chapter 14

8.1K 331 48
                                    

Chapter 14

Nakatunganga lang ako sa isang parke malapit lang sa hotel ng mga Arizona. Oo natakot ako bigla sa reyalisasyon. Bakit hindi ko ito naisip noong magkasama kami? Bakit nawala sa isip ko ang apilyedong iyun ng pinagtatrabahuan ko ng limang taon?

Sa loob ng limang taon ko sa hotel, Ni minsan ay hindi ko nakita ang may-ari nito. Sa mga event tanging ang mga board members lamang ang naroon. At kung nagkataon man na naroon nga si Madam Amber ay hindi naman namin nakikita. Ang sabi,isa lamang ang AMZOE Suites sa pag-aari ng asawa niya sa buong Pilipinas. Kung kaya ay hindi madalas dito ang may-ari. Last year ay pinahawak ito ng babae nilang Anak ngunit hindi rin naglalage dahil nagmasteral ito sa America. Balita ko rin, may Casino sila sa Manila at isang kompanya ng mga alak.

Wala naman akong pakialam sa mga pag-aari nila o sa kayamanan nila. Ang nais ko lamang ay ang makapagtrabaho at kumita. Ngayon naisip ko kung gaano sila Kaswerte sa buhay.

Bumuntong hininga ako. Imbis na magalit sa ginawa ni Stacy ngayon sa akin ay mukhang narelief pa ako. Hindi ko inakalang matatakot ako sa apilyedong iyun.  Galit na mukha ni Blake ang rumirihistro sa isip ko noong marinig ko ito kanina.

Ngunit Kahit natatakot ang sistema ko ay hindi ko rin maiwasang isipin ang mabuting side niya. Ang pagiging maalaga at sweetness. Tama nga ako,  may ibang  side siyang hindi ko aakalain.

Hindi ako umuwi hanggat  hindi matapos ang oras ng aking trabaho. Hindi pwedeng malaman ng pamilya ko na wala na akong trabaho kundi magtatanong sila kung bakit. At kung wala akong isasagot na tamang dahilan para masisante ako ay susugod si nanay. Magkakandakeche ang buhay ko pag nagkataon. Makakahanap din ako bago paman nila malaman. Kailangan  kong maging positibo Kahit impossible.

Naghanap ako ng internet shop at gumawa ng maraming resume. Lahat ng may hiring ay papasahan ko para mas maraming chances Kahit hindi ako qualified.

"Pila tanan?" tanong ko sa nagprint noong resume ko.

"65 pesos ra." Sagot niya habang nilagay sa brown envelope ang mga bond paper.

Kumuha agad ako sa aking pitaka at binayaran. Kahit mataas at masakit na ang sikat ng araw ay hindi ko inanda iyun. Bawat nadadaanan kong hiring ay pinagpasahan ko,hoping na isa man doon ay tawagan ako kinabukasan. Crew, sales lady  ay pinatos ko. Pumunta din ako sa mga manpower agencies at sa mga Department store. I got home so drained. Walang tao sa bahay, I received a text from Alex at nasa skwela pa siya.  Si Aira naman ay sinamahan si nanay sa dati naming inupahan dahil may birthday ang Kumare niya. Si tatay malamang pauwi palang. Bumili na ako kanina ng ulam para hindi na ako magluto. Nakakapagod nagbabad sa daan keysa magtrabaho doon sa hotel.

Bumuntong hininga ako,  siguro hanggang doon na lang ang sirbisyo ko sa kanila. Kung hindi pa sana nagkrus ang landas namin ni Stacy  ay hindi magkakaganito ang kahihinatnan ko. Pero okay na rin siguro iyun. Baka sa susunod kong trabaho ay related na sa kurso ko.

Sa pagod ko ay nakatulog sa kawayang upuan. Hindi ko namalayan ang pagdating ni tatay.

" I love you baby"  he whispers.

"I won't let you go..."

Niyugyog ako sa nalukot kung kaya ay nagising ako.

"Anak!"

Si tatay ang nabungaran ko pagkagising. Nakabihis na ito ng pambahay.

"Anak, pagod na pagod ka yata at  nagmumuni ka habang tulog, hindi ka pa magising agad." komento ni tatay.

Ngumiti ako at nag-inat tsaka bumangon at nagmano.

"Magandang Gabi,  Tay."

"Hmm, halika na at maghapunan na tayo para makapagpahinga kana uli." Sabi niya.

"Naku,tay. Magmamasahe pa ako ako sayo." Nakanguso kong sabi.

"hindi na kailangan, Aly. Kaya na ito ng kapatid mo." Sagot niya.

