HTSB C-1

30.8K 426 0
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a legal violation of copyright law, plagiarism is using someone else's work or ideas without giving proper credit. Plagiarism is a crime.


Author's Note: This is the second story that I wrote way back 2018. Hindi pa ako marunong gumawa ng story kaya expect niyo na hindi pa ako marunong mag described at mag wording. Thank you.

*************************

Simula

"Naku baka malate na ko nito" bulong ko habang nasa jip.

First day ko sa trabaho sumabay din ang pag bukas ng klase ng mga estudyante.
Pangalawang trabaho ko na ito. Hindi naman talaga ako aalis sa dati kong trabaho kung hindi lang talaga maldita ang supervisor ko. Iniisip ko, wala naman talagang problema sa akin, marahil ay masyado lang silang insecure.

Ayaw ko man aminin ay talagang malakas ang aking appeal sa mga kalalakihan. Pero kung sa iba ay blessing iyon na maituturing sa akin ay hindi. May pagkakataon kasing nababastos ako o namamanyak. Buti nalang marunong ako ng self depense. Pinilit aki ni mama na mag aral ng martial arts simula nang masangkot ako sa isang gulo dahil sa pambabastos sa akin ng lalaking lasing.

Mayamaya pa ay bumaba na ako ng Jeep.
"Grabe male-late na ko" ani ko habang naglalakad.

Ilang sandali pa ay napapikit ako dahil sa lakas ng busina na kaagad akong napaupo. Nakita kong may motor na sa harapan ko. Natulala ako nang mga sandaling iyon habang unti unting  pumaligid ang mga tao sa amin

Muntik na akong mahagip ng motor. Sa pagmamadali ay hindi ko napansin na parating ito. Buti nalang naiwas agad ng lalake ang motor niya bago pa man ako mabangga.

Bumaba ang lalake mula sa motor at agad na tinulungan akong tumayo.
Nakafull- face helmet ito, matangkad at mapapansin ang matipunong pangangatawan.

Hinawakan ako nito sa kamay upang makatayo. Pagkatapos ay tinanggal nito ang suot na helmet. May napa tiling mga babae malapit sa kinaroroonan namin.

Ako naman ay abalang nagpagpag ng damit. Hindi ko tinignan ang itusra ng lalake. Nagulat pa rin kasi ako sa pangyayare.

"Ok ka lang ba miss" seryosong sabi ng lalake.

Napaangat ako ng tingin. Natigilan at tumitig sa lalake.

Patay na ba ako? Bakit may anghel sa harap ko?. Muntik ko nang maiboses ngunit hindi ko na nagawa dahil parang huminto ang oras ng  sandaling iyon.

"Miss? Miss? Are you alright" pag aalalang tanong ng lalake.

Napakurap ako. "Ah-eh oo ok lang ako" sagot ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalake.

"May masakit ba? Do I need to take you to the hospital"  Tanong ulit ng lalake.

Yes! Yes take me please. Sambit ko sa aking isip na agad din akong napailing. "No, ok lang ako".

Tinignan ko ang aking relo at bigla kong naalala na male-late na ako.
Nagmadali akong naglakad. Iniwan ko ang lalake. 
Napa takbo ako ng bahagya nung makita kong may dalawang MMDA na papunta sa kinaroroonan ng lalaki.

Nilingon ko ito habang naglalakad. Nakita kong sumenyas ito na naging dahilan ng mabilis kong paglakad.

"Sorry pogi, nagmamadali na kasi ako".

----------------------


How I Seduce My Boss (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt