Kabanata 20

21.1K 703 87
                                    

My Little Family



My lips curved into a thin smile. God I love my maniac so bad.

"I love you Ram, and I promise, you will never lose me again." Napahawak ako sa batok niya. "Basta ipangako mo rin sakin na kahit ano pang kondisyon ang ibigay sayo ng mga tao, wag na wag mo na akong iiwan. Remember when we used to live on our own? Nakaya naman natin diba? "


Napatango siya saka yumuko. Alam kong pinanghinaan siya ng loob dahil bukod sa daddy ko, mang Ramon was also against us. Sa totoo lang wala naman talaga sakin ang desisyon, the consequences were all up to her. Ram is a family oriented person. And I respect her decision kasi alam kong mas marami ang mawawala sa kanya kapag ako ang pinili niya sa mga panahong 'yon. 


Good thing we have faith. We both gained from life's experiences after being pushed down to the core. I learned so much about life while she showed great determination for a life's upgrade. Wala na akong mahihiling pa dahil sa kabila ng lahat, she still found her way back to my scarred heart.


Sa sobrang kasiyahan ko ay agad ko siyang siniil ng halik. Let's just say that something happened again inside my bathroom. I guess we're just making up for the lost years that we weren't together.



Our merienda turned into dinner. Ganun kami katagal sa loob ng kwarto ko. Inutusan ko sina manang na sa labas ng mansyon kami kakain. Nag-setup sila ng dining table kung saan matatanaw ang dagat at ang mga taong nagpapakasaya sa tabi ng dalampasigan.


Ram is making a call while I help them bring the foods they prepared outside.


"Buti naman po at mukhang nagka-ayos na kayo ma'am." Usal ni manang Belen na nakangisi na naman.


"Pilyo kayo ni mommy manang, you knew this is coming." Komento ko habang napapailing nalang.


"Tinulungan lang namin si Ram, nagpapaka-hard-to-get pa po kasi kayo eh." Dagdag pa nito.


Aba, ginamit niya talaga sakin ang salitang hard-to-get? Napatawa ako ng mahina.

"Syempre manang," Pagsakay ko sa sinabi niya. "Kailangan niya munang paghirapan, pang-habangbuhay naman na pagmamahal ang ibibigay ko sa kanya."


"Sa tingin ko ma'am hindi na niya kailangang magpakahirap," She snapped in again. "Mukhang na-angkin na kayo eh."


Nanlaki ang mga mata ko. Pero mukha namang walang malisya yun sa kanya. Ang utak ko lang talaga ang may diperensya. My face looked so guilty!


Buti nalang tumungo na ulit siya sa loob para kunin ang iba pang pagkain. I went to Ram and she's still busy with her phone.


"Timplahan mo nalang siya ng gatas para makatulog na. Bukas pa ang uwi ko. Tell Bree that I have a surprise for her tomorrow. Okay, bye." She turned her phone off and face me.


"Babalik ka na ng Manila?" I asked her, hoping that she'll stay even just for a few days.


Endlessly (Ramontes Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon