kabanata 10

13 3 0
                                    

Hello this chapter is dedicated to @LeaHelenEsquilla and  @_ayesthetic_. Thank you for you're support!


****

" Ano ang dapat kong malaman?" at matapos kong sambitin ang mga salitang iyon ay katahimikan agad ang namayani sa loob ng kwarto. Naku, naku, naku, ikaw kasi max. May pa pasok pasok pang na lalaman. Yan tuloy baka nagalit sila, Jusko!

"  Maxine?  Wha-what are you doing here? " -miss kasandra

" ay hehe sorry po narinig ko lang kasi yung name ko kaya po pumasok ako. Sorry "

" Good to know. Uh wala kabang ibang narinig bukod dun?" mabilis akong napa iling bilang sagot.

" wala po. Di po ako chismosa" sagot ko

" okey " maikling sagot ni sir. Sa totoo lang, nag tataka ako kung tatay ba sya ni andrew eh samantalang kabaliktaran ng ugali ni andrew ang ugali ni sir mike.

" promise po talaga. Wala akong narinig " mabilis kong depensa. Jusko di nila dapat malaman na may narinig ako. Kahit di ko yun na intindihan sa totoo lang.

" haha is that so. So max, pwede bang lumabas ka muna at tumungo sa iyong kwarto? May mahalaga pa kaming pag uusapan."

" Syempre naman po! Maliit na bagay " at mabilis na um-exit. Baka mamaya mabisto pa ako at malagot.

Tapos pag nangyari yun baka ipasok ako sa loob ng madilim na kwarto. Sa madumi at mabahong lugar at akala ko ako lang mag isa kasi yun pala may kasam akong Mumu! Whaaa huhu ayoko nun, Nakakatakot!!!

Dahil sa mga pinag iisip ko ay naka ramdam ako ng takot sa paligid. Jusko! Ito na nga ang sinasabi ko eh at ako pa talaga mismo tumatakot sa sarili ko. Lalo pa't nasa madilim akong parte ng hallway ay lalo akong natakot at bumilis ang akong pag lakad.

Napadpad ako sa garden ng mansyon. Napaka tahimik at walang ka tao tao kaya dahil sa takot ay tumakbo nako para mapabilis ang pag punta ko sa kwarto. Hay nako napaka layo ba naman kasi. Para ka kasing sira max kung ano ano ang iniisip mo. Yan kasi eh, nag kaka-ganito na tuloy ngayo-

Napatigil ako sa gitna ng garden dahil sa lakas nang hampas ng hangin na dumampi sa aking balat. Dahil doon ay nagsitayuan ang aking mga balahibo at na kadama ng lamig. Kung aking ilalarawan ang paligid ay may konting liwanag ang paligid dahil sa ilaw galing sa buwan kaya ma papansin mo parin ang ganda ng mga bulaklak at halaman dito sa garden.

Nag simula akong maglakad at pinag masdan ang paligid. Wow, ngayon ko lang napansin ang ganda dito sa garden.  At sumasayaw ang mga halaman dahil sa hampas ng hangin. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na dama ko.

Muli akong napahinto sa pag lalakad dahil sa mga kaluskos na aking narinig. At yon ang naging hudyat sakin upang tumakbo ng sobrang bilis at di ko na alam kung ano pang ang mga na dadaanan ko at nakarating ako sa aking kwarto. Mabilis kong sinara at ni-lock ang pinto.

Nag tungo ako sa aking kama at humiga. Nag talukbong ako ng kumot at hindi na namalayan ang aking pag tulog.




----

Napa mulat ako agad dahil sa pag tunog ng aking alarm clock. Bumangon ako at ginawa ang aking ritwal sa banyo pagka pasok ko.

Nang matapos ay lumabas ako sa banyo ay tsaka ko lang napansin ang uniform na naka sabit sa upuan dito sa aking kwarto. Kinuha ko yun at binasa ang sulat na naka dikit dito.

Wear it. Its your new uniform.
Good luck and have a nice day

- lolo alfonso

Secret Corporation [Don't Tell Anyone]Where stories live. Discover now