Chapter 1

79K 1K 124
                                    

Zeus Esqueza

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Zeus Esqueza


CHAPTER 1

"Fuck! Ang bobobo niyong lahat! Ang dami-dami niyo na ngang nagtatrabaho pero wala parin sainyo nakakakuha ng gusto kong design?! Ano ba naman 'to, Alzera?! Ilan linggo pa ba ang ibibigay ko sainyo para mahanap 'yong kailangan ko?!"

"Zeus, we are really doing our best. Sobrang nakaka-drain lang talaga this week kasi kakatapos lang natin sa---"

"Fuck that reasons! You should have told me earlier! Hindi kung kailan pasahan na ng deadline saka niyo sasabihin sa'kin na wala kayong nagawa!"

"If you want, just give us overnight so we can do something about it."

"Buti naisip mo 'yan!" Ibinato niya ang lahat ng papel na nakalagay sa desk niya. Isa-isa ko naman 'yon dinampot.

Puta talaga. Ako nanaman napagalitan. Parang wala na akong nagawang tama sa kompanya na ito puro kamalian, puro kagagahan at puro kabagalan.

"Fuck, Alzera! Pati ba naman pagdampot ng papel mabagal ka? Hindi ko kailangan ng tagapaglinis! Kailangan ko ng designs! Do it fucking now! Nagsasayang ka ng oras dyan! Hindi ka nanaman nag-iisip."

Mas binilisan ko ang pagdampot sa mga papel na nasa sahig. Nang makuha ko na agad saka ako tumakbo palapit ng pinto.

Hindi rin kasi tumitigil ang bibig niya. Kakatalak sa'kin hanggang nakikita niya ang prsensya ko sa kwarto niya.

"Y-yes, Zeus. Gagawin ko na po," sabi ko bago lumabas ng office niya.

Shit. Para akong binugahan ng apoy ng isang dragon sa loob ng opisina ni Zeus Esqueza. Pagkasara na pagkasara ng pinto saka ako umirap. Uggh. Masagasaan ka sana mamaya. Hinayupak ka!

Akala mo naman kung sinong bright, eh, si'ya mismo hindi nga niya maisabuhay 'yong gusto niyang design para sa new trend ngayon! Ako pa hindi nag-iisip, eh ako nga palagi ang nakakisip ng mga bagong ideya, hindi siya?!

Nag-fuck you sign ako sa pinto. Bwisit! Buti nalang hindi niya nakikita kaya kahit papaano nabawasan ang pagkainis ko sakanya.

Anim na buwan na akong nanggigigil sa lalaking 'yan! Bakit ba kasi sakanya pinamana ni Mr. Esqueza itong kompanya. Pwede naman kay Zoey o doon sa kapatid nito na mabait.

Kasi ang mga tao sa kompanya kapag hindi mo inalagaan parang buhok lang, malalagas! Padabog kong nilagay 'yong mga papel sa lamesa ko at pinagsusuntok ang unan ko na may litrato niya.

"Bwisit ka! Bwisit! Mabaog ka sana! Hindi kana sana magka-jowa forever! Sinusumpa talaga kitang hinayupak ka!"

Kung hindi lang talaga malaki ang sinasahod dito. Nako! Nilayasan ko na talaga 'yan bwisit na 'yan.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now