Chapter 20: Left

92 5 1
                                    

Unique's POV

Pagkatapos namin ihatid si Rylie sa kwarto nya, nagpunta na kami sa kwarto namin.

Si Gelo pala tumabi na lang samin ni ter. Yung kama kasi namin yung may pinaka maluwang. Sa kwarto na dapat sya ni Rylie matutulog kaso kami na nagprisinta na itatabi na namin si Gelo.

Ang pangit naman kasing tignan na nasa iisang kwarto lang sila diba?

Nakahiga na kaming lima ngayon.

Sila Daddy A wala pa, may inaasikaso nanaman siguro kaya kaming lima lang yung naiwan.

"Unique.. Pasensya na pala sa kanina." Sabi ni ter sakin.

"Wala yon, pasensya na din." Sabi ko at saka kami nag ngitian.

"Buti naman at ayos na kayo." Sabi ni Badj.

"Magiging ayos din kaya si Rylie?" Tanong ni ter.

"Kaya nya yon, malakas yon." Sabi ko. Kahit na alam kong hindi magiging ayos ang lahat. Pinapalakas ko din yung loob nila.

Sabay sabay na rin kaming nakatulog. Sa sobrang pagod at hilo na din siguro.

Si blaster nangyayakap nanaman. Kaya ayokong katabi si Blaster matulog e.

/

*kinabukasan*

Nagising kami ng may narinig kaming kalabog.

"Ano yon?" Sabi ni Gelo.

"Patahimikin nyo nga yon, natutulog yung tao e." Sabi naman ni ter sabay yakap sa akin.

"Hwag mo kong yakapin!" Saway ko sa kanya.

"Arte mo naman" sabi ni ter at saka nya niyakap si Gelo.

Si Gelo sanay na sa kanya e.

May kumalabog nanaman.

Nagpalinga linga ako sa gilid.

Nandito na pala sila Mama at sila Daddy A.

Napatingin din ako sa orasan, 11am na.

"11am na??" Tanong ko.

Napadilat si Gelo.

"Walangya Oo nga no. Tanghali na pala." Sabi ni Gelo.

May kumalabog nanaman. Parang may nababagsak na kung ano.

Napatayo na si Mama. "Ano ba yun?" Sabi ni mama.

Nagkatinginan kami ni Mama.

"Nga pala anak, nakita namin yung Daddy ni Rylie kaninang umaga. Nagulat nga kami bat nandito e." Sabi ni mama.

Sabay sabay kaming bumangon na lima.
"NANDITO NA AGAD AGAD???" Sabay sabay naming sabi.

Gulat na gulat si mama. "Hala bakit?"

"Baka kung anong gawin ng Daddy ni Rylie!" Sabi ko.

Bumangon lahat ng team at saka din sila nagsilabas kasabay namin.

Lumabas kami ng kwarto. Pagsilip namin sa kwarto ni Rylie, sira sira yung mga paintings nya. Nakatapon lahat ng pintura at mga paint brushes.

Yung mga libro nya punit punit din.

Nakabagsak din yung laptop nya at pilas pilas yung mga nakadikit sa board na notes.

"Anong nangyare?" Sabi ni Daddy A.

"Nalaman ng Daddy nya na isa syang sikat na writer." Sabi ko.

"Wow, dapat diba proud yung daddy nya?" Sabi ni mama.

"Eh ayaw ng daddy nya na may sagabal sa pagiging model ni Rylie." Sabi ko.

"Grabe..." Sabi ni ter habang tinitignan yung mga sira sirang paintings.

"Eto pala yung kalabog ng kalabog kanina pa. Soundproof kasi tong kwarto kaya wala tayo halos marinig." Sabi ni Daddy A.

"Nasan ba si Rylie?" Sabi ni Zild.

Sabay sabay kaming bumaba sa hagdan.

Nasa kalahatian pa lang kami ng hagdan ng bigla naming makita si Rylie at yung Daddy nya.

"BUONG BUHAY KO ANG INAKSAYA KO PARA MAGING ISANG MODEL DAHIL YUN ANG GUSTO MO DADDY! TINIIS KO LAHAT! ANONG KLASE KANG AMA DAD! ALAM MO YUNG TUNAY KONG IKAKASIYA! ANG PAGSUSULAT AT PAGPIPINTA ANG NAGPAPASAYA SAKIN! BAKIT HINDI MO KO KAYANG SUPORTAHAN??" Sabi ni Rylie habang humahagulgol sa pag iyak.

Nagulat kami ng biglang sinampal si Rylie ng kanyang Daddy.

"ANONG KLASE KANG ANAK?! WALA KANG UTANG NA LOOB!" Sabi ng daddy nya.

Napahawak si Rylie sa sobrang lakas ng sampal.

"Ang sakit nun shet..." Sabi ni Zild.

"HINDI KITA AMA! WALA AKONG AMA NA KATULAD MO! LALAYAS NA KO SA BAHAY NA 'TO!" Sabi ni Rylie at saka sya lumabas ng pinto.

Bumaba na kami para sundan si Rylie pero ang naabutan na lang namin yung ingay ng sasakyan nya na humaharurot sa bilis.

Nakita namin yung Daddy ni Rylie na nakaupo sa sofa. Umiiyak na tila nagsisisi sa lahat ng ginawa.

Hindi namin alam yung sasabihin.

Naupo din kami sa sofa malapit sa Daddy nya.

Yung Yaya ni Rylie iyak ng iyak sa kusina.

Umakyat na din sa taas yung Daddy ni Rylie.

"Babalik din naman siguro si Rylie hano? Kailangan lang siguro nya ng time para mag isip?" Sabi ni ter.

"Sana nga." Sabi ni Gelo at saka nya binuksan yung TV.

"Nakuha mo pa talagang manood ng TV sa ganitong sitwasyon?" Tanong ni Badj.

"Gusto ko lang din kayong maaliw kaysa naman ma stress kayo. Wala tayong number ni Rylie kaya wala tayong magagawa. Manalangin na lang tayo." Sabi ni Gelo.

"Ang kinakatakot ko baka puntahan nanaman nya si Allen.." Sabi ko.

Napatingin sila sakin.

"Eh diba mabait naman daw si Allen?" Tanong ni ter.

"Oo mukang mabait naman si Allen, mas okay na siguro sya dun kaysa naman dito sa Daddy nya." Bulong ni Badj.

Nanood na lang kami ng TV muna.

Mga ilang oras din ang nakalipas ng bigla naming narinig yung yaya ni Rylie.

"RRRRYYYYYYYLLLLLIIIIEEEEEEEEEEEEEE!!!! JUSKKOOO POOOOO!!!" pinuntahan namin yung yaya ni Rylie sa kusina.

Hawak hawak ng yaya nya yung phone habang halos manginig ito at mabitawan yung phone.

"Bakit hoooo??" Tanong ni Gelo.

Ayaw magsalita ng yaya nya.

"SI RYLIEEE..." Sabi ng yaya nya.

Pamaya maya may nag flash report sa TV na may naaksidente daw na kotche sa gawing Cabanatuan.

"OH..MY...GOD. Kotche yun ni Rylie.." Sabi ni Ter.

/

A/N:

Hala wait medyo maaksyon na to hahaha.

Pasukan na po namin next week, June13. College na po pala ako, 1st year. BS in Accountancy.

So baka maging busy na rin ako kaya baka bihira na ko mag update. Kaya sinusulit ko na pag update ngayon haha.

Malapit na pala ending neto.

Pag umabot ng 5K na reads at maraming nagsuggest na gumawa ako ng Book2, sige gagawa ako pag nangyare yun HAHAHAHA.

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Where stories live. Discover now