Una (Revised)

37 2 0
                                    

Nagkakilala kami sa isang Event sa school, kung saan laban ng Basketball team namin nung time nayon.Varsity din ako,kaso badminton naman ang sa akin. So bilang kapwa ko mga ka-varsity sinusupportahan ko parin yung mga ibang sports samin. SCUAA ang tawag sa aming mga State Colleges na nagko-compete sa iba't-ibang school.

Habang nasa school ako naisipan kong maghanap ng mga ka-kapwa ko ka-varsity na manunuod sa laban ng Basketball ng makilala ko Siya.

Arnis Team siya, Matangkad, moreno at Gwapo din kung ti-titigan mo. Higit sa lahat ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay ang mga Mata niya na mala tsokolate na kahit hindi nasisikatan ng araw ay brown parin.

Nag kausap kami nung time na yon, at nagkayayaan. Kasama ang mga iba niyang teamates, Doon ko unang nakilala ang mga Arnis player. Nakakasabay namin sila magtraining sa Gym ngunit dahil bago palamang ako ay hindi ko sila masyadong kilala pa at nasa Training lang talaga ang atensyon ko non.


Pumayag silang sumama at manuod ng laban dahil akala namin ay may service kami. Pero akala lang
Pala namin yon dahil ang bus na dapat magiging Service namin ay ayaw ng umandar gawa ng medyo may kalumaan na ito. Kaya napagdesisyunan namin na mamasahe nalang.


Pumayag ang lahat na mag commute nalang maliban sa kanya. Dahil wala daw siyang dalang pera non at dala pa niya ang susi ng sasakyan nila.

Noong una na-isip ko may sasakyan naman pala ito pero bakit ayaw niyang gamitin? siguro nagtitpid ng gasolina? Hahaha.

Pero nung sinabi niyang kasama niya ang mga magulang niya ay nawala lahat ng mga nasa isip ko. Niyaya ko parin siya non para lang makasama siya hangga't sa iniwan niya muna ang susi sa magulang niya at sumama rin sa amin. At dahil wala nga siyang dalang pera ay nilibre ko siya.

Noong una, ang nasa isip ko lang ay ang makanuod ng laban kaso habang tumatagal nasasanay na ako sa presensya niya ni-hindi na nga ako na-i-ilang sa kanya. Siguro ay dahil masaya naman siya kasama.

Natapos ang laban at pabalik na kami ng school.  Nasa MRT na kami at dahil sa ginabi kami, inabutan kami ng Rush Hour kaya naman puro next train ang nangyare samin.

Ng makababa na kami ng Ayala at nag lakad papuntang Magallanes. Nagawa pa naming maghintay ng jeep na papuntang FTI para sana mas mabilis pero sa kasamaang palad puno lahat ng pasahero ang jeep kaya wala na kaming nagawa kundi ang maglakad.

Nang makarating na kami,
Sobrang sakit ng paa ko nun. Hindi ko naman kasi inakalang 1 1/2 kilometro ang layo ng Magallanes pa-Philsca tapos may takong pa yung pang pasok kong sapatos. Hindi ko tuloy alam non kung uuwi pa ba ako ng Cavite o sa Taguig nalang gawa nga na masakit na yung paa ko.

Hindi ko inaasahan na i-sasabay niya ako pauwi since pareho lang pala ang way namin. Nalaman ko na taga-Cavite din pala siya, ayun nga lang Kawit siya at Imus naman ako. Akala ko siya lang, pero kinabahan
ako ng malaman kong kasama niya pa pala ang mga magulang niya. Alam kong nasa school kanina ang mga magulang niya pero di ko inaasahan na nandirito parin kahit gabi na.

Clueless tuloy ako kung bakit kasama niya yung magulang niya sa school. Wala akong alam na ang mama pala niya ay isang Admin same as sa papa niya. Kaya noong nalaman ko yun sobrang kinakabahan ako.

Pero nagkamali nanaman ako sa conclusion ko dahil dalawa pala ang kotseng dala nila. Habang nasa byahe na kami, hindi ako mapakali kasi first time lang mangyare sa buhay ko ang ihatid ng taong kaka-kilala mo lang.

"Awkward"

Ayan yung nasa loob ng kotse niya. Hindi ko alam bakit nata-tameme ako nung gabing yon. Oo madaldal ako pero dahil sa kinakabahan siguro kaya hindi ko magawang magsalit at siguro hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Laking pasasalamat ko nlang ng may sumabay sa amin sa kotse niya. Isang kaibigan rin nila. Kaya naman kahit papaano
nagkakaroon parin ng mapaguusapan.


Masaya ako nung buong araw na yon, hanggang sa nagkahingian ng mga numero at nagkaroon ng communication. Hindi ako
Nag a-assume na may gusto na siya sa akin. Dahil na ta-takot ako.


Takot akong masaktan ulit.

LOVE (Not Your Ordinary Love Story)Where stories live. Discover now