CHAPTER 10

736 12 0
                                    

CHAPTER TEN

“Shhhsss, I want you Amber- but, I know this not yet the right time. I’m so sorry. Let’s go! Baka hindi na talaga ako makapagpigil kung mananatili tayo dito.”
Bumalik sila sa Hardin na bitbit ang mga Wine Glass nila na may laman parin. Lahat napako ang tingin sa kanila na may mga mapanuksong ngiti sa mga labi.
Tumayo ang Papa niya at lumapit sa Microphone.
“Everybody is invited to come this end of month for the wedding of my daughter and soon-to-be son-in-law, Axell Ace Dominguez.”
Lahat ng naro’n ay mga nakanganga sa agarang announcement ng Papa niya.
“Pa?!” salubong niya sa ama pagkaupo pa lamang nito.
“Bakit pa natin patatagalin? Matagal na akong naghihintay ng apo, Anak.” Mukhang pinagkakaisahan yata siya ng Papa niya at ni Axell. Gusto tuloy niyang isipin na planado ang lahat.
“Ako rin!” Sabad ni Lola Esmeralda.
“Narinig mo yon, Love?” Nakangising tumitig sa kanya si Axell.
“May magagawa pa ba ako kung ang request ay nanggaling sa dalawang matanda?”
“Oh, bad word! Hindi pa kami matatanda!” Lola Esmeralda smirked.
Nagtawanan na lamang sila.
Bago umakyat ng kwarto ay ipinatawag siya ng Papa niya.
“Congratulations ulit Anak. Anyway, this is my gift for you.” Inabot sa kanya ang susi ng Sasakyan at isang Brown envelope na dagli lang niya pinasadahan ng tingin ang laman. It was her new Birth Certificate na nagsasaad na pinalitan na ang apelyido niya; dala-dala na niya ang apelyido ng ama.  Dahil sa kaligayahan ay niyakap niya ang Papa niya at mabilis na tumakbo patungong garahe.
Ang nakaparadang sasakyan malapit sa gate ang tumunog nang pindutin niya ang remote na kasama ng susi.
Hindi niya akalain na para pala sa kanya ang bagong sasakyan. “Tapos nang i-road test yan kaya pwede mo ng gamitin anytime.”
“Thank you Papa. Sobra-sobra na pong regalo ‘to. Hindi naman po ako humihingi ng mamahaling regalo eh.”
“I know anak, but you deserve morethan this at hayaan mong ibigay ko sa’yo lahat ng bagay na gusto kong ibigay.”
“Salamat ‘Pa.”
Kinabukasan ay maagang sinadya ni Amber ang ina sa sariling kwarto nito.
“Good Morning sa maganda kong Nanay!”
“Ang aga mo yata.” Humihikab pa ang Nanay niya habang nakabuka ang mga braso para salubungin ang yakap niya.
“Namimiss lang kita Nay,”
“Kuuu, nag dra-drama ang anak ko. Ano yan, pre-wedding syndrome?” Biro nito habang ginugulo ang buhok niya.
“Nay naman eh, alam mo naman na dati sa bahay nakikita natin ang isa’t- isa, halos oras-oras pa nga kasi maliit lang ang bahay natin pero dito kahit magkasama tayo parang sa kusina nalang yata tayo nagtatagpo.”
“Hayaan mo na basta alam natin na nasa malapit lang ang bawat isa sa atin. Mag-aasawa ka na anak. Iiwanan mo na ang Nanay,” nag iba ang tono ng boses nito.
“Nay naman, h’wag mo naman ako palungkutin. Hindi naman kita iiwanan eh. Magkakasama parin tayo dito. Teka nga pala, may regalo ako sa’yo.” Lumabas siya ng kwarto at bumalik din agad.
“Para ‘to sa’yo Nay.” Inabot niya ang isang maliit na kahon.
“Ano naman ‘to? Anong meron at may parega-regalo kang nalalaman?”
“Diba pumasa na ako kaya nireregaluhan kita kasi hindi naman ako makakarating sa ganitong estado kong hindi dahil sa’yo. Ang tagumpay ko ay tagumpay mo rin Nay. Congratulation Nay! Para sa pagiging mabuting ina at ama sa akin sa maraming taon na lumipas. Mahal na mahal po kita. Kulang na kulang pa ‘tong regalo ko sa mga sakripisyo mo sa akin.”
“Salamat ‘nak. At bakit naman relo ang naisipan mo?”
“Para po lagi mong maalala na lahat ng oras na ginugol mo sa akin ay ginto ang katumbas no’n para sakin.”
“Mahal na mahal din kita anak. Kaligayahan mo lagi ang ipinapanalangin ko. At bigyan niyo agad ako ng apo, hah?” Humagikgik ito pagkatapos ibulong sa kanya ang mga huling sinabi.
“Pero sa ngayon ikaw muna ang baby ko.” Mahigpit siya nitong ikinulong sa mga bisig.
Bandang alas singko y medya ng hapon ay pumunta si Amber sa opisina ng Ama. May inutos kasi itong Document na nakalimutan daw iuwi. Total nasa malapit lang siya ay nag volunteer siyang siya nalang ang dadaan sa opisina.
“Saglit lang ako Kate. Dito ka lang muna ha?” Tumango lang ang kaibigan na busy sa kakapanood sa YouTube habang panay ang nguya ng French Fries.
Nagtaka siya at hindi nakalock ang pinto. Iba ang nararamdaman niya kaya agad na tinawagan ang ama para sabihing naiwanan nitong hindi nai-lock ang Opisina.
Bago pa niya maka-usap ang ama ay may mga kamay nang tumakip sa bibig niya at may malamig na bagay ang nakatutok sa sentido niya.

“Kontrabida ka talaga kahit kelan noh? Panira ka lagi sa mga plano kong punyeta ka! Dati muntik-muntikan mo na rin akong mahuli. Lalo mong sinisira ang plano ko! Pero mukhang pabor na rin sakin ‘to kasi nalaman kong si Sergio pala ang tunay mong ama kaya tiba-tiba ang makukuha kong ransom!
“Sundin mo lahat nang iuutos ko! Aalis tayo dito at wala naman ang lintek na Documents na kelangan ko! Ngayon, maglakad ka ng normal na walang makakahalata. Kunwari sweet lover tayo,kapag may ginawa kang hindi maganda, sasabog yang utak mo dito sa pasilyo. At uubusin ko lahat ng mahal mo sa buhay, naiitindihan mo ba?” Dinala siya ng Lalaki sa parking lot ng building na walang nakahalata. Dumaan pa sila malapit sa sasakyan niya pero hindi manlang sila nakita ni Kate.
Mayamaya ay nag ring ang phone niya at minanduhan siya ng lalaki kung ano ang sasabihin.
“Hello Kate. Ikaw na ang magmaneho ng sasakyan ko at sasabay na ako kay Axell pauwi. Overtime siya kaya mayamaya pa kami makakauwi.” Pinigilan niyang hindi pumiyok para hindi mahalatang nanginginig siya.
“Masunurin ka naman pala.” Mala-demonyong ngumisi ang lalaki sa kanya. Gusto na tuloy niyang maniwala na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot dahil sa kakaibang ikinikilos nito.
“Hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo--- kaya kung ako sa’yo, ititigil ko na ‘to.”
“Kung pasabugin ko ngayon na mismo yang bungo mo masasabi mo pa bang hindi ako magtatagumpay?”
Halos paliparin ng lalaki ang sasakyan nito. Ilang beses itong nag overtake sa malalaking truck at wala rin itong pakialam kung pa-ekis-ekis na ang takbo ng sasakyan nito. Lumagpas na sila sa NLEX pero hindi parin tumitigil ang lalaki.
“Patayin mo na ako ngayon! Kapag binuhay mo ako lalo ka lang hindi magtatagumpay!”
“Bobo ka ba? Paano ako magkakapera kung papatayin agad kita? H’wag kang mainip, kapag nakuha ko na ang ransom mo pwede na kitang ipakain sa mga buwaya o kaya sa mga uod!”
Nag ring ulit ang telepono niya, but this time, Ang Ama niya ang tumatawag.
“Tulad nang inutos ko sa’yo kanina sabihin mong kasama mo si Axell!” Pagkatapos niyang mag salita ay agad na inagaw ni Zandro Ang telepono niya at initsa iyon sa Dash Board.
Hindi niya mawari ang inaasal nito. Matagal na niyang naririnig sa opisina na mukhang may problema daw ito sa pag-iisip simula nang mamatay ang ama nito. Pinanindigan tuloy siya ng balahibo. Pano nalang kung bigla siyang gilitan sa leeg ng lalaki?
Nasa ganoong siyang pag-iisip nang biglang magsalita si Zandro. “Kung alam ko lang na isa ka pala sa taga-pagmana ni Sergio sana noon pa kita pinakinabangan. Ang tanga din kasi ng ama mo na pinagkatiwalaan ako ulit. Hindi niya ako maiisahan! Ipaghihiganti ko ang pag pabagsak niya sa angkan namin!” Pinukpok nito ang manibela at humalakhak ng napakalakas. Napahalukipkip siya dahil sa nerbiyos. Patuloy ang tahimik niyang pagdarasal na sana  mahimasmasan ang lalaki at ibalik nalang siya nito sa Opisina.
Malapit ng dumilim nang sapitin nila ang isang lugar sa Bulacan.
“Nakikita mo ba yang malalim na tulay na yan, hah?! Kapag napatay na kita diyan ko ihuhulog ang bangkay mo!” Nanlilisik ang matang bumaling ito sa kanya.
“Maganda ka pala! Kaya naman pala hindi ka na pinakawalan ng inakalang mong kapatid na si Axell! Pero bago ka niya matikman gusto kong ako muna. Mag e-enjoy ka Amber…” nanindig ang balahibo niya nang pagapangin nito ang kamay sa tuhod niya. Gusto niyang tabigin ang kamay nito at pagsasampalin pero hinayaan niyang gawin nito ang gusto para hindi mahalatang pinag-aaralan niya kung paano takasan ang lalaki.

Halos labing-limang minuto pa silang bumiyahe bago sila pumasok sa isang masukal na daan at ihinimpil ang kotse nito sa isang Bongalow style na bahay. Naaaninag niya pa ang paligid kaya alam niyang malayo iyon sa karamihan. Ang tanging nakikita niya ay ang malawak na talahiban.
Lumapit ang lalaki sa kanya at ikiniskis ang mukha sa pisngi niya. gusto niyang maduwal sa pinaggagawa ng lalaki. Gusto niyang sipain ang pagkalalaki nito para makatakas pero alam niyang malabo iyon. Hindi niya kakayanin ang lakas ng lalaki. Malaking tao kasi ito at kayang-kaya siyang ibalibag. Kelangan niyang pag-aralan ang kilos ng lalaki at i-familiarize ang lugar.
“Bago kita tikman gusto kong mag-inuman muna tayo.” Lumakad ang lalaki papuntang kusina. “Tulungan na kita.” Sumunod siya sa lalaki.
“Kanina pa ako nauuhaw, pwedeng painom?” Itinuro sa kanya ng lalaki ang cupboard kung saan naroon ang mga baso. Lumipad ang mata niya sa mga spices. “Ikaw nalang ang magdala ng wine glass.” Utos ng lalaki.
“Saluhan mo ako Amber.” Inilapag nito ang alak sa center table sa sala at nagsimula nang magsalin sa baso. “Ayoko. Mabilis kasi akong makatulog pag umiinom kaya wala na akong lakas no’n, hindi natin ma-eenjoy ang gabi natin.” Mapang-akit na tiningnan niya ang lalaki pero sa loob-loob niya gusto niyang putulin ang pagkalalaki nito dahil sa kamanyakan.
“Ikaw ang bahala.” Kinuha ng lalaki ang sigarilyo nito sa bulsa at nag sindi. Tiniis niya ang mabahong usok no’n. Alam niyang malaki ang maitutulong ng sigarilyo sa binabalak niya.
Limang bote na ng Beer ang nakita niyang walang laman nang magpaalam ang lalaki na iihi lang.
Inilapag nito sa Ashtray ang may sinding sigarilyo at iniwan sa katabi ang cellphone niyang naka-off. Hindi niya alam kung lowbatt na iyon o hindi parin binubuhay ng lalaki.
Mabilis ang kilos niyang kinuha ang naipong Upos ng sigarilyo at bawat bote ng beer na binuksan ng lalaki ay pinatakan niya ng abo no’n saka inilabas ang isang panghalo sa pagluluto na palihim niyang isinuksok sa Bra niya kanina. Alam niyang masama ang ginagawa niya pero ito lang ang makakatulong para makaligtas siya.
Nanginginig pa ang kamay niya kaya muntik na niyang masagi ang bote. Mabuti nalang nahawakan niya agad iyon. “What happened?” lalo siyang namutla dahil sa gulat.
“Are you alright? Tumango lang siya.
Para siyang tanga na nakatulala nang hawakan na ni Zandro ang bote ng Beer.
“Sa akala mo ba malilinlang mo ako? Hindi ako kasing tanga mo Amber! Hindi mo ba alam na ang tanga-tanga mo? Ang tanga mong maniwala na papakasalan ka ni Axell dahil mahal ka niya? Para sabihin ko sa’yo, papakasalan ka niya dahil sa kagustuhan niyang mapunta sa kanya ang buong pamamahala sa Company! Hindi mo pa ba halata na kaya siya matagal na hindi nagparamdam sa’yo kasi pinag-aralan niyang maigi kong paano kayo mauuto?! Pareho lang kami ni Axell na ganid, ang kaibahan nga lang, ako ipinaalam ko na agad kung ano ang gusto ko!”
“Tama na! wala akong pakialam sainyong dalawa! Sainyo na ang kompanya pakawalan mo lang ako! Hayop ka!” Kapwa sila natigilan nang may marinig silang kalabog.
“At mas lalong hayop ka! Manloloko!” Agad na sinugod ni Amber ng pinagsamang sampal at tadyak si Axell. Samantalang tulala naman ang binata na walang idea sa ipinagkakagano’n ni Amber.
“O, kumusta mahal kong kambal! Nagulat ka ba na ngayon lang ako nagparamdam at buhay parin ako? Sisihin mo yang hayop na tatay-tatayan mo na masyadong nagmamagaling! Siya ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak tayo. Inagaw niya si Mommy sa Daddy natin! Hindi mo pa ba naiintidihan ang lahat? Sinira ng hayop na Mr. So na yan ang buhay ni Daddy at ang negosyo ng angkan natin! Kaya pagbabayarin ko ang Hayop na yan!” Parang baliw ito na nanlilisik ang mata habang nakatingin sa Papa niya. Alam na alam ni Axell na lahat ng sinabi ng lalaki ay pawang kasinungalingan. Simula’t pagkabata ay alam na niya ang totoong kwento ng buhay nila.
Anim na taong gulang pa lamang sila noon ni Zandro nang biglang magpakita sa kanila ang Daddy Roberto nila para kunin ang custody nila kahit isa lang sa kanila ni Alexzandro. Umabot iyon sa korte pero sa bandang huli ay nanalo sa kaso ang Mama nila dahil sa masamang record ng Daddy nila. Simula kasi nang bumagsak ang negosyo nito dahil sa pagkalulong sa sugal ay natuto na itong gumawa ng mga illegal activities. Lingid sa kanilang kaalaman ay may masama na pala itong binabalak, hanggang sa isang araw ay napansin nalang nila na nawawala si Zandro at ang Yaya nito. At si Roberto ang Suspect. Tinangay nito si Zandro at dinala sa America. After Eighteen Years, lumitaw si Zandro sa libing ng Mama Rosemarie nila. He changed a lot. From a sweet and loving child turn to a rebellious man. Na brainwash na malamang ito ng Daddy Roberto nila at mga kapamilya.
Dahil sa pagkatigagal nilang lahat ay sinamantala iyon ni Zandro. Walang humpay nitong pinakawalan ang bala ng baril nito.
“Ammmmberrrr! Anakkkk kooo!”
Palahaw ni Carina habang unti-unting bumabagsak sa sahig ang katawan ng anak. Hanggang sa unti-unti nitong ipinikit ang mga mata.
“Anak ko…” wala sa sariling dinapot nito ang baril na nasa lapag. “Kasalanan mo ‘to! Papatayin kita!” Pero bago makalabit ni Carina ang gatilyo ng Baril ay naunahan na siya ni Zandro. Itinutok nito ang sariling armas sa sentido at kinalabit iyon. Duguan itong bumulagta sa sahig.

In Your Arms (To Be Published Under BOOKWARE Pub. Corp.)Where stories live. Discover now