Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 3

33K 1K 151
                                    

Chapter 3

Tahimik ang buong classroom namin dahil kakaunti pa lang ang pumapasok. Lahat ay tahimik at nakadukdok sa reviewer o libro dahil may quiz kami para sa first subject. Ang tanging maririnig lang ay ang ugong ng aircon at mahihinang mga bulong dahil sa mga nagkakabisa. Bahagyang makulimlim sa labas dahil sa nagbabadyang ulan.

"Cy, nag-review ka ba?"

At bakit ko ba nakalimutan na may isang maingay sa classroom?

Napatingin ako kay Chester. Tumango ako, nagsisimula nang mairita sa kaniya. He smiles at me na para bang sa pamamagitan ng ngiti niya, makukumbinsi niya akong pahiramin siya ng reviewer.

Tinitigan ko lang si Chester kaya agad siyang sumimangot.

"Sige na, Cy!" Sabay arte niya pa at pagpapa-cute na agad na ikinangiwi ko.

Ang kulit talaga ng unggoy na 'to.

Inirapan ko siya at iniabot sa kaniya ang isa sa mga papel na hawak ko. Chester immediately smiles. Kinuha niya mula sa 'kin ang papel bago umupo sa tabi ko at mabilis na binasa ang mga nakasulat do'n.

Ten minutes na lang bago magsimula ang klase. Sa ganitong oras kadalasan dumadating ang mga kaklase ko. Ngayon lang naging maaga si Chester dahil kadalasan ay thirty minutes late siya sa klase. Parehas sila ni Eli. Alam niya sigurong hindi siya ipapasa ng teachers namin kapag ibinagsak niya ang lahat ng paperworks.

"Sa susunod hindi na ako manghihiram sa 'yo," sabi ni Chester, tumatawa. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Lilipat dito 'yong pinsan ko."

"Pinsan?"

Hindi ko alam na may pinsan pala si Chester. Hindi naman namin napagkukuwentuhan.

Tumango si Chester. "Matalino 'yon kaya hindi ako mamomroblema," aniya sabay tawa.

This parasite.

Pero July na. Bakit ngayon lang papasok ang pinsan niya? O baka umalis sa dating school at lumipat matapos mag-aral do'n ng isang buwan?

Si Chester ang lalaking best friend ni Eli. Naging close rin kami dahil palagi kaming magkakasama. Pare-parehas kaming engineering ang gustong kunin sa college kaya magkakasama kami sa iisang strand at klase.

"Saka mabait. Hindi nang-iirap," mayabang na sabi ni Chester habang nakangisi.

Mas lalong napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Parang ayaw ko nang magpahiram," mabilis kong sinabi na agad na nagpahalakhak sa unggoy.

"Chill, Cy!" tawa ni Chester.

Tulad ng inaasahan, unti-unti nang napuno ang classroom dahil sa pagdating ng mga kaklase ko. Ang iba, mabilis kaagad na nagbuklat ng libro para mag-review. Ang ilan, tinulungan ang mga kaibigan nilang mag-aral.

"Cy," tawag ni Chester at naabutan ko siyang nagkakamot ng ulo dahil sa kalituhan. "How did you get this?" tanong niya habang nakaturo sa isang equation sa papel ng reviewer na ipinahiram ko sa kaniya kanina.

Pansamantalang napunta sa pagtuturo kay Chester ang atensyon ko. Nang mabilis niyang nakuha ang itinuro ko, lumingon kaagad ako sa pinto para pagmasdan kung sino-sino na ang mga pumapasok, inaabangan si Eli.

When I see the familiar textured, messy spikes hairstyle, I unconsciously bite my lip because of expectation. Si Eli!

Ni-re-ready ko na sa utak ko ang sasabihin at iniisip ko na kung paano ako ngingiti. Ah. And I shouldn't avoid his gaze. Pero nawala ang lahat ng nasa isip ko at ang lahat ng ngiting hinanda ko nang makita kong may nakakapit sa braso niya.

Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon