EPILOGUE

1K 17 0
                                    

EPILOGUE
Napaka-aliwalas ng paligid. Tumingala sa langit si Axell at nakita niya ang kulay asul na kalangitan at mapuputing ulap. Ang payapa ng kalangitan; kabaliktaran ng nararamdaman niya ngayon.
Isang matamis na ngiti at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ilapag ang Puting Rosas sa puntod. Papaupos na rin ang kandilang sinindihan niya. Paalam at patawad. Ang daya-daya mo. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataong makasama ka nang matagal. I love you. Sana masaya ka na kasi kapiling mo na si Mama at si Daddy. Sorry kung sa tingin mo masama ako. 
Goodbye…
Hindi mapigilan ni Axell na mamalisbis ang mga luha sa mata niya.

“Ano ba yan! Mukhang naubusan pa tayo ng Gaas! Naku, mali-late pa yata tayo. Tawagan mo na lang kaya si Axell!”
“Eh, paano pa iyon masu-surprise kung sa kanya tayo hihingi nang saklolo?”

“Oo nga no? teka, start ko ulit ang makina, baka pwede pa tayong makarating sa pinakamalapit na Gasoline Station.”
Inulit ni Carina na paandarin ang sasakyan at nagtagumpay ito. “Tanggapin mo na kasi yong inireregalo sa’yo ni Papa na kotse. Mukhang matanda pa yata sa Lola itong Owner eh.”
“Marami kasi kaming memories ng Papa mo sa sasakyang ‘to. Siya, ako, si Adjman at si Rosemarie, ito ang service namin noon sa galaan. Hindi ko nga akalain na naitabi niya pa pala ito.”
“Kinikilig ka na naman ‘Nay.”
“Habang-buhay akong kikiligin sa iisang tao-at iyon ay sa ama mo lang.”
“Sus, mukhang uunahan niyo pa kaming magpakasal ni Axell eh, how about double-wedding?”
“Double-Wedding? Why not choknut!” Kinikilig si Carina kaya wala sa sariling nahampas nito ang busina ng Sasakyan.

Malayo palang sila Amber ay tanaw na nila si Axell na naglalakad papunta sa sasakyan nito. “Bilisan mo Nay, mukhang paalis na si Axell.”
“Oo nga… AXELLLLL!!!” Malakas na sumigaw ang Nanay para matawag ang pansin ng lalaki.
Mabilis na naglakad palapit sa kanila si Axell na takang-taka. Pinipigil nitong hindi mapatawa nang tuluyan na itong makalapit sa kanila. “At bakit naman kayo naka-Maskara?”
“Kilala mo na agad kami?” Tanong ni Amber.
“Sino ba ang hindi makakakilala sainyo e, mata lang naman ang tinakpan niyo. Paano niyo nga pala nalaman na nandito ako?”
“Sinabi ni Papa na dadalawin mo daw ang Puntod ni Mama Rosemarie, Papa Roberto mo at ni Zandro.”
“Ikaw, hindi mo ba itatanong kung bakit nandito kami?” pangungulit ni Amber.
“Bakit nga ba?”
“Happy Birthday!” Duwelo nila ng Nanay niya.
“Diyan nga muna kayo at kukunin ko muna yong pagkain sa sasakyan.” Sumunod parin kay Carina ang dalawa para tumulong magbuhat.
“O siya, maiwan ko na kayo at may sarili din akong date.” Mabilis na tumalikod si Carina at naiwan silang natatawa sa pagmamadali ng ina.
“Bakit dito mo nga pala ako naisipang i-surprise? Ang dami namang romantic place ah, sa sementeryo pa talaga.”
“Kasi, gusto kong i-celebrate natin ang pinakamahalaga mong araw sa harap ng family mo. Kahit wala na sila, gusto kong iparamdam sa kanila na habang-buhay silang mahalaga sa akin kasi binigyan nila ako ng mapapangasawang mabait at matalino.”
“At higit sa lahat, gwapo.”
“Sobrang gwapo. Pinakagwapo!” Nanggigigil na kinurot ni Amber ang pisngi ni Axell at saka kinuyumos ng mainit na halik.
“Love, two weeks nalang kasal na natin. H’wag mo muna akong gahasain dito,” hinampas niya sa balikat ang lalaki na hindi manlang umilag bagkus ay hinuli siya nito at nagpagulong-gulong sila sa banig na inilatag nila kanina sa Bermuda Grass.
“I love you Amber. Thank you so much sa surprise and Happy Birthday too. Saka ko na ibibigay ang regalo ko sa’yo.”
“I love you too…forever and ever. At h’wag mong isipin ang regalo na yan. Ikaw lang sapat na.” Nahuli niyang titig na titig sa kanya si Axell.
“Bakit?”
“Ahmm, naalala ko lang no’ng nakidnap ka ni Zandro. Akala ko naniwala ka na sa mga pinagsasabi niyang niloloko at ginagamit lang kita. Salamat na mas pinaniwalaan mo ako,”
“Ano ka ba, palabas lang yong kunwari galit na galit ako sa’yo para sana i-distract siya kaso mukhang tayo ang naisahan dahil sa rebelasyon niya.”
“Matagal ko ng alam ang lahat.”
“Pero ang layo ng mukha niyo,”
“Hindi kasi kami Identical twin. Kahit hindi man kami magkamukha hindi parin maitatanggi na iisa ang pinanggalingan namin. And I love him very much kaya nalulungkot ako na sa gano’n siya humantong. Anyway, let’s forget about it. Hayaan na nating mamahinga ang kaluluwa niya. At kumain na tayo future Misis ko.”
“Kakain na tayo?”
“Magkainan na tayo.” Pilyong humalakhak si Axell. Bago nila inumpisahan ang masayang Lunch Date ay hinayaan muna nila ang mga sariling namnamin ang matamis na labi ng isa’t-isa.

The End…

🎉 Tapos mo nang basahin ang In Your Arms (To Be Published Under BOOKWARE Pub. Corp.) 🎉
In Your Arms (To Be Published Under BOOKWARE Pub. Corp.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon