HTSB C-2

16.8K 280 0
                                    

Thanks po sa mga nag-add nitong story sa Reading List.

I- dedicate this story to my previous boss na super pogi—Anonymous.

"LATE ka na naman"?, tanung ni Jenny, habang naka-pameywang sa harap ko.

Nginitian ko lang siya at agad kong inayos ang dala kong gamit.

"Ikaw ba naman abutan ng malakas na ulan hindi ka male-late?, saka hindi ako nakapag dala ng payong kaya eto nabasa ako", paliwanag ko na nagpapagpag ng basa kong dress.

Tinignan ako ng aking Kkaibigan mula ulo hanggang paa bago siya nagsalita. Nahuhulaan ko na ang sasabihin niya dahil sa paraan ng kanyang pagtitig.

"Annie, infairness ang sexy mo pag basa", biro niya sabay kindat sa akin.

Nagkibit balikat ako at itinago ang parteng dibdib kong nabasa, "My ghaddd, pati ikaw mamanyakin ako" pabalik kong biro.

"Alam mo kung naging lalaki lang ako siguro patay na patay na ako sayo ngayon'. Biro pa niya ulit.

Inismiran ko siya at mayamaya ay tumawa.

"Tama na nga yan, magtrabaho na tayo.' wika ko at umupo sa upuang kaharap ng Computer.

Halos 6 months na din kong nagtatrabaho sa Fuentes Corporation Masasabi kong okay na ako sa posisyon  ko bilang Accounting staff. Mababait ang mga kasama ko dito sa  Department kung saan ako tinalaga. Wala naman akong pakialam sa ibang Department na na-iinsecure sa akin . Pasalamat din na nasa 5th floor ang opisina namin. Dahil hindi ko makakasalamuha ang ibang katrabaho na nagtataray sa akin.

Bigla akong nahinto sa pagta-type at napa-kunot ng noo naalala kong may memo na pala ako sa pagiging Late. "Jenny yari ako nito", wika ko sa aking  kaibigan na abala namang nakatingin sa cellphone nito.

"Bakit?'', tanung nito na hindi lumilingon sa akin.

"Baka ma-terminate na ako nito, di ba binigyan ako ng memo sa pagiging late nung nakaraang lingo", seryoso kong  sabit at tinapik si Jenny sa balikat

"Ahh ganun ba?" Abala pa rin siya sa cellphone na tila may hinahanap. Ilang sandali pa ay itinuon naman niya ang paghahanap sa computer.

"Baka mawalan na ko ng trabaho Mars" pag-aalalang sabi ko habang nakatingin sa aking kaibigan.

Hindi pa rin ito lumilingon sa akin kaya naman tinapik ko ang balikat nito. "Mars seryoso ako, anu ba kasing ginagawa mo dyan?,

"Wag kang maingay Mars balita ko ngayon daw darating yung Anak ni Sir Fuentes. Hinahanap ko kung anung itsura niya, may nakapagsabi kasi saken na papable daw yon", paliwanag ni Jenny habang seryosong nakatitig sa computer.

Napa crossed arm ako at kunot noong nagsalita. "Papable? Ikaw talaga ang bilis nang utak mo pag gwapo," napabuntong hinga ako at nagsalita ulit. "Nag-aalala ako ngayon na baka tsuguin na ako ni HR",

"OH MY GOLAY", biglang sambit ni Jenny sabay takip sa bibig. Nakita ko kung paano lumaki ang mata nito habang nakatingin sa screen ng computer. "Look Mars grabe mas gwapo pa siya sa artista". Dugtong pa nito sabay ngiti.

Nacurious ako sa sinabi niya kaya nilapitan ko ang monitor ng Computer niya.

Natulala ako ng ilang segundo at mayamaya pa ay kinurot ko si Jenny na nasa tabi ko.

"Aray naman Mars!" Angal nito na hindi ko na nilingon. Titig na titig pa rin ako sa itsura ng lalaking nandoon sa may Monitor. Hindi naman siguro ito panaginip. Gising na gising naman ako.

Unti unting akong nakaramdama ng kaba. Parang may kung anung tambol na nakakabingi na sigurado akong pintig na puso ko ang naririnig ko l. Napahawak ako bigla sa aking bibig. Muling bumalik sa alaala ko ang nangyari nung araw na iyon. Siya yung muntik nang bumunggo saken.  Sariwa pa sa isip ko ang mga nangyare, lalo na yung itsura ng lalaking ito na halos tumatak sa isip ko. Hindi ko aakalain na magtatagpo pa landas naming dalawa.

"Mars?! Ano na? Tulala kana dhay?" Sambit ni Jenny na hindi ko na nagawa pang siya'y sagutin. "See, I told you pati ikaw nahi-hypnotize sa kanya", saad pa niya saka tumawa ng mahina.

"Mars, na love at first sight yata ako", pag aamin ko na hindi parin maalis ang aking tingin sa screen.

"Well Mars, goodluck sayo. Tingin mo may pag-asa ka? I'm sure may Girlfriend na yan or maybe engaged",

"Wala akong pakialam mars, ang importante hindi pa siya kasal." Lakas loob kong sambit at makahulugang ngumiti.

"What?! Mars... ikaw ba yan? Mukhang nilagnat ka dahil sa Ulan", natatawang sabi ng aking kaibigan saka dinampi ang kanyang kamay sa aking noo.

Agad kong tinanggal ang kamay niya sa aking noo at nagsalita."No Mars, Seryoso ako". Natigil kami bigla sa paguusap ng marinig ang boses ni Ms. Haidi ang HR manager. Napabalikwas agad kami ng tayo ni Jenny at pasimpleng in-off nito ang computer. 

Lahat kami na nasa Department ay isa-isang tumayo habang nakatingin kay Ms. Heidi. Habang papalapit sa ami  ay natuon agad ang mata ko sa taong nasa likuran nito.

Hindi ako kumurap dahil gusto kong makasiguro kung ito nga ang lalaking nakita ko noo. Pigil na pigil ang hinga ko nang ito'y makalapit sa aming pwesto. Mas nakikita ko na ang mukha nito ng malinaw at hindi ako maaaring magkamali. Siya ang lalaking muntik ng bumunggo sa akin.

Naiyuko ko agad ang aking ulo ng mapansing sa direksyon ko siya titingin. Para akong natameme at natorpe ni sulyapan at salubungin ang kanyang tingin ay di ko nagawa.

"Ok everyone, Im glad to introduce our new boss Mr. Adam Fuentes", pagpapakilala ni Ms. Haidi.

Marahan kong inangat ang aking ulo kaya nakita ko pa na saglit itong ngumiti at agad na binalik ang seryosong gestured nito.

New Boss? Ibig sabihin lagi ko na siyang makikita?. Wika ko sa isip at lihim na ngumiti.

_______

How I Seduce My Boss (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora