Chapter 11

76 6 0
                                    

Ynjelle's POV

Pagkatapos ng nangyari kahapon parang biglang umiba yung pakikitungo ni Zaus sa akin, bigla ko tuloy naalala yung Seducing operation na yun.

Nabayaran na pala ako ni Sheena para daw sa unang buwan Kaya ayun nabibili ko na yung gusto ko pero di ko parin alam kung paano ako magsisimula.

"Ah Ynjelle? Sabay na tayo mag recess" sabi ni Zaus. Oh kitams! Ano kayang nakain nito? Pero I think maganda na rin yung ganito para makapagsimula ako.

"Sige" maikling sagot ko at agad na lumabas. Hinabol nya Naman ako para makasabay sa akin.

Pagdating namin sa canteen ang daming nakatingin sa amin. Putek! Paniguradong kung ano-ano na yang nasa isip nila. Tss.

"Just don't mind them" biglang sabi ni Zaus

"Mmm" tanging sagot ko

Naghanap na ako ng mauupuan namin kasi si Zaus na raw yung mago-order para sa amin. Andami paring nakatingin pero hinayaan ko nalang baka mamaya sa guidance office nanaman bagsak ko.

"Hey?" Tawag pansin sa akin ni Zaus. Nasa harapan ko na siya dala-dala yung pagkain namin.

"Umupo kana" malumanay na sabi ko

"Ah salamat" sabi niya at ngumiti ng matamis

Nagsimula na kaming kumain at ramdam na ramdam ko yung awkwardness. Masyado kaming tahimik. Di ko alam San magsisimula.

'Sya na ba yung bago ni Zaus?'

'Baka beh'

'iwws di sila bagay'

'ampanget naman!'

'malandi pala sya?'

Ilan lang yan sa mga naririnig naming bulungan (kuno nila kahit dinig ko) naman dito sa canteen. Tinignan sila ng masama ni Zaus kaya tumigil sila.

"Hayaan Mo nalang sila. Ganyan talaga pag bida laging pinag-uusapan ng mga kontrabida" walang kabuhay-buhay kong sabi. Wala naman talaga akong pake eh pero minsan pag sumobra na napapatulan ko na.

"Woahhh" naa-amaze na sabi ni Zaus. Di ko na sya sinagot at inubos na yung pagkain ko. Ilang minuto ang lumipas at natapos na kami.

Bumalik na kami sa room ng Wala akong nasasapak. Mabuti nalang talaga. Kabwisit eh! Habang naglalakad kami andaming bubuyog ma-report nga to sa school. Tsk.

Katulad lang sa pang-araw-araw na gawain namin dito sa school, Discuss.quiz.repeat. Syempre di mawawala yung lunch namin haha.

Pagkatapos ng klase agad kong kinuha yung mga gamit ko pero bigla akong nagulat nang may biglang humawak sa bisig ko.

Tss. It's Zaus

Zaus's POV

Ilang gabi ko na talagang pinag-iisipan kung ano ba talaga si Ynjelle sa akin. Ayokong isipin na nahuhulog na ako sa kanya maybe naa-amaze lang talaga ako sa kanya. Iba sya sa mga babaeng nakilala ko. Ibang iba.

Seducing that JERKWhere stories live. Discover now