Chapter 11: Danger

110 4 0
                                    

Zild's POV

Umuwi na rin si babe after ilang oras. Sinundo din sya ng driver nila.

Buti naman at ayos na kami at ayos na rin sila ni Rylie. Nagsorry na rin ako kay Rylie at ayos naman na.

*kinabukasan*

After ng breakfast, nag aya agad si Rylie.

"Guys movie marathon tayo. Korean drama gusto nyo ba?" Tanong ni Rylie.

"Hindi kami mahilig pero sige para sayo." Sabi ni Unik.

Pagpasok namin sa kwarto ni Rylie, nakaayos na lahat. Nakapaglatag na sya ng mahabang bedsheet sa baba para sa aming lima. May mga unan na rin sa baba at mga kumot. Ready na rin yung five bowls ng popcorns para sa aming lima.

Magkakatabi kaming apat habang nasa dulo naman si Rylie, katabi nya si Unique.

Habang nanonood kami ng "Fight For My way" na korean drama, nakakailang episode pa lang pero nakatulog na agad si Unique.

"HAHAHAHHA hindi talaga sya nanonood nyan." Sabi ko.

"Kaya siguro." Sabi ni Rylie at saka sya tumawa.

After ng dalawa pang episode, nakatulog na rin si Blaster at Rylie.

"Pano ba yan Badj? Tayo ang matibay." Sabi ko at saka kami tumawang dalawa.

Pamaya maya, biglang niyakap ni Rylie si Unique habang tulog.

"OMG" sabay naming sabi ni Badj.

"Ano kaya magiging reaksyon ni Unique pag naabutan nyang yakap sya ni Rylie?" Sabi ni Badj.

"Sisigaw yan" HAHHAHAHA sabi ko.

"Bayaan mo na sila. Mas nag aalaa ako sa feelings ni ter para kay Rylie." Sabi ni Badj.

"Hayaan na natin sila. Buhay nila yan at ginusto nila yan." Sabi ko.

Nagising si Rylie.

"Oh, hala sorry." Sabi ni Rylie nung nalaman nyang nakayakap sya kay Unique.

Bumangon na sya mula sa pagkakahiga.

"Guys, maliligo muna ako ha? Dyan lang kayo." Sabi nya.

After ilang minutes, nagising na si Unique at Ter. Sabay nilang hinanap si Rylie. Sabi namin naliligo lang.

Pagkalabas ni Rylie sa banyo, nakabihis na sya.

Bigla namang kumatok yung yaya ni Rylie.

"Rylie, sabi pala sakin ni Daddy mo, makipag meet ka daw sa manager ng Red Production sa Rose Hotel para malaman mo date ng pictorial mo." Sabi ng yaya nya.

"Para san daw ba yung pictorial na yun?" Sabi ni Rylie.

"Ang alam ko para sa Hotel nila. Yung Rose Hotel mismo? Hindi ko nga alam kung sino may ari nun e." Sabi ng yaya nya.

"Sige gagayak na ko." Sabi ni Rylie.

Nagbihis na sya ulit.

Naka pants lang sya saka high heels at white na blouse.

"Alis na ko ha?" Sabi ni Rylie sa amin.

"Sige mag iingat ka ha?" Sabi ni Unique.

"Sure." Sabi ni Rylie.

"Text mo ko lagi ha? Open mo GPS mo lagi para alam ko kung nasan ka okay ba?" Sabi ng yaya nya.

"Okay yaya." Sabi ni Rylie at saka na sya umalis.

"Kinakabahan nanaman ako." Sabi ng yaya nya.

"Kinakabahan sa tuwa?" Tanong ni ter.

"No. Sa takot. Makailan na kasing nabastos si Rylie. Alam nyo na model e, maganda yung katawan, laging nabobosohan ng mga mayayaman. Nakailang habla na rin kami. Sinabi ko na rin sa Daddy nya na wag na syang gawing model. Kawawa kasi si Rylie lagi na lang umiiyak kakaisip sa mga nangyari na ganun." Sabi ng yaya nya.

"Grabe pala yung Daddy nya. Sa kagustuhan lang na magka anak ng isang model, hahayaan nya anak nyang mabastos?" Sabi ni Unik.

"Hindi naman kasi nya tunay na anak kaya walang pake daddy nya." Sabi ni ter which is may point.

Maski ako naaawa ako kay Rylie. Sunod sunuran sya. Ang hirap pala pag malaki yung utang na loob mo no? Buong buhay kang magdudusa.

"Wala na tayong magagawa." Sabi ng yaya ni rylie.

"Diba nakapag check in na tayo sa Rose Hotel? Maganda naman dun. Mukang nasa maayos syang kamay." Sabi ni Badj.

Pinagluto na kami ng lunch ng yaya ni Rylie.

Nasa kusina na kami ngayon habang sabay sabay na kumakain.

"Nasa Rose Hotel na daw sya. Sa may conference room. Nagtext sya sakin. Pero wala pa daw yung may ari." Sabi ng yaya nya.

"Sino kaya may ari nyan?" Sabi ni Badj.

"Wait search natin.." Sabi ni Unique.

"Eto oh.."

"Babae naman pala may ari.."

"47 years old na yung babae.."

"May asawa sya kaso nasa ibang bansa daw nagsstay.."

"Mukang safe naman pala..."

"May business daw na bar yung asawa nya dito sa Nueva Ecija??"

"Nueva ecija??"

"Wait... At may nag iisa silang anak na lalaki."

"Wait... OH SH*T!!!"

"Eto yung nasa Bar!! Eto yung lalaki na nakatabi ni Rylie sa higaan!!!" Sigaw ni Unik at saka namin tinignan yung picture.

Lahat kami nagsitayuan na sa inuupuan namin.

"Let's go!" Sabi ni Unik.

//
A/N

OMG!! Bagong issue nanaman sa fandom nila siguro? HAHAHAH

HAYSS.
Comment down your thoughts and feelings!! Pls Voteeeee

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon