Chapter 2

790 7 0
                                    

Jimin's pov.

  Maaga kami nagising para maaga kami makabisita kay Jungkook. Nagayos lang kami at umalis na rin.

*knock* *knock*

"Pasok kayo...." sabi ni tita pero malungkot parin siya.

"Kamusta na daw po siya?" tanong ni Suga.

"Wala pa naman pasabi ang doctor." sabi ni tita.

"Sana po maging ok na siya. Wag po kayo mag alala ipagdadasal namin siya." sabi namin.

***

Lagi namin yun ginagawa. Bumibisita kami araw araw. O kaya tuwing may bakante kami sa schedule namin. Isang buwan na rin pala simula ng mangyari ito kay Jungkook.

Nandito ulit kami sa ospital. Umuwi muna saglit si tita para mag ayos ng mga gamit.

"Kailan kaya siya magigising?" tanong samin ni Jin.

"Oo nga, isang buwan na rin. Miss na siya ng mga fans niya. Miss na rin natin siya." nagpipigil ng luhang sabi ni J-Hope.

"Sana talaga maging ok na siya." sabi ni Namjoon.

Tinititigan lang namin si Jungkook. Nagulat kami ng biglang gumalaw yung kamay niya.

"Gumalaw yung kamay niya guys!! Tumawag kayo ng doctor!!" sigaw ni Taehyung.

Lumabas ako at si Namjoon para tumawag ng doctor.

"Doc! Doc! Gumalaw po yung kamay ni Jungkook!" sigaw namin.

Tumakbo kami papunta dun at pagdating namin dun ay nakaupo na si Jungkook at naiyak silang lahat.

Sakto naman din at dumating si tita.

"Sino kayo? Anong ginagawa ko dito?" sabi ni Jungkook.

Nanghina kami sa sinabi ni Jungkook. Nagkatotoo ang sinabi ng doctor.

Chineck nila si Jungkook. Siguro daw makakalabas na siya after 1 week. Pero wag daw siya biglain ipaalala sa kanya lahat. At hindi rin sigurado kung maalala niya ang mga memorya niya.

"Ma sino sila!?" tanong ni Jungkook na nagpaiyak samin.

"Anak mga kaibigan mo sila. Bts members kayo diba?" naiyak na sagot ni tita kay Jungkook.

"Aray!" sigaw ni Jungkook habang nakahawak sa ulo niya.

Tumawag sila ng doctor para tanungin kung ano ang nangyari.

"As I said, dahan dahanin siya maalala ang lahat. Sasakit ang ulo niya if pinipilit niyang makaalala." sagot ng doctor at tinapik ang balikat ni tita.

"Thanks doc." nanghihinang sagot ni tita.

"Papahinga lang ako.." sabi ni Jungkook at tumalikod samin.

"Ano ng gagawin natin sa sitwasyon ni Jungkook?" tanong ni Namjoon.

"Di ko alam..." sagot ni Jin.

"Tawagan ko lang si manager para masabi natin at matulungan tayo." sabi ko.

Calling Manager.....

[Bakit ka napatawag, Jimin?]

Si Jungkook po...

[Anong nangyari sa kanya? Kamusta na siya?]

Di niya po kami maalala....

[Hah!? Ano ng gagawin natin niyan!?]

......

[Tawagan ko na lang kayo pag may plano na ako....]

Ahh sige po....






Short BTS storyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora