Part IV

18 3 18
                                    

Part IV

The search for the witness

I start roaming around the streets near the crime scene. Maraming kabahayan ang nakapalibot dito, kaya imposibleng wala talagang witness kahit isa man lang.

Most of the houses where small and narrow. Parang halos masisira na nga ang iba dito. I looked around  and saw how noisy, messy and crowded the place was.

I start walking towards a random house to start my own investigation.

"Tao po?" I knock into an old rusty door in a house made of old metals and woods.

Bumukas ang pinto, bringing out an old man.

"Ano yun?" he ask furiously.

"Maari po bang magtanong ng kaunti tungkol sa patayan na nangyayari? Ung itinatapon po diyan sa may dump site malapit dito?"

The old man tilted his head as he ask
"Pulis ka ba?"

"Hindi po, pero kapatid---" suddenly the old man abruptly shut the door right into my face and exclaims behind the door.

"Pasensya na hijo, hindi madaling magtiwala. Mabuti ng nagiingat, sana naiintindihan mo."

I tried knocking multiple times and to no avail. Nagsimula akong lumipat at kumatok sa iba't ibang bahay, but whenever I told them that it's all about the killings, no one entertained my inquiries.

Until I reached a small simple house.
I knock, and a woman opened the house.

"Hi! Goodafternoon. My name is Joaquin Mendoza. Nandito ako para magtanong ng kaunti about the killings na nangyayari."  

The woman looked around anxiously and grabbed me inside her house. She close the door and locked it.

"Umupo ka." sabi niya

I sat in a wooden couch as she sat in a monoblock infront of me.

"Anong itatanong mo?"

"The trash murder case. I am wandering to look for a witness, malapit lang ang pinagtatapunan ng bangkay dito, kaya it is impossible na wala man lang nakakita or nakapansin ng kahit anong pwedeng maging lead sa kaso." I told her with a straight face.

"May alam ako." she said without hesitance. I was struck in the moment.
She breathe heavily and continued.

"Ako si Maria. Kilala kita, sino bang hindi makakakilala sayo? Sikat ang pamilya mo. Ung nawitness ko, satingin ko ayun ung sa kapatid mo." I stare at her trying not to blink, scared to miss any of her words.

"Madaling araw yun, siguro mga ala una ng umaga. Pauwi ako galing sa trabaho. Bago ka kasi makarating sa dumpsite mula rito, meron kang papasukan na parang mapunong daan. Dun ako may nakitang lalaki papalabas sa mapunong lugar na iyon.

Naka jacket siya at sumbrero. At dahil madilim hindi ko nakita ung muka niya."

Those words are already enough kahit papano, masyadong malaman na ang mga sinabi niya.

"Can you identify his built? Gano siya katangkad? Mataba ba siya?"

"No, he was just as tall as you. Satingin ko katamtaman lang ang katawan niya."

"Why didn't you said this to the police?"

"I was scared. Tsaka hindi ko naman alam kung makakatulong ba yun."

"Is that all?" I asked, hoping for more information.

Umiling siya, and said

"Im afraid that's all I have."

I nod in understand at tumayo na para magpaalam sakanya.

"Thank you for your time Maria. Your words are so helpful. Ito ang kauna unahang lead namin, maraming salamat at hindi ka natakot magsalita. "

Ngumiti ito saakin at ginaya na ako palabas. "Walang ano man Mr. Mendoza. Condolence nga pala sa kapatid mo."

Umalis na ako pagkatapos magpaalam. Hindi dahil may nakuha na akong impormasyon ay titigil na ako sa paghahanap. Alam kong marami pang mata ang nakakita at nakakaalam.

Sa pagiikot ko sa bahayan ay may nakita akong grupo ng nagiinuman sa isang tapat ng bahay.

Nilapitan ko ito hoping for informations.

"Magandang hapon. Maari ba kong mangistorbo? Magtatanong lang sana."

"Oy! Pare! Tara umupo ka muna!" Nagbigay ng pwesto saakin ang isang lalaking may katabaan. Halatang lasing na ang mga ito, kahit tapat na tapat ang araw.

Umupo ako sa tabi nung lalaking nagbigay ng espasyo saakin.

"mukang dayo ka dito ah?" sabi ng isa sa mga lasinggero

"Parang ganun na nga mga boss, nandito lang sana ako para magtanong."

"Oh, shot muna. Mamaya na tanong." inabutan ako ng isang baso na may lamang alak. Inilapag ko lamang iyon sa aking harapan at nagsalita muli.

"Hindi na po, nandito ako para magimbestiga tungkol sa nangyaring krimen dito sa lugar niyo."

The drunk men were strucked, silent. They had a serious look in their eyes before one of them replied.

"Eh nako wala din kaming alam diyan eh" napakamot ang isa sa mga lalaking kaharap ko.

"Kahit ano po? Kahit ano lang pong narinig ninyo, o kung may napansin ho ba kayo? May kakilala po ba kayong may alam?" halos nagmamakaawa kong sabi sakanila

"Eh, ang alam ko may nakakita daw dito eh, nung gabi. Si ano, yung kapitbahay namin. Sino na nga ba yun?"

"Si Maria, pare. Yung maganda" sagot ng isa at kinuha nalang ung baso na nasa tapat ko at siya na ang uminom nito.

"Nakausap ko na po si Maria."

"ay ganun ba?"

The drunk men were deep in thought when one of them raised their hand. He looked at me as if a light bulb was lit on his head.

"AY AKO, MAY KWENTO PALA AKO!" pasigaw na sabi ng isa sa lasinggero, na para bang may itinanong ang guro at gustong gusto niya magrecite.

"Makinig kayong maigi. Etong huling krimen na nangyari? May nakita din ako nun! Gabi na din yun eh. Inutusan kasi ako ng misis ko. May nakita akong lalaki nun na bumaba sa magandang sasakyan. Nung papunta ako sa tindahan, nakita ko yung puting kotse, hindi ko alam ang tatak dahil wala naman akong alam alam sa mga sasakyan na yan. Pero ang ganda! Pero walang plaka."

"Pano niyo po nasabi na konektado ito sa krimen?"

"Hmm, kailan ko lang kasi naisip. Walang kotse ang nakakapasok sa mismong daanan papunta rito, pwera nalang kung sa dumpsite ka dumaan papasok rito. "

"Isang malaking lead po yang sinabi niyo, maraming salamat po sa oras ninyo ngunit kailangan ko ng umalis."

Pinilit pa ko uminom ng isa sa mga lasinggero, humindi talaga ako pero dahil mapilit sila napainom na din ako. Ngunit nagpaalam din ako kaagad.

Pagkaalis ko sa lugar tinawagan ko kaagad si Ryan.

"Ryan? Gusto ko na tanggapin ang offer mo tungkol sa Private Investigator na sinasabi mo. May mga leads na ko. Magkita tayo."

MarionnetTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang