"Kaia! Kaia! Wake up!"
"Okay yaya, but pwede bang limang minuto pa, please." sabi ko habang nagkukusot ng mga mata.
"Hindi pwede kanina pa may naghihintay sayo sa baba." halatang naiinis na sakin yung katulong namin kasi palakas nang palakas yung pagkatok nya.
"Okay ito na." I said while walking towards the door.
"Kaia, maligo ka na. Ako na magliligpit nyang higaan mo!" sabi nya tsaka umirap sakin.
"Ok, but pwede bang sa susunod wag mo na akong iirapan. Kundi tatanggalin ko yang mga mata mo." mataray kong sabi tsaka umalis nang kwarto ko at bumaba papunta sa sala.
"Goodmorning sa pinaka maganda kong pinsan, kahit ang totoo naman ang panget nya. Hahaha." ang aga-aga naman nakita ko agad yung mukha nung pinsan kong parang uranggutan hahaha.
"Goodmorning din pinsan kong parang uranggutan hahaha."
"De wow." sabi nya tsaka tumayo.
"Asan pala sila Mama?" I asked him.
"Umalis kasama yung kuya mo, mabilis lang daw sila kaya hintayin na natin sila." sabi nya tsaka naglakad papuntang kusina.
"Ehem. Ano gagawin mo jan?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay at nakapamewang
"Wala kang galang ah. Hindi mo ba nakikita na kakain ako?" ay oo nga pala mas matanda sya sakin ng 2years.
"Edi sorry po hahaha."
"Sasama ba si Enzo?" tanong sa akin ni Kuya Romu.
"Ewan. Makakainin na nga din." sabi ko sabay upo sa tabi ni Kuya Romu.
"Kaia sure ka ba na sasama ka?" tanong nya sakin tsaka sumubo.
"Yes naman. I'm prett—sure na sasama ako." confident na sagot ko tsaka kumuha ng bacon at black rice. Black rice kasi, dahil hindi yun nakakapag-pataba.
"Hahaha. Loko ka ah. Pagtapos mo jan maligo ka na sure ako na malapit na sila Tita."
"Saan ba sila pumunta?" tanong ko tsaka sumbo na ulit.
"Unli ka ba?"
"Wala nga akong load eh." sabi ko sabay irap.
"Hindi yun. Uto kang bata ka ah. Kahit kaialn talaga napaka pilosopo mo."
"Ano naman?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Wala lang. Tinanong mo na kasi kanina kung asan sila Tita eh." sagot niya sabay kamot sa ulo.
"Ahay! May kuto ka siguro." seryoso kong saad.
"Hahaha. Kahit kailan talaga may pagka-baliw ka."
"Edi wow. Hindi ako baliw. Slight lang hahaha." sabi ko tsaka na tumayo.
"Ang bilis mo namang kumain." sabi ni Kuya Romu.
"Ikaw lang naman mabagal kumain. Bye na nga maliligo na ako." sabi ko. Nang papa-akyat na sana ako sa hagdan bigla ko namang narinig yung busina nung kotse ni Papa. "Uy! Anjan na sila."
"Oo nga nuh." sabi ni Kuya Romu.
"Yaya pwede bang ikaw na yung magbukas nung gate. Maliligo na po kasi ako." sabi ko kay Yaya.