Naghila siya ng silya para makakain na kami sa hinain niya. Hindi na ako nakipagtalo dahil sa pagod. Mamaya, Mag iisip pa ako
para bukas. Oo, nagiguilty  nga ako dahil wala na akong trabaho at hindi ko masasabi sa kanila. Pero wala akong choice, nakakaduwag. Ang pangit pala sa pakiramdam.

Natulog ako pagkatapos naming kumain ni tatay upang hindi lalong naguilty. I still have to job hunt tomorrow. Hindi ko alam hanggang kailan ako jobless. Alam kong malakilaki naman ang nakuha ko doon sa dating pinagtrabahuan, Sapat  pa itong hanggang dalawang buwan. Ngunit paano naman pagkatapos?

Kinabukasan  ay lahat sila ay nanghingi ng pera. Si nanay,  pang grocery at maintenance niya, ang dalawa kong kapatid kaya may mga babayarin sa skwela. At si tatay naman ay nanghiram ng pera para sa kuryente at tubig. Hindi ako kailanman humindi sa mga ito,  hangga't may maibibigay ako.

Muli ay naglalakad ako sa mga kalye upang maghanap ng nakapaskil na hiring. Ang mga pinasahan ko kahapon ay walang ni isang tumawag sa akin. Pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Napadpad ako sa Sto. Niño church kaya sumaglit ako at nanalangin ng taimtim, sana pakinggan ako ng Santo.

Sa internet, Naghanap din ako doon. Nagsubmmit ako through emails. And in the end of the day, I feel so desperate. Wala paring response doon sa mga pinag-aplayan ko. Gusto ko ng umiyak,  akala ko magiging okay na ako oras na makauwi ako sa amin ngunit dobling problema  pa ang kinakaharap ko. Sobrang malas  ko naman ngayon. Pinarurusahan talaga ako ng Diyos.

Pero dapat lang din naman ang parusang ito, kasi sinungaling naman ako. I'm a liar!

Two weeks!

Dalawang linggo pa ang dumaan at wala parin akong trabaho. Hindi ko rin nasabi at bawat araw na dumaan ay nilalamon ako ng konsensya. I decided na bukas ay sasabihin na sa kanila ang totoo. Na wala na akong trabaho, at least iyun muna. Ang pagpapanggap ko noon ay susubukan kong ibaon sa limut.

Kaya ng gabing iyun ay napuyat ako kung papaano simulan at paano gagawa ng slight na kasinungalingan na naman. At least a white lies. Diyos ko! Tulungan niyo ako.

Madaling araw na yata akong nakatulog ngunit hindi parin nakaayus ang sasabihin ko sa kanila. Nagising ako sa ingay ng aking cellphone, Nagulat ako kaya bumangon agad ako ngunit nahilo lamang. Umikot ang paningin ko kaya pumikit ako ng mariin. Parang bumaliktad ang sikmura ko sa hilo. Kahit na buburyo ay tumakbo ako sa banyo at nagsuka hanggang sa wala ng maisuka. At nang humupa ay naupo ako sa inuduro.

"Ah! Ang sakit ng ulo ko." hinilot ko ang aking sintido upang maibsan man lang hilo at sakit nito. Hindi ko rin maintindihan  ang sikmura ko sa sama. Pinilit kong lumabas upang hanapin si nanay o Kahit na sino sa bahay ngunit nakita kong mataas na pala ang araw. Ibig sabihin nasa eskwela  na ang aking mga kapatid at si tatay sa trabaho. Si nanay ay kung ano-ano nalang ang pinagkakaabalahan  dahil hindi iyun  mapirmi sa bahay dahil gustong makatulong. So in short, ako lamang ang narito sa bahay.  Bakit hindi nila ako ginising.

Dumeritso ako sa lamesa upang tingnan ang tinabi nilang ulam. Nang buksan ko ang takip ay naroon ang pang umagang ulam. Simpling adobong sitaw at pritong isda ang naroon na puro paborito ko. Napangiti ako at natakam. May maliit na papel din doong nakaipit sa plato.

'Magpahinga ka lang, ate!  It's your rest day kaya di kana namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo.'

Last week ay ganito rin ang ginawa nila at sobrang natuwa ako kaya mas lalong nakunsensya. Hay!  plano ko nga palang sabihin sa kanila  ang totoo ngunit wala sila.

Nagmugmug ako at nagtimpla ng kape, saka kumain nang maisip ko ang cellphone  na nag-ingay. Binalikan ko agad ito sa kwarto. Tiningnan ko ang numerong hindi nakarehistro. Nagtaka ako. May minasahe pa roon kaya binuksan ko.

'This is from Mandaue Foam, we are inviting you for an initial interview for the position  of secretary. We are expecting  you at the HR office 9am sharp today. Thank you.'

Nang sipatin ko ang oras sa relo ay 8:26am na!  Makakahabol pa kaya ako?























❤Lyra

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon