chapter 3

10K 319 15
                                    

Chapter 3

Hindi ako nakapagmake up. Nagpulbo lamang ako at nagbihis ng simpling damit na nakita ko agad sa maleta. Isang simpling dilaw na dress ang naisuot ko. Iyun lang kasi ang sa tingin ko ay magiging komportable ako. May doll shoes din sa isang maleta kaya sinunggaban ko keysa maghills , sa tingin ko maghahapunan lang naman kami. Buti nalang may culminating kami dati kung paano kumain ang mga sosyal. Naiimagine ko na ngayon ang paghaharap namin na wala kong shades! Parang pinapatay na ako sa kaba at takot.

Lumabas akong silid at hinanap agad si Sir Blake. I'm aware na wala akong make up ngunit kung ipipilit ko ay baka hindi rin magiging tama. Sa tingin ko naman ay magkamukha talaga kami lalo pa at naroon naman ang nunal ni Stacy at ang tattoo sa leeg. Hindi narin kailangan mag eyebrows dahil makapal na ang kilay ko at nakatrim na din.

Para akong lumulutang habang naglalakad patungo kung saang sulok man ng bahay dahil hindi ko pa kabisado. Nang marating ko ang salas niya ay nakita ko siya sa balkonahe, may kausap sa cellphone. Pinagtagpo ko ang aking mga kamay at nilikumos ito. Nanginginig na kasi ako sa kaba.

Lumingon siya sa banda at tuluyan na akong tinakasan nang hininga. P_t_ng in_ng kagwapuhan yan!!! Mabilis niyang tinapos ang tawag at naglakad patungo sa akin. Ngunit para akong pinatay ng tumigil siya sa kalagitnaan at tinitigan ako. Hinagod niya ako ng tingin lalo na sa mukha, para akong binabalatan. Nagdadalawang isip ang tingin niya at mukhang nagulat.

'Patay na jud ko ani! Ngano wa man jud ko mag make up uy, kap_sti!!'

Nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang kanyang bibig.

'Minatay na jud ni! Wa na! Prisuhan nako kwaon ni nanay ug tatay ani.'

Lumapit siya sa akin ng tuluyan at nanghina na ako, wala na katapusan ko na. Nabuko na niya ako.

"Blake, ano...kasi..." Para akong maiihi o matatae ng nasa harap ko na siya. Tingin ko kinakatay ako unti-unti.

Ngunit biglang nagbago ang expression niya sa mukha. Namangha ito.

"I'm so surprised! For a long time your face is better when its nude. I told you!" Hindi makapaniwala niyang sabi.

"You really had it removed,huh. Anyway its more better than having those heavy make ups." Sabi niya ng mapakagaan. Walang tonog ng pagdududa.

Nakatulala pa din ako sa reaction niya, hindi rin makapaniwala.

"I'm gonna miss those prickles, its your identity. Pero tinatago mo lang naman Kaya okay narin na pinatanggal mo. So feeling more confidents."

Umirap ako, iyun kasi ang tanging pumasok na habit ni Stacy na naalala ko. Madalas siyang umirap sa maraming bagay.

Humalakhak naman si Blake sa ginawa ko. Effective!

Lord, God! I love you so much!!! Hindi mo ako nilaglag. You saved me Lord, maraming salamat.

Mamaya tatawag ako Kay ma'am Debbie.

"Come on. I prepared a special dinner for us." Hinawakan niya ako sa bewang na nagpaigik sa akin, nagulat naman siyang kunti ngunit nakabawi naman. Giniya niya ako palabas ng unit niya at sumakay ng elevator. Pinindot niya ang Rooftop button.

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon