Chapter 22

8.6K 266 45
                                    


"Good to see you both here," bati saamin ni Vanny na parang walang bad blood na nangyari.

Pumairap ako ng sobra at tiningnan si Zeus. He looked calm on the outside pero alam kong nag-aalburuto na iyong emosyon niya. Sino ba naman hindi magugulat? Zeno was with her! His brother! But wait, alam ko rin that we kissed before but it was all in the past. I think si Zeno iyong tao na hahalikan kahit sinoman babae nasa harap niya but it didn't mean he has feelings for you.

Hindi mapakali si Zeno sa kinauupuan nang makita kami. He bit his lip and looked away. 

"Not the same, girl." Ako na talaga ang sumagot sa nanlilisik na mata na katabi ko. "Planado ba ito o coincidence? Kasi parang sobrang timing lang na nandito kaya at nandito--"

"Friday night, 6:30PM, the usual. Our usual date like before. You mean?" she casually said.

"G-good for you." Hindi makapaniwalang sagot ko at sinamaan ng tingin si Zeus. "Well, mukhang ikaw naman talaga hinihintay niya kaya kami nagpunta dito, tama ba, boss Zeus?" sarkastikong tanong ko.

He didn't answer.

"Do you want to join us then?" tanong ni Vanny at naghila ng upuan.

Napakamot ng ulo si Zeno sa harap nito. "I think they're good, Vanny."

"We need to talk, Zeno. Outside. Now," seryosong sabi ni Zeus sa kapatid niya at tumalikod na para lumabas.

Nagkatinginan kaming tatlo. I bit my lip. Zeno nervously stood up and tapped my shoulder before following his brother. Tinaasan ako ni Vanny ng kilay at umupo na sa pwesto niya.

"What? Tatayo kalang dyan? Sit."

The nerve of this girl! Sarap sabunutan talaga kung wala lang ibang tao ang manonood saamin. Binigyan ko nanaman siya ng kahihiyan. 

"No thank, hintayin ko si Zeus," palaban na sagot ko. 

"Double meaning ba 'yan paghihintay mo?" she asked me.

Sinusubukan talaga ako ng bruha na ito ha! Umupo ako sa upuan na nasa tabi niya at nakipaglabanan ng titigan sakanya. 

"What do you think?" I challenged, pinatong ang siko sa lamesa. 

Tumawa si Vanny ng mahina. "I think you're cheap."

"Good for you. Because I think you're cheaper," balik ko sakanya.

She glared at me. Mukhang hindi niya rin nagustuhan ang pagsagot ko sakanya. Anong feeling ba nitong bruha na ito na isa ako santa santita? Na hindi pumapatol sa may sungay? Hello, laking squatter ata ako.

Pilit na ito na tumawa at nilingon sila Zeus sa labas bago ibinalik ang tingin saakin. "How dare you, Miss. Alam naman natin na pera lang habol mo kay Zeus. Magkano ba in-offer sa'yo ng parents niya? Millions? Because they did the same to me---"

"Shh." Ipinatong ko ang daliri sa bibig niya. "No, girl. We're not the same. Binayaran ka para lumayo, ako, binayaran para mapalapit sakanya. See the difference?"

Hinataw ni Vanny ang kamay ko palayo sakanya. "Don't touch me! And please, there's no guarantee that you won't end up like me."

"Like what?" hamon ko, sobrang taas na ng kilay. "Like habol ng habol kay Zeus? Girl, una sa lahat, nasaakin na siya. Hindi ko kailangan maghabol."

"He loves me," she stated. "Hindi mo 'yon pwede i-deny. He's mad at me and I know babalik din siya kapag na-realize niya kung ano ang pinagsamahan namin."

I laughed evilly. "He'll fall inlove with me then. Mark that freaking word!"

'May dumaan anghel' palagi namin sinasabi magbabarkada 'yan kapag biglang tumahimik ang maingay na kapaligiran. And yes, ang tahimik namin apat. Kahit mukhang nakahinga na ng maluwag si Zeno sa pag-uusap nila ng kapatid niya. I really don't know what's his business with Vanny pero mukhang there's nothing going on between them.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now