Chapter 3

569 7 2
                                    

Taehyung's pov.

Kasama namin si Manager ngayon sa ospital dahil pauwi na si Jungkook ngayon.

Kinausap niya kami. Kinausap niya rin si Jungkook.

Sinabi niya na tulungan namin siya maalala ang dapat maalala. Pumayag naman si Jungkook at syempre papayag din kami bakit hindi? Diba?

  Magkakasama kami ngayon sa apartment namin. Kausap ko si Jungkook.

Jungkook's pov.

   Naikwento na sakin ang mga nangyari. Medyo naalala ko na sila pero kulang pa talaga eh. Ang sakit sa ulo. Sana maalala ko na lahat para walang naghihirap ipaalala sakin lahat...

Kausap ko ngayon si J-jimin hyung ata?

"Bts member ka. Isa tayong group. Maknae ka namin, ibig sabihin ikaw ang pinakabata samin." paliwanag sakin ni Jimin hyung.

"Ahhh ok." sabi ko.

****

Kada araw, lagi silang may pinapaalala sakin. Pero sa tingin ko matagal pa ko makakarecover.

Nagpaalan muna ako saglit para lumabas at makapaglakad lakad para magpahangin. Nagpunta akong park.

Bumili muna ako ng ice cream. Trip ko kumain ehh hehehe. Umupo ako sa swing. May nakatabi akong babae kaya napatingin ako sa kanya. Nang napatingin siya sa akin ay nagulat siya.

"Jeon J-jungkook!?" sabi niya sakin na gulat na gulat parin ang mukha niya.

"Yes. Anong problema?" sabi ko.

Lumapit siya sakin at nagpakilala.

"Ako nga pala si Aleesha Grace Reyes. Fan niyo din po ako. Nabalitaan ko po na naaksidente kayo. Ok na po ba kayo?" sabi niya sakin.

"Ok na ko. Pero... fan kita? Uhm thank you sa pagsuporta. Pero di parin ako nakakaalala ng mga nangyari sakin eh." sabi ko sakanya.

Nalungkot siya bigla sa sinabi ko. Mukha siyang mabait.

"May gagawin po ba kayo bukas? Gusto niyo pong magkwentuhan tayo? Baka po matulungan ko kayo maalala yung ibang mga nangyari sa inyo..." sabi niya.

"Ahh sige ba kita tayo bukas dito ulit hah. Masaya akong makilala ka." tapos nakipag shake hands ako sa kanya.

   Nagpaalam nako sa kanya. Umuwi narin ako kasi mag didilim na.

"Kamusta ka Jungkook?" tanong ni Jin hyung?

"Ok lang naman. May nameet po akong babae sa park kanina. Si Aleesha? Fan daw natin." sagot ko naman.

"Wow. Mabait naman?" tapos nag smirk sila?

"Oo. Pero bakit kayo nag s-smirk diyan?" tanong ko sa kanila.

"Ah wala lang naman. Sige tulog na tayo." tapos tumatawa sila.

Bakit kaya sila natawa? Gulo. Hehe.

Nag ayos muna ako at nagpuntang park. Naabutan ko dun si Aleesha na nasa swing ulit.

"Sorry pinaghintay ba kita?" tanong ko.

"Uhm hindi naman po." sagot niya. Ang cute!!

Umupo nadin ako at pinagkwento ko siya.

"Isa rin po akong Wannable pero wag po kayong magalit ha Army din po ako. Nanonood po ako madalas ng concert niyo. Pero po nagtaka ako ng di kayo umattend ng isang fan meeting. Sinabi po nila na aksidente kayo. Andami pong nalungkot at umiyak na fan. Syempre po kasama ako dun hehe. Pero po nang sinabi nila na umayos na daw po kalagayan niyo, kailangan niyo lang ng pahinga at ng recovery naginhawa naman po yung loob namin." kwento niya.

"Ahh unang una di naman ako magagalit kung multi fandom ka ok lang yun hehehe. Pangalawa salamat sa pag aalala at pangatlo buti nalang ok na kayo." pag iisa isa ko.

"Kakapalan ko na po yung mukha ko pero alam ko naman po na aayaw kayo kaya wag na." sabi niya.

"Bakit? Ano ba yun?" sabi ko.

"Pede niyo po ba ako samahan sa pag punta ng concert ng wanna one?" sabi niya.

"Ahh sige ba yun lang ba? Ok lang naman." sabi ko sabay ngiti.

"Ahh talaga po!! Thank you po!! Sa isang buwan pa po yun eh hihi." sabay yakap niya sakin.

Nag sorry naman siya dahil daw sa inasal niya pero ok lang excited lang siguro siya.

Umuwi na siya kaya umuwi na rin ako.

"Oh Jungkook kamusta pag uusap?" sabi ni Suga hyung.

"Ok lang. Pede naman ako pumunta sa concert ng Wanna one next month diba?" tanong ko.

"Ah pwede naman. Kaso.... pwede rin ba kami sumama?" tas nagsidatingan sila.

"Ah sige ba hahahah!" pag sang ayon ko.

Short BTS storyWhere stories live. Discover now