ang mainit na apoy sa gabi.

EVEN THE NIGHTS ARE BETTER COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPWhere stories live. Discover now