Kabanata 01

20.1K 829 146
                                    

Maniac



"Good morning baby Bree" Nagising ako ng maaga dahil maaga rin akong nakatulog kagabi. I have noticed that Bree is an early riser kaya naman sakto lang ang gising ko, she's already awake.


"Mipapa?" Her voice is a little groggy but still cute.


"No, your mipapa is not yet here." Nalungkot ako dahil sa pangungulila niya sa ama. "But don't worry, nandito naman si ate Zoe." Hinimas ko ang kanyang baba.


Ngumiti naman siya sa sinabi ko. I went inside the bathroom to fix myself and I did the same with Bree. Nagsusuot pa siya ng diaper kaya naman pinatawag ko si Aida para papalitan ito because I have no idea how to deal with it.


After changing, we went down to have some breakfast. Buti nalang at pancakes na ang niluto ni manang Belen dahil mukhang paborito ito ng bata. Marami siyang nakain bukod sa pag-ubos niya ng isang baso ng gatas.


"Ma'am Zoe nandito na po si teacher Dionne." It was exactly seven in the morning when Aida informed me.


Napatingin ako kay Bree na abala pa rin sa pag-nguya ng pancakes. "Aida dito ka muna, bantayan mo si Bree."


Pumanhik ako patungong sala at doon ko nakita ang isang babae na katamtaman ang haba ng buhok at kasing-tangkad ko.

"Hi, you must be teacher Dionne?" Iniabot ko ang aking kamay.


Malapad ang ngiti ng babae habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"And you must be Zaeya? O wow, na-meet ko na rin ang anak ni Mr. Ramontes. It's nice to finally meet you." She extended her arm for a handshake.


"Just call me Zoe" I smiled back. She's pretty, makinis ang kanyang balat at matangos ang ilong. She just wore a light make up that defines her natural beauty.


"Are you here for Bree?" I asked even if it was obvious.


The lady nodded. "Ibabalik ko nalang siya mamayang four."


Iniisip ko palang kung ilang oras iyon ay nalungkot na ako. Wala naman kasi akong ibang magawa dito kundi ang mag-swimming at mag-golf tuwing hapon. What if I spend the whole day with Bree, kahit ngayon lang?

Napansin siguro ni Dionne ang pagbusangot ng mukha ko.


"Uhm, is it okay with you?" Nag-aalangang tanong niya.


Kung sana ay may pinakamalapit na mall dito ay hindi ako mag-aabalang mag-isip kung ano ang gagawin ko para lang malibang coz I will surely spend the whole day going shopping, pero dahil probinsya ito at napapalibutan ako ng tubig-dagat, I suddenly became a wishful thinker.

Kailangan ko si Bree para maging masaya at makabuluhan ang araw ko.

So I have to be honest with Dionne.


"Pwede ba sa ibang araw mo nalang siya hiramin? I have plans for today, gusto ko sana siyang isama."

Endlessly (Ramontes Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon