Chapter Thirty-Two

2.4K 62 2
                                    

NANGAKO SI Ford sa kanya na walang ibang makakaalam sa kung nasaan siya. Tanging ito lang at ang sekretarya nitong si Leng ang dapat na nakakaalam na nasa Aklan siya at nagliliwaliw sa buhanginan. Kaya bakit…

            Tumigil si Rebecca sa marahan niyang paglalakad at mariing ipinikit ang kanyang mga mata, niyakap ang sarili nang umihip ang hangin mula sa dalampasigan. The air was crisp and she inhaled it greedily to calm her senses. Ang nakayapak niyang mga paa ay nakaapak sa puting buhangin at panaka-naka ay nababasa ng tubig kapag umaalon.

            Siguro naman ay namamalik-mata lang siya. Siguro naman ay hindi si Chlymate ang lalaking nakatayo ilang dipa ang layo mula sa kanya at matalas ang tingin. Halos mangingkit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya, nakakrus pa ang mga braso nito sa tapat ng dibdib at impatience and nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito.

            Isang taon. Eksaktong isang taon mula nang umalis siya ng Maynila sa tulong ni Ford at Leng. Iyon naman kasi talaga ang plano niya. Ang umalis at mapag-isa sa lugar na walang nakakakilala sa kanya at mamuhay ng normal. Kaya ito siya, napadpad sa isang isla sa Aklan at nagtatrabaho bilang isang manager sa isang resort—salamat sa tulong ni Ford—at nakatira sa isang beach house na pag-aari naman ng mga magulang ni Leng.

            Tapos na ang lahat.

            Naging maayos ang kalagayan ni Rash ngunit hindi naman nagtagal ay ikinulong din ito—again, sa tulong ni Ford—kasama ang ama nito. Matagal na palang nasa black list ni Ford ang mag-amang de Vega. Nagkataon lang na nadamay siya sa paghuli nito sa dalawa.

            Hindi naman na siya nagtaka pa roon. Alam naman niyang sangkot sa ilegal na gawain si Rash at ang ama nito. Hindi na lang siya nagtanong pa—hindi na lang siya nakibalita pa. Ang nais niya kasi ay matahimik na siya dahil tapos naman na ang lahat.

            Isa pa, may tinupad naman si Rash na pangako sa kanya—na labis na ikinatuwa ni Ford dahil bawas daw iyon sa gawain daw nito. Ang pangakong maiwang palaging linis ang pangalan niya. Ang protektahan nito ang katauhan niya. Dapat niyang ipagpasalamat dito ang hindi agad-agad na pagkahuli sa kanya ng mga awtoridad dahil katulad ng sinabi nito, lahat ng dumi niya ay ito mismo ang naglinis—o ipinalinis nito.

            Napabuntong-hininga siya sa mga alaala at nanatiling nakapikit.

            Masasabi niyang tama ang naging desisyon niya. Sa loob ng isang taon na iyon ay naranasan niyang maging malaya. Para siyang ibon na naghilom ang mga sugat sa pakpak at muling nakalipad. Malaya. Walang alalahanin. Walang hinihintay na utos sa kung sino ang sunod niyang papatayin.

            She was happy… or so she thought.

            Nang masilayan niyang muli ang mukha—kung ito nga ba talaga si Chlymate—ng taong nagbigay halaga sa kanya ay napaisip siyang bigla.

            Masaya nga ba talaga siya? Ang maging mag-isa, kaya niya ba habang buhay?

            Mukhang hindi… na. Bakit kailangan niyang parusahan ang sarili niya ng pag-iisa kung may isang tao namang handang samahan siya? Bakit nga ba niya pinapahirap ang sitwasyon niya? At bakit ngayon niya lang na-realize ang mga bagay na ito?

            Humugot siya ng malalim na hininga saka iminulat ang mga mata at tiningnan ang lalaking hindi umalis sa pwesto nito at patuloy lang siyang pinagmamasdan. Wala na ang paniningkit ng mga mata nito. His stance now was relaxed while his hair was softly swaying with the ocean breeze. Saktong-sakto sa mainit-init na panahon ang suot nitong puting sando at asul na board shorts.

A Piece of EverythingWhere stories live. Discover now