Chapter 22: - decision -

491 10 3
                                    


A Nursery Rhyme, You are my Sunshine.

 

You are my Sunshine,

My only Sunshine

You make me happy,

When skies are grey.

You never know dear,

How much I love you.

Please don't take

My Sunshine away. : )

Haha. . I just love this song people.

Coincedence lang na parang kantang ito ang ginawa kong chemistry nina Soulen at Sunmi. :3

Enjoy po sa pagbabasa.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NAPASILIP sa labas ng bintana si Sunmi. Kitang-kita niya mula doon sina Soulen at Zion na may mahalaga yatang pag-uusapan. Hindi siya pinasali ni Soulen kahit anong pilit niya dahil mahalaga daw. Saka na lang daw siya nito sasabihan kapag natapos na.

Bumuntong-hinga na lamang siya. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Natitiyak niyang hindi nito sasabihin ang katotohanan. Pero dahil masunurin naman siyang multo, minsan, ay makikinig na lang siya dito.

NAPANSIN ni Soulen ang pag-silip ni Sunmi sa itaas mula sa silid niyang nasa ikalawang palapag ng bahay. Nakatanaw ito sa kanila at iniisip marahil kung ano ba talaga ang pag-uusapan nila ni Zion.

Naroon sila sa table set ng bakuran nila sa ilalim ng punong mangga na nakatanim sa bakuran ng bahay nila. Dinala niya si Zion doon para matanaw niya mula doon si Sunmi at masigurong hindi ito sumunod para makinig. May kinalaman pa naman dito ang pag-uusapan nila. Naglagay na siya ng maraming libro sa mesang katapat para kapag may makadinig sa kaniyang nagsalita ng mag-isa ay aakalain lang may binabasa siya.

Laging handa.

“Ano ang pag-uusapan natin?” tanong ni Zion sa kaniya.

Kinuha niya ang isang libro at binuksan yun sa tapat niya saka niya tiningnan si Zion na nakalutang sa ibabaw ng katapat na upuan.

“Tungkol sa katotohanang dapat akong mamatay kapag muling nabuhay si Sunmi,” seryoso niyang saad.

Hindi ito nagsalita na kumurap lang. Para bang hindi na ito nagulat na yun ang pag-uusapan nila. Parang alam na rin yata nitong alam niya ang bagay na yun. Marahil nong parang wala siya sa sarili.

“Nalaman ko ito dahil sa dybukk. Nakipag-usap siya sa akin at kusa kong nalaman ang katotohanang yun.” Aniya.

“Hindi ka galit sa akin dahil inilihim ko sayo?”

“Oo at hindi. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magalit sayo o hindi pero naisip ko rin naman na ginawa mo lang yun para mabalik ang balanse ng mundo kaya natatakot kang sabihin sa akin dahil baka gumawa ako ng paraan para hindi mabuhay si Sunmi.”

Sandali itong di sumagot. “Anong desisyon mo?”

Tumingin sa ibang deresksyon si Soulen. Hindi rin niya magawang sumagot.

Late Love; The Annoying Ghost (Complete)Where stories live. Discover now