Red flavor

1K 85 129
                                    

052718
Red flavor
Irene x Seulgi

***

"HINDI talaga ako natutuwa, Kang Seulgi," Mataray na saad sa akin ng girlfriend ko. Nakataas pa ang kilay nya sa akin kaya naman napangiti ako ng alanganin. O…kay? Nakakatakot na naman ang mukha nya, nagsusungit na naman sya. "Nakakuha ka ng F? Oh my gosh, hindi ganyan ang ineexpect ko sa'yo ha!" Inis na saad nya sa akin at umupo sa harap ko. Dumikwatro sya at mataman na tinignan ako. Hindi ko sya matignan ng maayos since alam ko na umaapoy ang mga mata nya.

Pinagpapawisan na din ako ng malagkit dito dahil kinakabahan ako sa mga titig nya. Mahahalata mong inis talaga sya. Napabuntong hininga naman ako dahil naiintindihan ko naman sya. Nadisappoint sya sa akin. Akala nya okay ang pag-aaral ko ngunit eto na nga. May bagsak ako.

Ano bang magagawa ko? Eh kulang ang oras ko palagi. Nagaaral ako para sa ibang subject at hindi ko nahahati ang oras ko. Idagdag mo pa na working student ako kaya naman wala ng oras para sa subject na yon. Nagsisisi ako ngayon na hindi ko binigyan ng pansin ang subject na yun dahil eto na nga, bumagsak ako. At galit sa akin ang girlfriend ko.

Napatitig ako sa labi nya nang hindi na sya magsalita. Hindi ko alam pero napalunok ako ng wala sa loob nang masilayan ko ang mapula at malambot nyang labi. Eto na naman ako, gusto ko na naman syang halikan.

Aminado naman akong adik ako sa labi nya.

Pero alangan namang manghingi ako sa kanya ng halik ngayon? Ngayon na galit na galit sya sa akin at naiirita sa grades ko? Baka mapalabas nya ako ng apartment pag nagkataon.

"Bakit mo ba tinititigan ang labi ko?" Inis na tanong nya sa akin at nagcrossed arms, napatingin naman ako sa mata nya dahil sa sinabi nya at ngumiti lang sa kanya. Alangan namang sabihin ko na gusto ko syang halikan ngayon. Uulitin ko, baka mapaalis nya ako ng wala sa oras. "At pwede ba wag mo akong ngitian ng ganyan, inis pa ako ha!" Masungit na sabi nya kaya naman napangiti ako lalo. Alam ko naman na hindi nya ako matitiis. Inis sya sa akin pero hindi nya ako kayang balewalain.

"Bakit? Ano bang meron sa ngiti ko?" Natatawang tanong ko. Ayoko naman kasi na masyadong seryoso ang usapan namin. Naiintindihan ko na galit sya. Pero I swear, babawi ako. I'll make her proud. I swear.

"Manahimik ka nga. Sinasabi ko sa'yo wag kang ngingiti, hindi mo ko madadaan sa ganyan ganyan mo!" Mataray na sabi ulit nya pero napansin ko naman na pinipigilan nya ang pag-ngiti nya. I just shrugged. Hindi ko daw sya madadaan sa ganito, pero napapangiti na sya. Nako, Irene. Ang cute cute mo talaga lalo na pag naiinis ka.

"Sige, sabi mo, eh." I chuckled, sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga. Nagseryoso na ako dahil alam kong seryoso din ang topic na 'to. Grades ko 'to, kinakabukasan ko. Pag hindi ko inayos 'to at bumagsak ako sa finals, uulit ako. Ayoko naman 'non. Bukod sa nakakahiya na, waste of time pa.

"Sorry, baby." I sighed, tinignan ko sya at nakita kong seryoso lang din sya na nakatingin sa akin. But unlike kanina, hindi na nakakunot ang noo nya. Mas kalmado na sya ngayon. "Sorry kung wala akong kwenta, kung bobo ako—"

"Hey. Don't say that." Agad nyang putol sa sinasabi ko, pansin ko na mas kumalma na sya at ramdam ko ang awa nya sa akin. Maybe strikto talaga sya, pero alam ko naman na para sa akin ang pangaral nya. Nainis sya sa akin dahil concern sya. Hindi dahil galit talaga sya sa akin.

Ramdam ko na naglakad sya papunta sa akin. Tumabi sya at kinuha ang kamay ko na nakalagay sa hita ko, "Hindi ka bobo. May kwenta ka, Seulgi." Masuyong sabi nya habang hinihimas ang kamay ko, "Siguro nagkulang ka lang ng kaunti pero hindi iyon sapat na dahilan para matawag kang walang kwenta at bobo. Nagtatrabaho ka din, hindi ka lang nag-aaral. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. Oo, nadisappoint ako. Nagalit ako nung una dahil naisip ko, paano kung bumagsak ka? Paano 'yung kinabukasan mo? Uulit ka ba? Naisip ko yon at nainis ako dahil concern ako sa'yo. Pero hindi ibig sabihin 'non na iniisip ko na bobo ka. Or wala kang kwenta."

Red flavor ¦ 슬린Where stories live. Discover now