Chapter 2-The dreamer

80 55 20
                                    

3rd persons pov

Lumipas din ang ilang linggo ngunit parati paring may nakikitang kakaiba si missy, hindi sa panaginip kundi sa buhay liwanag nya. Nakapag pasuri narin sila ngunit wala namang ibang makuhang dahilan ang doktor kung bakit ganuon ang nakikita ng dalaga maliban sa baka sa stress lamang kaya nagha-hallucinate sya. Pinayuhan sya ng doktor na magpahinga dahil baka dala nadin sa pagod kungkayat may nakikita ang dalaga ngunit alam ni missy na hindi lamang ito basta basta gawa ng pagod o stress sapagkat dinadalaw sya ng kanyang panaginip kahit ang mga mata nya'y nakamulat.

Isang gabi bago magpasukan,nakita niya si kriss na maykausap sa cp,tumago sya sa likod ng sofa at nakinig sa usapan nito dahil sa nabangit niya ang kanilang ama na nasa California
"Dad.anong ibig mong sabihin na gusto mong papuntahin si misty dyaan? bakit?" Kalmado ngunit halata sa boses nito ang pagtataka. Pasimpleng sinilip ni misty ang kuya nya   "What the fuck? Mental Asylum? Are joking dad?" nagulumihanan man kung bakit galit ang kanyang kapatid ay ipinag-patuloy nya padin ang pakikinig

Missy's pov

"NO! WHAT? WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU DAD?---OFCOURSE NOT ---NO...I WONT LET YOU...MY LITTLE SISTER IS NOT CRAZY.YOU ARE!!!"  Agad na inihampas ni kuya ang cellphone sa sahig, dahilan upang masira ito.
Halos hindi ako makatayo sa kinauupuan ko. Nakakapanghina ang mga narinig ko.

Si dad ba talaga ang kausap ni kuya?  

Naalala ko pa ung word na "mental asylum" at paulit-ulit itong tumakbo sa isipan ko. Akala ba nya baliw na ako?

Baliw ba ako? bakit...bakit kailangang ganto? hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kung gawin. Hindi ko na alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ba ang sarili ko.

Baliw na ba talaga ako? Diko na mapigilang tumulo ang luha ko pero dahil hindi alam ni kuya kris na narinig ko ang usapan nila ni dad ay dahan-dahan akong gumapang palayo at nung medyo nakalayo na ako sa salas ay dali-dali na akong tumakbo pa akyat ng kwarto sabay lock ng pinto.

Baliw ba talaga ako?

Tuluyan na akong napahagulhol.
Ano na ba talagang nangyayari sa akin? hindi ko na alam.
Sa sobrang panghihina ko ay napahiga na ako sa malamig na sahig at doon ko inilabas lahat ng sama ng loob ko sa mundo at sa sarili ko.

Natatakot kasi ako na baka totoo ang sinasabi ni dad, baka baliw na nga ako

*After 1 hour*
Napag desisyonan ko na magpahangin na muna kaya lumabas muna ako sa balcony ng aking kwarto.
Madami nading mga bituin sa  langit dahil narin siguro sa 9 na ng gabi.
Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isipan ko yung mga narinig ko kanina.

"Athana" halos mapabalikwas ako ng may marinig akong familiar na boses. Eto nanaman sya. Agad kung tinakpan ang tenga ko at inilibot ang paningin ko.

Halos di ako makapaniwala sa natunghayan ko sa gawing  kanan ko. Andito sya...

"To-totoo k-ka ba talaga?" halos manigas ang buo kong katawan ng tumango sya.
"Pero imposible---"

"you promise me that you wouldn't forget me athana"  napatanggal naman ako ng kamay sa mga tenga ko. Totoo ba talaga ang nakikita ko? andito sya ngayon. Sa harap ko.Kausap ko.

"H-how can i make sure n-na totoo ka talaga?" sumimangot naman sya. He looks pretty normal to me, pero mahirap magtiwala. Dahan dahan syang lumapit sa akin dahilan naman upang mapa-atras ako
"sa-sandali---AAAh!" sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nabigla nalamang ako ng makita kong hawak nya na ang likod ko,at nakatingin sa mga mata ko.
"Patutunayan ko sayo" mahinahon at kalmado lang yung boses nya pero bakit biglang kumabog ang puso ko?. Tila ba nakakabingi.
Paunti-unti syang lumalapit sa akin. Halos diko maikaila na napaka gwapo ng nilalang na nasa harapan ko. Paunti-Unti nyang ibinababa ang kanyang mga mukha papunta sa mukha ko.
*Tug tug* *tug tug* *tug gug*

Don't Tell #ThePrimoAwards2018Where stories live. Discover now