Kabanata 3

177 4 1
                                    

Yuri's POV


Madilim..

Wala akong makita. Syempre, kasi nga madilim! Wala akong marinig na kahit ano, di ko marinig ang mga boses nila. A-asan na sila? imposible naman na iwan nila ko dito! Kumapa nalang ako habang nag sasalita pero mas pinag taka ko na wala kahit ano akong mahawakan!

Shit! Nasaan ako?!

Nakaramdam ako ng takot ska tumigil nalang dahil alam ko na mapapagod lang ako. Alam ko walang patutungu-han ang pag hahanap ko. Ang hindi ko lang maintindihan bakit wala ako sa kwarto namin? Naalala ko bago ako mawalan ng malay nag brown out at.. unti-unting nilapitan ni Taeyeon ang malakas na katok sa pinto ng dorm namin..

"Gising ka na pala." napatalon ako sa gulat ng may mag salita mula sa aking likod. Humarap ako para makita sya pero wala manlang kahit na anino. Sino yun?

"Sino ka? A-asan ako? Asan ang mga kasama ko?!" sunod sunod na tanong ko, ramdam ang takot sa paligid.

May hindi tama.. Para akong nasa ibang mundo! Pakiramdam ko hindi to panaginip. Kahit wala pa rin akong makita nararamdaman ko ang presensya nya. Hanggang sa. . .

May b-babae..

Nakaharap sya sakin nguni't hindi ko makita ang mukha nya. Hindi sya gumagalaw pinapakiramdaman ko ang mga gagawin nya sakin. Hanggang sa dahan dahan nyang inangat ang kaliwang kamay. Pinapa- hiwatig na parang gusto nyang isama ako sa kung saan. Inaanlok nya ko? Para saan? Sino ba to?

"B-bakit? A-anong kailangan mo s-sakin.." nauutal na tanong ko.

Kinakabahan ako! Shit!

[ a/n: please, be aware in other word that might be offensive to your age like SPG, bad words. and also, wrong grammar. Thank you! ]

"Handa ka na bang malaman kung sino ang unang mamamatay?"

Matapos kong marinig ang sinabi nya. Everything went blank.


-

Taeyeon's POV

Hindi rin naman nag tagal ang brown out mga limang minuto nabalik na din agad. Pero laking gulat namin ng pag bukas ng ilaw wala ng malay si Yuri at naka bulagta na sa sahig. Ang putla nya rin at pawis na pawis. Dahil nga anong oras na sarado na ang clinic dito, mas pinili namin na dalhin nalang sya sa malapit na ospital na agad din naman kaming pinayagan ng Guard.

St. Louis Hospital basa ko at bumungad samin ang isang nurse na tinuturo kung saan namin ihihiga si Yuri na wala pa rin malay hanggang ngayon. Nagtataka ako kung anong nangyari skanya? sa tagal namin mag kakasama sa iisang dorm ngayon lang to nangyari sakanya.

"Dito nalang po muna kayo, kami na po ang bahala skanya." napa nod naman kami. Naiwan sila Sooyoung at Jessica sa dorm.

Kahit na hindi malala ang nangyari skanya di ko pa rin maiwasan na di kabahan. I know na simula ng maka tuntong kami sa Kingdom High umiba ang aura nya. Tumahimik sya at ang cold nya makipag usap samin. I fucking feel it, something wrong with her!

"K-kanina..." basag ni Yoona sa katahimikan, nauutal sya at halatang kabado. Makikinig lang ako sa mga sasabihin nya.

"... Habang walang ilaw sa sala kung san nandon tayong lahat. N-naramdaman ko yung takot nya sa di ko alam na dahilan. Nanginginig sya sa takot at may binubulong.." aniya kabado pa rin dahil nauutal at malikot ang mga daliri nya. Ganyan sya kapag natatakot.

Nalukot ang noo ko sa sinabi ni Yoona. Something weird! May binubulong? ano naman? si Hyoyeon ang nag tanong ng kung ano rin ang tanong sa isipan ko. Malamang, curious kami sa narinig ni Yoona.

"Anon yung sinasabi nya?" walang bakas na takot o kaba sa tanong ni Hyoyeon.

Napakagat ng labi si Yoona at umangat ng tingin samin. Seryoso ang mga mata nya pero bakas doon ang pag aalinlangan, takot at naguguluhan. Hindi ko alam kung bakit?

"Mag sisismula na.. ang kamatayan ng mga estudyante sa Kingdom High."



Twelve Midnight [EXOSHIDAE FF.]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora