Chapter 1

5.2K 56 1
                                    

Tiffany's POV

I was sleeping peacefully in my bed enjoying the luxury of the weekend when someone knock on my door.

"Little Sis wake up!" Sigaw ng aking kuya Tristan sabay ng pagkalampag nya sa pintuan ko.

"Kuya! What do you want? Inaantok pa ko at tsaka wala namang pasok ah bakit ba nambubulahaw ka nanaman?!" Sigaw ko sa kanya pabalik na hindi parin binubuksan ang pintuan ko.

" Huwag ka nang magreklamo dyan! Kasi kailangan mo nang kumilos ikaw ang sasama kila mommy sa pupuntahan nilang party ngayon! At isa pa its already 2 in the afternoon and yet you are still in your bed sleeping! My Goodness! Ano bang ginawa mong bata ka at ganyan ka kaantok ha!" Sigaw ni kuya pabalik sakin dahil di ko pa rin binubuksan ang pintuan pero dahil sa sinabi nya ay agad akong napabangon at tumakbo para pagbuksan sya.

" Kuya what did you just say? Ako ang isasama nila Mommy sa party? Pero bakit?" Tanong ko kay kuya hoping na this time isasama ko nila mommy dahil gusto talaga nila at hindi dahil wala lang silang choice.

Sasagot na sana si kuya nan biglang nagsalita si mommy sa likuran nya.

" Yes ikaw ang isasama namin dahil busy ang kuya mo sa mga activities nya sa school kaya di sya pwede, kaya ikaw bata ka kumilos kilos ka na dyan at baka malate pa tayo 4pm ang party." Sabi ni Mommy.

"Yes Mom." Nakayukong sagot ko.

After that umalis na si Mommy para bumaba. Tiningnan naman ako ni kuya na gamit ang malulungkot na mga mata.
Binigyan ko naman sya ng pilit na ngiti at isinarado ang pinto ng kwarto ko para maghanda na. Dahil baka pagalitan nanaman ako.

Pero pagsarado ko ng pinto ay tumulo nanaman ang luha ko. Nakakainis bakit ba hindi ako masanay. Ang sakit lang. Eversince nagkaisip ako sa mundo. Ganon na ang trato sakin ng mga magulang ko. Malamig sila sakin. They always pointed out the wrong things that I've done. Lagi akong napapagalitan. Magkaiba ang turing nila samin ni kuya. Si kuya lagi nilang napapansin napupuri sa lahat ng bagay matalino kasi ang kuya ko, masipag, he has all the good qualities na ipinagmamalaki nila mommy sabi nga nila eh manag mana daw sa kanila si kuya. Di tulad ko puro sakit ng ulo lang daw ang ibinibigay ko. Well di ko naman sila masisisi kasi kabaligtaran ako ni kuya. Hindi ako sing talino nya ako yung tipo na average lang, hindi rin ako sing bait nya magkaiba kami ng ugali. Kaya siguro eversince si kuya na lang ang pinagtuunan nila nang pansin well tinutugunan naman nila ang pangangailangan ko. At hinahayaan nila ako. Pwera na lang pag ganitong may okasyon at hindi pwede si kuya kaya ako ang isinasama nila.

Naalala ko pa nga one time na may event sa school namin nung grade school kailangan pumunta ng mga parents namin but sad to say hindi pumunta sila dad kasi busy daw sila sa trabaho. Kaya yung yaya ko ang umattend sakin. Pero nung sila kuya naman ang may event nagawa nilang icancel ang mga gagawin nila. Nagtampo ako nun syempre bata tapos tinutukso ko nang mga kaklase ko na baka daw ampon ako kaya ganito ganyan.

Nagsumbong ako nun kila daddy may isip na naman ako nun 9 years old ako.

"Mommy bakit po hindi kayo umaattend sa mga event sa school ko pero pag kay kuya sumasama kayo?" nakatungong sabi ko.

"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka malamang pupunta kami dun sa event ng kuya mo dahil ang gaganda ng pinapakita nya sa school at tsaka mahalaga yun." Sabi ni mommy

"Pero po mahalaga din po yung sakin ah. Tinutukso nga po ako ng mga kaklase ko kasi ako lang po ang walang parents puro si yaya lang po ang kasama ko." Sabi ko.

"Tigilan mo nga ako sa arte mong bata ka kung nagaaral kang mabuti eh di sana pumupunta din kami sa mga event sa school mo. Hindi yung minsan tatawag dito yung isang subject teacher mo para sabihin na bumagsak ka sa ganito at kailangan mong magpatutor dahil kung hindi babagsak ka. Sa tingin mo nakakaproud humarap na kami ang magulang mo kung puro ganun ang nakakarating samin. Bakit di ka kasi mag aral ng mabuti..puro ka laro kaya walang pumapasok sa utak mo.!" Galit na sabi sakin ni mommy.

Hanggang ngayon sariwa sakin ang lahat ng mga nangyari nung bata pa ko kung paanong ikinakahiya nila ako sa harap ng ibang tao. Marami nga ang nagugulat na anak pala ako ng may ari ng isa sa pinakamalaking kompanya dito sa Pilipinas na may ibat ibang branch din sa ibang bansa. Ang Villacrusis Corporation. Kapag isinasama ko nila daddy lalo na pag wala si kuya. Dahil hindi naman alam ng lahat na anak nila ko dahil hindi nga nila ako madalas isinasama maliban na lang kung wala talaga si kuya.

After ng ilang minutong pagpapakalma sa sarili ko ay dumiretso na ko sa bathroom at naligo after that ay nag ayos na ko at bumaba. Nakasimple Black above the knee dress lang ako at naka 2 inch na heels dahil sasakit ang paa ko at hindi ko naman kailangan magsuot ng sobrang taas dahil matangkad na naman ako. Pagkababa ko ay nakita ko na sila mommy na nakaayos na at naghihintay na. Pinasadahan lang nila ko ng tingin at si kuya lang ang nagkomento sa itsura ko.

"You look lady - like little sis" sabi ni kuya na nakangiti at lumapit pa para alalayan ako.

"Thanks kuya." Sabi ko at ngumiti din.

Tumikhim naman si mommy at sinenyasan na ko na aalis na kami. Bago kami umalis ay lumapit muna sila kay kuya at niyakap at pinaalalahanan ito na para bang ngayon lang sila mahihiwalay dito. At talagang nagaalala sila.

Ganun lagi ang nangyayari sa tuwing si kuya ang di makakasama pero pag ako dedma lang si kuya lang ang lalapit at magpapaalala sakin habang sila mommy naman ay nasa labas na at naghihintay sa kanya.

Habang tinitingnan ko silang magkakayakap nakakalungkot isipin na ako lang talaga ang panira sa maganda nilang pamilya. Para akong stain na nagpapapangit lang sa magandang imahe nila.

After nang paalaman nila ay umalis na kami.

Habang nasa sasakyan ay kinausap ako nila daddy.

"Sana wag kang gumawa ng kahit na ano ngayon Tiffany." Sabi ni daddy na nasa driver seat.

"Oo nga at magbehave ka hanggang sa matapos alalahanin mo na malalaking tao ang makakaharap mo at ayaw kong may masabi silang masama about sa pamilya." Sabi naman ni Mommy na nasa passenger seat katabi ni daddy.

"Opo" tipid na sagot ko na napayuko na lang.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganyan ang sinasabi nila well kasi puro problema na lang daw kasi ang dinadala ko sa kanila kaya sa tuwing ako ang kasama nila yan ang laging sinasabi nila..

Hindi na ko nagugulat sa kanila dahil ako lang naman si Tiffany Sky Villacrusis, 17 years old, a first year Information Technology student . Ang glitch sa magandang sistema ng pamilya. Ang nagiisang taong may kakayahang ipahamak at ipahiya ang pangalan namin. Ako lang yon. Ako lang.

Ang nagiisang taong nakakasira sa magandang image nila as a family. Kasi puro kapalpakan na lang ang ginagawa ko eh. Mukhang kahit gumawa ako ng maganda iyon na rin ang nakatatak sa utak ng mga magulang ko. Nakaukit na sa isip nila na wala akong gagawin kundi sirain ang iniingatan nilang magandang imahe at pangalan.

I will always be that kind of person in their heart and in their mind at mukhang hindi ko na mababago yun kahit kailan. At hindi yata sasapat ang lahat ng bagay na gagawin ko para mapalitan ang tingin nila sakin dahil gaano ko man pagbutihan at pag igihan ang lahat ng bagay na ginagawa ko ganun pa rin ang tingin nila sakin.

Mahirap iplease ang mga taong sarado na ang isip para sayo. Kaya tumigil na rin akong sumubok na kuhanin ang loob nila kasi alam kong wala naman patutunguhan. Magkakasya na lang siguro ako na napapansin kapag wala si kuya, kapag di pwede si kuya at kailangan nila ng substitute. Masaya na ko don kasi kahit papaano di ba mukha pa rin akong parte ng pamilya nila.

Kahit na ganun lang masaya na din ako atleaste may lugar pa rin ako sa pamilyang ito. Kahit maliit lang...

 Second OptionWhere stories live. Discover now