Special

15 2 0
                                    

Binuksan ang mensahe upang ipahayag ang dapat sabihin,
Nag-isip, nakaisip, ngunit di alam ang gagawin.
Dapat ko pa bang sabihin, kung alam ko na ang iyong sasagutin?
Dapat ko pa bang ipagsigawan na mahal kita, kung una palang ay ipagtatabuyan mo na?

Mahirap makalimot , lalo na kung ikaw ay nililimot.
Mahirap magmahal, lalo na kung di kana minamahal.
Mahirap mag isip, lalo na kung di ka na iniisip.
Mahirap umasa, lalo na kung wala ng ka ng pag asa.

Dapat pa bang lumaban, para sa ikakaayos ng lahat?
Dapat pa bang ilaban, kung alam niyong para sa inyo rin ang lahat?
Gusto mong sabihin na miss na kita , ngunit para saan pa kung inuunahan kana ng kaba.
Gusto mong sabihin na mahal kita, ngunit para saan pa kung alam mong irereject kana.

Oo mahal kita kaya ako'y lumalaban.
Oo miss na kita kahit ako'y nahihirapan.
Gusto kitang yakapin, gusto kitang mahalin.
Gusto kitang halikan, gusto kitang makapiling.
Pero parang ang lahat ng yon ay mahirap ng abutin.
Lalo't na kung ang iyong pangarap ay inaabot din.

Mahirap makipagsabayan, pero gagawa parin ng paraan.
Gagawin ang lahat, para ika'y makapiling lang ulit.
Lagi mong tatandaan mamahalin kita hanggang sa huli,
Ako'y hindi susuko lalo na kung alam ko ay mapapasa akin ka muli.

Nandito lang ako laging maghihintay sayo,
Pumuti man ang uwak, titingin sa buwan, aasa parin para sayo.
Sana hindi ka bumitaw sa aking pag ibig na paulit ulit ipinapadama sayo, dahil ginagawa ko to para sayo.
Tayo'y itinadhana na magkita sa kakapiranggot na panahon, Ngunit nananalangin na sana tayo parin pagdating ng panahon.

Mahal ko , miss na kita

Para sayo Steven

LOVE (Not Your Ordinary Love Story)Where stories live. Discover now