Kabanata 9

96 1 0
                                    



Yoona's POV

Last subject na namin at dahil di rin naman dumating ang prof namin sa Research. Kanya-kanya ang ginagawa nila ngayon. Tama lang ang ingay, kumpara sa kabilang room na halos maririnig mo na hanggang Cafeteria ang mga boses nila. Section E are so nosy! 'yan lang naman laging sinasabi sakanila. Pero wala pa din naman silang magawa para patahimikin.

Tahimik lang ako habang naka tingin sa mga kaklase ko. Napansin ko ang bangayan nila Tiffany at Luhan. Di na bago! Habang sila Sooyoung, Tao, Xiumin at Sunny nasa isang tabi at kumakain. Pansin ko din ang landian ni Taeyeon at Baekhyun sa second row ng upuan. Habang ang iba, It's either nag babasa o nakikinig ng music sa phone. Tahimik lang sakanilang upuan.

Napailing nalang ako at tinuon ang pansin sa binabasa. Hanggang maramdaman ko ang pag siko ni Suho na katabi ko lang din. Kumunot ang noo ko saka bumaling sakanya, nag tatanong.

"Usap-usapan sa labas na hindi na matutuloy ang Royal's list sa Sabado." aniya

"Huh? Bakit 'daw?"

Kung ako din naman hindi na kailangan 'iyon. Dahil una sa lahat may ranking na sa lahat ng Section dito. At pang huli, It's too cringe to have a title of Queen or King. Mas lalo lang madadagdan ang mayayabang dito sa KH. Though, hindi naman naging mayabang sila Myungsoo at Yuri ng sila ang nasa Highest Rank hanggang ngayon.

Nag kibit-balikat sya. "Baka na realize nila na masyado ng cringe kung may 'ganoon pa? Ranking is enough! Di na kailangan ng ganon." ani Suho

I chuckled. "Cause, we still know na sa Class pa din natin mang gagaling ang Royal's list?" sabi ko. Natatawang tumango sya,

Expected na namin 'yun. Kaya para sa'min nonsense na yung ganon na pauso ni Mr. Kim. For us, Ranking is enough. Doon na kami naka base at doon mo din makikita kung sino ang karapat-dapat. Yuri and Myungsoo are in the list. Top 15 pero lima din ang naka pasok sa klase namin. To be fair also, may Class E / Section E na nakasama sa listahan. Pero by month nag babago rin ang list.

At 'yun ang nakaka pagtaka sa lahat.

Paano at Bakit nababago?

"Last 10 minutes! Uwian na!" sigaw ni Chanyeol dahilan na magising ang diwa ng iba.

Dahil ilang oras nalang makaka labas na kami sa impyernong 'to. Inayos ko na ang mga gamit ko para hindi mag madali kapag tumunog na ang bell hudya't na uwian na. Habang inaayos ko ang mga gamit ko narinig ko si Fei na lumapit kay Suho kasama nya si Suzy na plastic kung ngumiti sa'akin.

"Pwede ba kami mag restroom, sandali?" paalam ni Fei.

Agad naman sumang-ayon si Suho at mabilis na lumabas sila Fei sa room. Rinig ko ang buntong-hininga ni Suho kahit na maingay ang mga kaklase namin dahil excited ng umuwi.

"Oh. Bakit mukhang natigilan kang huminga ng lumapit sila kanina?" natatawa kong tanong.

Napansin ko ang pag dadalawang-isip nya kung ano ang dapat sabihin. Kahit na dalawang linggo ko palang nakaka sama si Suho. Nakikita ko na ang hirap nya bilang Presidente ng Class A. Kumpara, sa ibang section. Mas madami ang ginagawa nya. Kasi mas responsable sya kaysa sa iba. Hindi nya hahayaan na malamangan kami ng ibang section.

At hindi nya din hahayaan na may malaman sila tungkol sa'amin. Hindi nila hahayaan. Sigurado ako..

"Ang baho kasi ni Fei.." aniya, seryoso.

Humagalpak ako dahil sa sinabi nya. Kahit na ang seryoso ng mukha nya di ko pa din maiwasan na matawa.

"Hayop! HAHAHAHA. Seryoso ka ba? Knowing, Fei! Isa 'yun sa pinaka maarte sa klase na'tin. She won't let it! At mukha naman ayos lang si Suzy kanina?" sabi ko. Napansin ko naman kasi si Suzy na ayos lang sa tabi ni Fei kanina. Isa pa 'yun maarte!

Mas lalo syang sumeryoso. Kaya natigilan na ko sa pag tawa. Ramdam ko na din na nakatingin si Yuri at L sa gawi namin ni Suho. I can feel it.. knowing them. Kakaiba ang aura nilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit? Pero nasanay na din naman ako kay Yuri.

"A-ano ba naamoy mo sakanya kanina, S-Suho.." kinakabahan na tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla. Pero mas kinabahan ako sa sagot nya.


"P-parang nabubulok na bangkay.. Amo'y patay si Fei, Yoona."


--

Suzy's POV

Matapos kaming payagan ni Suho para mag CR. Narinig na namin ang tunog ng bell hudya't na uwian na. Si Fei nalang ang inaantay ko at halos ang tagal na nya sa loob. Tss! di mo alam kung umiihi ba sya o nag poop na sa tagal nya.

Dahil malapit lang naman ang C.R sa classroom namin. Kita ko ang pag labas ng mga kaklase ko. Kitang-kita sakanila na masaya dahil sa wakas uwian na! Mas makakapag pahinga na uli kame. Malapit lang naman bahay namin dito. Yung iba kasi kaya di pinapayagan ay dahil nag d-dorm sila dito sa KH. Sagotin nila kapag may nangyari masama sa estudyante kapag lumabas ito ng walang paalam. Unless, nalang kung may valid reason sila.

"HOY FEI! ANTAGAL MO NAMAN!" Sigaw ko. Pero walang sumasagot?!

Dahil sa inis ko pumasok uli ako sa loob ng C.R may dalawang estudyante ako nakita na parang may sinisilip sa isang cubicle sa bandang gitna. Sila yung napansin ko na pumasok kanina nag C.R muna bago umuwi. Nagulat sila sa pag sulpot ko. Kapansin-pansin din kung anong section sila galing dahil sa uniform. Plain white and Black.

Kumunot ang noo ko ng may maamoy sa loob. Parang nangangamoy malansa na ewan.

Nakakasuka!

"Anong amoy 'iyon ha? Asan si Fei?!" inis na tanong ko sakanila. Iling lang ang sinagot nila hanggang sa nag ma-madaling tumakbo papalabas ng C.R

Fuck!

Ako nalang mag isa.

Sinilip ko ang bawat cubicle. Pero wala si Fei hanggang sa nasa pangalawa sa huli nalang ang di ko pa nabubuksan. Pero malay ko ba na baka iniwan na ko 'non? Bruha! Yari sakin 'yon mamaya sa apartment!

Papalabas na ko sa restroom baka sakali na iniwan na nga ko ni Fei at di ko lang napansin dahil nakausap ko kanina si Myungsoo.

Nang maka rinig ako ng ungol mula sa isang cubicle na di ko pa nabubuksan..

Ungol na nag mumula sa isang babae!

Dahan dahan ko 'itong binuksan..

At

Tumambad sakin ang wasak-wasak na katawan ni Fei. Wala na 'itong buhay at halos nagkalat sa sahig ang mga laman loob at dugo nya. Natigilan ako at napa sigaw dahil sa gulat.


"Ahhhhhh!!"

Pero ang tanong saan galing ang ungol na narinig ko kanina? At sino ang gumawa nito sakanya..


Twelve Midnight [EXOSHIDAE FF.]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu