Chapter 8

97 6 0
                                    

Ynjelle's POV

Andito ako ngayon sa hallway papunta sa canteen. Kakatapos lang ng dalawang subject namin at ang talagang masasabi ko lang ay MAS LALONG NAKAKAWALA NG GANA.Oo, tama kayo ng pagbasa.Nakakawala talaga ng gana. Actually hindi naman dito sa school ako nawalan ng gana, pandagdag lang to. Basta ayoko nang ikwento baka mas lalo pa akong mawalan ng gana. Kagigil!

Andito na ako sa canteen. Agad naman akong pumila para makapag-order na ng pagkain. Nakakagigil Kasi ang haba ng pila at ako pa talaga ang last! Ishhh! What a bad day!

Nung ako na yung mago-order sinabi ko na yung bibilhin ko (malamang -_-).

"Ah, ma'am. Wala na po kaming Hawaiian Pizza" sabi ng babae. Juice colored! Pati ba naman sa pagkain?! Ishhh!

"Ano nalang po ba ang Meron?" Tanong ko sa kanya

"Shawarma pizza nalang po atsaka last nalang din po ito" naku naman! Di pa ako nakakakain nyan!

"Ahh, Sige po. Tatlong slice po. Yung sa drinks po wag na po special yung Royal nalang po" sabi ko sa kanya na Di pinapakita ang pagka-bad trip.

"Ah, ma'am. Wala na po kaming Royal. Eto nalang po" sabi nya sa'kin sabay lagay ng kulay blue-green na juice. Eto yata yung sinasabi nilang Mix. Binayaran ko na lahat dahil gutom na gutom na talaga ako. Pagtalikod ko ay may babae sa likod ko Kaya naman lahat ng binili ko nabuhos sa kanya. Kingina naman oh!

"What the heck?!" Sigaw nya sa akin

"Wag Mo akong masigaw-sigawan Dyan miss" Kalmadong sabi ko sa kanya

"And why?! Look what you did?!" Sigaw nya nanaman sa akin

Pabagsak kong pinalo yung Mesa sa cashier na ikinagulat nila. "Sinabing wag Mo akong sigaw-sigawan eh!" Sigaw ko rin sa kanya at Bigla nya naman akong sinampal.

"At Ikaw pa itong matapang! Ikaw na nga itong may kasalanan Ikaw pa yung Galit!" Sabay sigaw nya sa akin. Ina ne'to! Akala Mo nakalunok ng microphone, sigaw ng sigaw.

Sinampal ko rin sya ng kaliwa't Kanan na naging sanhi ng pagkapula ng pisngi nya. "Hindi ako nananakit ng pisikalan pero sumosobra kana" sabi ko sa kanya na may pagbabanta sa boses. Biglang may sumapak sa akin Kaya naman napa-upo ako sa sobrang lakas.

"Wag na wag mong sasaktan yung girlfriend ko kung ayaw mong saktan Kita" sabi ng lalakeng Nasa harapan ko. Malaki ang katawan nya, maliit yung Ulo, Basta isipin nyo nalang si Johnny Bravo.

Tumayo ako at pinunasan ang gilid ng bibig Kasi putcha! Pumutok talaga!

"Hoy Johnny Bravo! Wag Kang makisali dito kung mahal Mo pa Buhay Mo! Oo girlfriend Mo sya pero putek! Away babae to! Babae nalang ba talaga yung Kaya mong labanan?!" Sabi ko sa kanya

"Bakit?! Laban ka?! Yabang Mo kala Mo naman Kaya Mo akong labanan!" Sabi nya sa akin

"Haha, Di ka nyan matatalo babe!" Natatawang sabi Nung babaeng natapunan ng pagkain ko

"Tss. Yabang Mo Hanggang salita ka lang naman." Pang-aasar ko sa kanya.

"Talaga? Let see" ngingisi-ngising sabi nya at Bigla nya nalang akong sinuntok syempre magpapatalo ba ako? Blinock ko sya ng utchi-uki at nagulat naman sya. Tss. Karate do player kaya ako. Pagkatapos kong iblock yung suntok nya sinuntok ko sya ng gyaku-suki (reverse punch) at natamaan sya sa itaas ng tiyan na naging sanhi ng pagkapos ng kanyang hininga pero nakatayo parin sya sa harapan ko Kaya binigyan ko sya ng Scorpion kick at maigeri (front kick) Kaya napatumba ko sya. Okay lang naman sa'kin yung pag scorpion kick kahit nakita na yung shorts ko sa loob.

Bigla nalang tumabi yung mga estudyante sa loob ng canteen, nakalimutan kong andito Pala kami sa loob.

"The three of you go to the guidance office!" Sigaw ng Isa sa mga na assign dun sa guidance.

Paktay!

Nakarating na kami sa guidance office pero yung Isa na boyfriend nitong babaitang to andun sa clinic Kasi nahinimatay.

"Ano ba talagang tunay na nangyari Ms. Arkansas?" Tanong ni Mrs. Cabrero. At ayun kwinento ko sa kanya lahat-lahat

"Bakit Mo ba sya Bigla biglang sinampal eh Ikaw yung may kasalanan Kasi nakaharang ka sa Daan Ms. Alison?" Tanong naman ni Mrs. Cabrero dito kay Ms. Alison daw. Di sya nakasagot

"I'll call your parents. All of you. Para mapag-usapan namin to" sabi ni Mrs. Cabrero Kaya ayun nalintikan na! Kinakabahan na ako, Alam ko na kung anong mangyayari.

Ilang sandali pa'y dumating na yung parents namin at yun nga nag-usap usap na Sila. Di ako nabigyan ng parusa Kasi ako parin Yung unang sinaktan.

Pagdating ko sa bahay puno ng sermon ang naabot ko.

"Ba't Mo ba yun ginawa?" Galit na tanong sa akin ni daddy

"Self-defense?" Kalmadong sagot ko

"Oo Alam naming self-defense yun pero ba't umabot talaga sa ganun? Pwede Kang mawalan ng lisensya Dyan Kaya sa susunod umayos kana!" Galit ding sagot ni mommy.

"Opo" nakayukong sabi ko

"Alam naman naming kasalanan nila pero may kasalanan ka rin naman kaya ka Namin pinagsasabihan" kalmadong sabi ni daddy.

Tumahimik nalang ako, ayoko ng madagdagan pa to. Nakakainis talaga gusto ko nalang maiyak Kasi Alam ko naman kung San magtatapos tong usapan na to. huhu. Ayoko na! Nagsisisi tuloy ako pero tuwing magre-replay sa utak ko yung ginawa ko kanina natatawa na namamangha ako Kasi Di ko talaga inexpect na magagawa ko yun. Di naman Kasi ako ganun ka pikunin eh pero Ewan ko Anong nangyari kanina siguro dahil sa pagka-bad trip.

Sinermonan pa ako ng sinermonan Hanggang sa natapos.

Nung natapos na yung misa sa akin, pumasok ako sa kwarto ko na luhaan at nagsisisi. Lalo na tuwing magre-replay sa utak ko yung sinabi ni daddy na "Di pa ako kuntento na pinagsabihan ka lang namin, kailangan Mo ng punishment at ang punishment Mo ay NO ALLOWANCE FOR 1 WEEK. Wala kang Pera na makukuha at madadala sa school. Padadalhan ka lang namin ng baon" huhu. Sabi ko na nga ba. Diba para akong bata sa punishment na to? Huhu, ayokonaaaa! Di na ako uulit. Masakit masyado sa heart tsaka sa tyan.

Masama yata Araw ko ngayon. Huhu.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now