Prologue

5.8K 76 6
                                    

Naranasan mo na ba yung lagi ka na lang pangalawa?

Yung hindi ka lagi nakikita pag nandyan yung ibang tao, hindi nila napapansin lahat ng effort na ginagawa mo sa kanila?

Yun bang pakiramdam na kapag nandyan yung iba non existent ka na sa mundo nila?

Yung pakiramdam na parang ang dali sa kanilang bitawan ka pag may ibang tao.

Yung para ka lang gamit na kapag wala nang pakinabang eh ibabasura ka na lang..

Ang sakit di ba?

Nakakalungkot, nakakainis...

Pero wala kang magagawa kasi ganun na talaga..

Umiyak ka man may pakialam ba sila?...

Mukha ngang kahit mawala ka di man lang nila mamamalayan na nawala ka..

Ang sakit na kahit yung mga itinuturing mong mahahalagang tao sa buhay mo ang syang magpaparamdam pa sayo ng sakit, yung akala mong dadamayan ka pero sasaktan ka pala.

Kapag ganito ang sitwasyon mo parang wala kang karapatang magkamali... kasi isang pagkakamali mo lang tatalikuran ka nila...

Ang sakit at nakakalungkot talaga kasi binigyan mo sila ng malaking bahagi sa buhay mo eh..

Pinahalagahan mo sila iningatan mo sila pero bakit ganun sobrang dali lang sa kanila na bitawan ka.

Yun bang parang wala kayong pinagsamahan at hindi ka nya kilala..

Wala ka na ngang kasama dahil mas pinili mong magstay para sa kanila pero yun lang din pala ang igaganti nila..

Hindi sa nanunumbat pero sana pala... mas pinagisipan ko pa... sana pala mas minahal at pinahalagahan ko ang sarili ko kaysa sa kanila...

Kasi binasura lang nila lahat...

Kailan kaya mangyayari yung ako naman yung pahalagahan...

Ako naman yung ingatan...

Kasi nakakapagod na puro ikaw lang yung may pakialam...

It's hard to be always an option..It's suffocating , it cause so much pain..

Kelan kaya yung ako naman yung first choice? Kasi pagod na ko..

Pagod na kong magpanggap na laging okay lang ako...

Pagod na akong laging ipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw buksan ang puso para sakin.

Nakakapagod yung ganitong set up.

Nakakapagod magcare kung sila walang care...

Makakahanap kaya ako ng taong kayang pahalagahan ako, yung masasabi ko na sa wakas ako naman, sa wakas eto na sya, sa wakas may tao nang laging nasa tabi ko, sa wakas natagpuan ko na din yung taong magpupuno sa lahat ng mga kulang sa buhay ko.. Sa wakas masasabi kong dininig na yung prayers ko....

Meron pa kayang darating na ganung tao... kasi kahit isang beses gusto ko namang pahalagahan, kahit isang beses lang may taong magpapahalaga at magaalala sakin katulad ng ginagawa ko sa mga malalapit sakin.. yung poprotekta at magmamahal sa akin..

Because Im tired of being the Second Option.

Sa family, sa mga tinuturing kong kaibigan pati ba naman sa taong minahal ko ng lubusan...

When will this situation ends I dont want to be always behind. I dont want to be always the second lead sa story ng iba...

Gusto ko din namang maranasan ang pakiramdam nang ako naman yung bida....

Kung ikaw ang tatanungin ko masama bang naisin na ikaw naman ang piliin nila?

Masama bang hangarin na sana ikaw na lang yung nasa posisyon kung saan ikaw naman yung inuuna?

Kung masama man sayo yun sana wag mo agad ako husgahan kasi di ko na lang talaga matagalan....

Patawad.....patawad.

 Second OptionWhere stories live. Discover now